Nang matapos ang naturang show ay mineet na ulit nila si Hyejin sa backstage para i-congrats at batiin ito.
"You look so good!" bungad ni Wheein sa girlfriend niya.Agad namang niyakap ito ni Hyejin at naiwang awkward nanaman ang dalawa sa isang tabi.
Niyaya sila ni Hyejin sa may party at kainan na magaganap right after the show ended. Nang makarating ay nakaka ngangang tinignan ni Byul ang mga mamahaling wine at pagkain sa buong paligid.
"Want me to get some?" pambabasag katahimikan ni Yongsun dahil hindi sila nakapagusap ng maayos ni Byul kanina. Ang dahilan? Hindi rin niya alam. Bigla nalang silang naging awkward pagkatapos ng passionate kiss at scene sa shower.
"Sure, samahan na kita." nakangiting sabi ni Byul kay Yongsun.
Nagpaalam muna ang dalawa para kumuha ng wine at nagsabing babalik din saglit bago tuluyang umalis.
Pagkaalis ay, taas kilay namang tinignan nila Wheein at Hyejin ang dalawa na para bang iniintriga nila ang kanilang unnie.
"They look good together." biglang sambit ni Hyejin.
Tumango naman si Wheein atsaka tumawa. "I know right?"
Dinala ni Yongsun si Byul sa may wine
counter para mamili ng wine na gusto niya at nakatingala naman itong nakatingin sa malaking cabinet na puno ng wine."So, nakapili ka na ba?" tanong ni Yongsun nang hinintay ng ilang minuto si Byul para mamili ng wine.
"Kahit anong kulay ng wine." sagot ni Byul.
Natatawa namang tinignan ito ni Yongsun. Siguro ay hindi ito maalam sa iba't ibang klase ng wine dahil lahat ng alak dito ay mamahalin at hindi nabibili ng basta basta lang.
"You like the red one? It's good for the health." ngayon ay nakangiti naman itong tinignan si Byul dahil parin sa kakaunting kaalaman nito sa wine.
"Does it taste good?" tanong ni Byul.
Bago pa man ito sagutin ni Yongsun ay bigla namang nagsalita ulit si Byul.
"Like you?" mabilisang sabi ni Byul.
Kung hindi lang talaga dahil sa makapal niyang makeup ngayon ay siguro mahahalata agad ni Byul ang pagpula ng kanyang mga pisngi.
"Uhh, may napili na po ba kayong dalawa?" pag-iinterupt sakanila ng bartender.
"Yes, give us some red wine." Biglang sagot ni Yongsun.
Agad naman itong ginawa ng bartender at kanya kanyang nirefill ang kanilang mga glass wine.
Nang matapos at babalikan na sila Hyejin ay bigla namang itong may naramdaman na humawak sa kanyang isang hawak.
"Byul?" pagtingin niya rito ay hawak hawak na ni Byul ang kanyang kamay.
"I want to hold your hand while we walk." confident na pagkakasabi ni Byul sakanya.
Napatigil naman si Yongsun bigla at parang na torn in between siya sa not to be affectionate o hayaan nalang ang trip ni Byul sa buhay.
"Let's go." yaya ni Byul habang nagiisip parin ng malalim si Yongsun.
Hindi na nito namalayang hawak parin niya ang kamay ni Byul at hawak kamay silang naglakad pabalik kila Hyejin.
"Welcome back, lovebirds. Charot." bati ni Hyejin habang nakatingin sa magkahawak kamay na sina Byul at Yongsun.
Nagpupumigil namang tumawa si Wheein at binati narin sila. "Welcome back unnie. Welcome back Byul." nakangising bati nito sakanila.
Nagtry naman si Yongsun na alisin ang kanyang kamay nang mapansin magkahawak parin ang kamay nila ni Byul, ngunit mahigpit ang hawak nito at hindi siya nito binitawan.
Dahil sa labis na pagkakahiya at pagpigil ng sarili sa emosyon na namumuo at nararamdaman niya para kay Byul.
Tinignan ni Yongsun si Byul nang masama pero nakatingin na pala ito sa malayo.
"You know what? I like to get some wine, too. Unnie, iwan na muna namin kayo ni Byul dito." ang sabi ni Hyejin nang makita ang wine na nasa glass nila.
Nagpaalam na muna sila Wheein at ibinalik naman ni Yongsun ang tingin niya kay Byul na kasalukuyang nakatingin parin sa malayo.
Nilingon niya kung ano o sino ang tinitignan nito at hindi maipaliwanag ni Yongsun ang biglang inis na naramdaman niya nang bigla niyang makita na nakatingin ito sa isang babae.
"Why are you looking at her? Do you know her?" naiiritang tanong ni Yongsun sakanya.
Hindi naman ito sumagot at nakita naman niyang hindi na nagiisa ang babaeng nakatayo kanina dahil sinamahan na ito ng mga kaibigan niya.
Isang pamilyar na mukha ang nakita ni Yongsun sa grupong iyon kasabay 'non ang pagalis ni Byul sa paghawak ng kanyang kamay nang mapansin tumingin ang isang babae sakanilang direksyon.
"What a coincidence." ang sabi ng babae kasama ang mga kaibigan niya na naglalakad palapit kila Yongsun.
"Lia." tawag ni Yongsun ng kanyang pangalan.
"Hi, Ms. Kim. These are my friends, Yeji, Yuna, Chaeryeong and...." biglang putol ni Lia sa pagsasalita atsaka nilingon ni Byul.
"Ryujin." dugtong niya habang diretsong nakatingin kay Byul.
Unti unti namang kinutubuan si Yongsun at hindi nga siya nagkamali, dahil nakatingin parin ito sa babaeng tinitignan niya kanina.
"Byul, do you know her?" kalmado ngunit malapit nang maubos ang pasensya ni Yongsun sakanya.
"She's.... she's my schoolmate." nauutal na sagot nito.
Tinignan naman ni Yongsun ang babaeng tinutukoy ni Byul at hindi nga siya nagkamali na merong namamagitan sakanilang dalawa dahil maluha luha itong nakatingin ng diretso pabalik kay Byul.

BINABASA MO ANG
Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]
RomanceA broke college student not being able to graduate due to an emergency financial storage, met a successful entrepreneur who managed to fulfill her needs. ‼️ under construction ‼️ ‼️ slow revision ‼️ (check my twitter aus link for the completion of...