ALLIAH KEITH.
"Alliah, kain ka muna," sabi ni Ate pagkapasok sa kwarto ko. May dala dala syang tray at inilapag 'yon sa mesa malapit sa kama ko. I feel helpless right now. Hinang-hina na 'ko. Wala na 'kong magawa. Hindi ko alam na ganito ang magiging epekto sakin ni Pablo pero wala s'yang kasalanan. Ako ang nahulog, ako ang magdudusa.
Bumangon ako nang dahan-dahan. Hindi ko na talaga kayang bumangon nang mabilisan dahil hinang-hina ako.
"Salamat, Ate." Ngumiti si Ate saka nagsalita. Sinubukan kong umayos ng upo para makakain nang maayos.
"Nasalubong ko si Pablo kanina..." Napatigil ako at mabilis na napatingin kay Ate. Nakatitig lang din siya sa akin na parang hinihintay ang reaksyon ko.
Calm down, Alliah.
"A-anong nangyari, Ate?" Lumunok ako bago sinubukang kumain
Ate Roshan sighed. "Masakit man ito sayo pero hinatid nya si Reign..." Mahinang sabi nya. Napaiwas ako ng tingin. Masakit nga. Yung dating ako yung hinahatid nya pero ngayon, wala na kasi may Reign na sya eh. Yung babaeng gusto nya yon. Wala akong laban don.
Natahimik kaming dalawa. Halos hindi ko na alam kung makakakain pa ba ako ng ayos. Sobrang hapdi ng puso ko.
"Alliah, kalimutan mo na yung sinabi ko. Kumain ka na," sabi ni Ate kaya kumain na lang ako.
Kung mamamatay man ako, mas gugustuhin kong iwan sila nang masaya. Mas gugustuhin kong palayain si Pablo kesa piliin syang manatili sakin dahil lang sa sakit ko.
"Ate, hindi ka pa uuwi?" Tanong ko. I know nakakapagod ang araw na ito para kay Ate.
"Hindi na. Dito na ko matutulog ngayong gabi," sabi nya. Tumango na lang ako bago sumandal sa headboard.
"Si Kuya Josh po, nasaan?"
"Nasa kuwarto nya, kakauwi lang no'n. Nagpahangin kaya pinagpahinga ko muna. Napagod din kakaiyak 'yon," sabi nya kaya hindi ko maiwasang hindi maguilty.
Napayuko ako. "Sorry, ate ah. Umiiyak kayo nang dahil sakin. Nag aalala kayo dahil sakin. Nahihirapan kayo dahil sakin. Pasensya na kung nalulungkot kayo dahil sakin. Mas mabuting mawala na ako pa--"
"Alliah!" Inis na sabi ni Ate kaya napatigil ako.
"Wag mong sabihin yan! Wala kaming pake kung mahirapan kami basta gumaling ka lang. Ako, hindi mo man ako kamag-anak o kapatid, para sakin, kapatid kita at masakit sakin na makitang nahihirapan ka nang ganyan lalo na sa Kuya mo..." Sambit nya kaya nakaramdam ako ng hiya. "Tingin mo ba, kapag nawala ka, magiging masaya si Josh? Yung mga kaibigan mo? Ako?... Si Pablo? Magiging masaya ba kaming lahat pag nawala ka?" Umiiyak na si Ate kaya kahit nanghihina, lumapit ako at niyakap sya.
"Sorry, Ate. I'm sorry," lumuluhang sambit ko.
"Please, Alliah. Wag mong sabihing ganon. We treasure you and we love you lalo na ang kuya mo. Please," sabi nya. "Always remember na hindi ka nag iisa. Andito kami, okay?" Tumango na lang ako saka nagsimulang kumain.
"Alliah." Napatingala ako at nakitang pumasok si Kuya Josh sa pintuan. Naupo sya sa kama ko, katabi ni Ate.
"Sorry, Alliah..." panimula n'ya na ipinagtaka ko.
Napuno ng pagtataka ang mukha ko. "H-huh?"
Napalunok si Kuya bago umiwas ng tingin. "Sinabi ko kela Justin, Stell at Ken ang tungkol sa sakit mo," he whispered.
Natigilan ako at kinabahan. Kung alam nila, edi alam din kaya n'ya?
Kuya seems to notice my confusion and my clueless state.
"Hindi alam ni Pablo. Papunta na sila ngayon dito maliban kay Pablo..." napahinga ako nang maluwag. "Alliah, deserve nilang malaman ito dahil kaibigan mo din sila. Para na din makapag ingat sila sa mga sasabihin tungkol sa inyo ni Pablo," sabi ni Kuya.
"Tama ang kuya mo. Deserve ding malaman nila Ken ito." Tumango na lang ako. Wala naman na 'kong magagawa. Nasabi na ni Kuya eh.
Matapos kumain, lumabas na rin sina Ate at Kuya at naiwan ako mag-isa. Nahiga ulit ako at tumitig sa kisame.
Hanggang kailan kaya ako tatagal?
Maiiwan ko ba sila nang hindi alam ni Pablo ang nararamdaman ko para sa kanya?
Pag sinabi ko, may pag asa ba?
Tumulo ang luha ko sa mga naiisip ko. Lahat ng memories namin ni Pablo, naaalala ko. Gusto kong bumalik sa dati. Yung pinoproblema ko lang yung kung paano kami magkakabati ni Pablo. Yung iniidip ko lang kung anong ireregalo ko sa birthday nya. Yung pinoproblema ko lang kung kelan ba sya magsasawa sa hotdog.
Gusto kong bumalik sa panahong iyon. Yung kaibigan lang ang turing ko. Waka nang higit pa.
Pero, kahit anong pagpapanggap, alam ko sa sarili kong may nararamdaman ako para kay Pablo.
May kumatok sa pintuan kaya napalingon ako don. Bumukas 'yon at pumasok si Justin, Stell at Ken kasunod si Kuya at Ate sa likod.
"Hi Alliah," mahinang bati ni Jah saka ngumiti nang tipid. Pinilit ko ring ibalik ang ngiti sa kanya.
"Hello," bati ko.
"Ayos ka lang?" Tanong ni Ken saka naupo sa kama ko. Bakas sa mukha n'ya ang pag-aalala kaya kumirot na naman ang puso ko
I tried laughing to ease their worries. "Oo naman! Ako pa?" Tumatawang sambit ko kahit naninikip ang dibdib ko.
"Alliah... totoo ba? S-si Pablo" Maingat na tanong ni Stell. Napaangat ang tingin ko sa kanya at nakitang halos paiyak na sya.
"Oo. Wala eh, ang hina ko. Nahulog ako," sabi ko saka pasimpleng pinunasan ang luha ko na nagbabadyang tumulo.
"Hindi ba alam ni Pablo?" Tanong ni Stell. Umiling si kuya.
"Wag nyong sasabihin, please," sabi ko saka tumingin sa kanila.
"Please."
If only I could kneel and beg for them to not tell Pablo, I will, wag lang malaman ni Pablo.
-
Edited Version.
BINABASA MO ANG
HANAHAKI | SB19 Pablo ✓
FanficHanahaki is a disease where the victim of unrequited or one-sided love begins to vomit or cough up the petals and flowers of a flowering plant growing in their lungs, which will eventually grow large enough to render breathing impossible if left. On...