2

8 1 0
                                    


Rylene's POV

Nakaramdam ako ng mahinang tapik sa pisngi ko. Hinayaan ko na lang ito dahil gustong gusto ko pa talagang matulog.
.
.
.
.
Muli ay nakaramdam ako ng tapik ngunit mas malakas na ito kaysa kanina. Hahayaan ko nalang sana ulit ito ngunit may nagsalita.

"Miss, kung gusto mo pang matulog wag ka nang sumandal sakin no? O baka gusto mong ihulog kita sa sahig? tss." malamig ang boses nung lalaki. May makutis na balat, mahabang pilik, matangos ang ilong, may mapulang labi at kulay brown na mata na parang hinihigop ka.

'kung di lang to gwapo siguro nasapak ko na to' isip ko.

" Sensya na ho." mahina kong sabi sabay ayos ng mukha. Baka mamaya tulo laway pala ako kahiya naman dito.

Nasa byahe na pala ako ngayon papuntang maynila. Kung di lang napaaga yung byahe e di sana di ako kulang sa tulog.

Sinamaan ako ng tingin nung gwapong masungit na lalaki. Aba! Kung tusukin ko kaya mata niya tapos palit kami. Kung makasama ha.

Saktong tigil nung bus ay siyang tayo niya. Bababa na siguroHAHAHA. Nung tumayo siya sako napagmasdan yung suot niya. Naka t-shirt na kulay grey tapos naka pantalon. Kahit ganon lang yung suot niya halata mo pa ring mayaman.

Nang makababa na siya ay umandar na muli ang bus.

Napatingin ako sa bintana. Malapit na rin siguro akong bumaba. Namangha ako sa nagtataasang mga building. Grabe! Halatang mayayaman ang mga may-ari nito. May nakita pa akong mga building ng kilalang produkto bago ako nakababa sa bus. Pamilyar naman ako sa lugar na ito kaya naglakad muna ako bago humanap ng taxi para makapunta sa kompanya nung pag-aaplyan ko.

Habang nakasakay ay di ko maiwasang maisip sila mama. Ano kaya ginagawa nila ngayon? Nakakain na kaya sila? Naiisip kaya nila ako? Hayy, konting oras ko palang na di sila nakikita namimiss ko na agad sila. Pano pa kaya sa darating na araw?

Ibinaba ako nung driver sa isang malaking building. Siguro may 50 floors to.

"*** Network" basa ko. Myghad, kinakabahan ako mamaya.

Pumasok na ako sa building at tinanong sa front desk kung saan yung para sa mga mag-aapply.

Pagkasabi nito sakin ay agad akong sumakay ng elevator at pinindot ang 27th floor. May kasabay akong dalwang lalaki at isang babae. Bale apat kami. Yung isang lalaki may dalang mga papel at mukang nagmamafali ito. Nakasalamin din sya kaya nagmukhang matalino. Yung isa namang lalaki ay may bitbit na bag. Mukang papasok pa lamang ito sa trabaho dahil basa pa ang buhok nito. Yung babae naman ay may kachat siguro. Ngingiti ngiti pa nga habang nagtatype e.

Nang makapunta  na ako sa pang 27 na floor ay nagtungo ako sa room 106.
Pagkatok ko may narinig akong nagsabi ng come in kaya pumasok na ako.

F A S T F O R W A R D

Myghad. Buti nalang pala at magaling ako dati sa journalism kaya may experience na ko. Kung wala siguro, paniguradong di nila ako kukunin. Haayy, wala na nga akong problema sa trabaho. Kaso, wala naman akong matutuluyan ngayon. Alangan namang umuwi pa ko samin. Sayang lang sa pamasahe.

Naglakad-lakad ako kase baka may makita akong apartment. Kapag wala mapipilitan akong umuwi talagaa. Pagagalitan ako neto ii.

Laking saya ko ng makakita ako mg apartment. Malaki siya peeo sigurado akong hindi malaki ang bayad. Tumuloy ako sa parang front desk at tinanong kung may available pang room.

"Ay eksaktong eksakto ma'am, last one na yung room na 4th floor. Heto po yung susi. Room 20 po. Makipagusap nalang po kayo bukas sa landlady, paniguradong nandito yon." ngiting sabi ng babae

Tinanggap ko ang susi at sumakay ng elevator. Pagkapunta ko sa 4th floor ay hinanap ko na ang room ko. Hindi naman masyadong marathon ang mga room dito kaya hindi na ko nahirapan pa. Pagkabukas ko ay tumambad agad sakin ang mini na sala tapos may mini kusina din. May dalawang pinto ang nasa kanang bahagi ng kwarto. Una kong binuksan ang nasa gilid at kwarto yon.

Mayroong single bed, computer table, side table at cabinet. Medyo maliit lamang ito pero sakto lamang sa isang tao. Nilagay ko muna sa kama ang dalawang maletang dala ko.

Tiningnan ko ang pangalawang pinto na nasa kabilang dulo don. Paniguradong c.r yon. Pumunta akong kusina at kumpleto ang mga gamit don. May maliit na table na kasya ang apat na tao. May mini refrigerator din. Nagpunta akong sala para magpahinga. Binuksan ko ang tv na sapalagay ko ay bago pa.

Kakapanood ko ay di ko namalayang gabi na pala. Tumunog na ang tiyan ko.

Di pa nga pala ako nakain

Umalis muna ako saglit para bumili ng makakain. Sana naman ay may malapit lang na karinderia o kaya convenience store. May pera namang binigay sakin si mama para daw sakaling wala akong pambiling pagkain.

Buti namna ay may malapit na 7/11 ilang bahay lang ang pagitan.

Bumili ako ng lasagna at pinainit ko na din ito. Bumili na din ako ng mga tinapay at inumin pata bukas ng umaga.

Bukas na din kasi ako magsisimula e.

Pagkabigay sakto n ng sukli ay umalis nako. Maghahanda pa nga pala ako ng damit ko para bukas. Tiningnan ko ang oras sa relo ko. 8:36pm

May oras pa naman. Dapat di ako malate para bukas. First day ko pa naman yon. Pagkatapos kong kumain ay niligpit ko na ang kalat at pumuntang kwarto. Naghanap ako kung may plantsa ba o wala. May nakita akong plantsa sa may kabinet. Pinlantsa ko muna ang susuotin ko bago ako matulog.

Goodluck nalang sakin bukass!
_________________

Don't forget to vote and leave a short comment! Tenchuuu!!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 28, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PandemicWhere stories live. Discover now