Babalik ka pa ba? [Oneshot]

1.3K 45 35
                                    

A/N: 2nd Person's POV po ito. Para mas masaya. Para mas feel niyo. HOHOHO. Dedicated kay Ate Leeya. XD 

Happy Mumu's Day~

*** *** *** ***

Babalik ka pa ba? 

ni Ajanee

 

*** *** *** *** 

"Alam mo ba kung anong sabi ng mais sa pinyang nakatingin sa kanya?" tinignan mo siya ng nagtataka. Dahil habang nanunuod kayo sa TV ay biglang nagsalita ang bestfriend mo.

 

"Ano pala?" tanong mo sa kanya habang nakataas ang kilay mo.

"Edi... Anong tinitingin mo diyan times two times two times two times two times two times two times tw-" hindi pa natatapos sa pagjojoke ang bestfriend mo pero tawang-tawa ka na agad. 

"HAHAHAHAHAHA! Benta Leeya! HAHAHAHA." tawa ka ng tawa pero hindi mo namalayan na nakangiti lang sa iyo ang bestfriend mo. Napatigil ka sa pagtawa. Kinuha mo yung unan sabay hinampas mo siya dahil wala lang. Trip mo lang. 

 

"Aray naman!" sabi ng bestfriend mo sabay kuha nya rin ng isang unan sa kama mo sabay hampas sa iyo.

 

"Ah! Gumaganti ka Leeya ah? Eto ulit sayo." sabay hampas sa ulo niya. Medyo masakit ang pag-hampas mo kaya naisipan ka ring hampasin ulit ng bestfriend mo.

 

"Tama na Leeya! Iba yung palo mo sa akin eh! Mas masakit sayo." sabi mo habang inaayos na yung unan. Kinuha mo na rin yung unan na hawak ng bestfriend mo. 

 

"Hahaha. Di ah." pag-tanggi pa ng bestfriend mo.

 

"Ano ka? Ako nga medyo mahina lang ang palo ko pero ikaw ang lakas. May halo ka bang galit sa akin? Hahaha." out-of-the-blue mong natanong iyon sa bestfriend mo. 

 

"Paano kung sabihin kong OO?" napatigil ka sa sinabi ng bestfriend mo at napatingin ka sa mata niya. Kinabahan ka. Hindi dahil sa tagal niyo nang naging magkaibigan eh hindi siya nagalit sa iyo. Kinabahan ka dahil seryoso siya. Naisip mong baka alam niya na ang sikreto mo. Pero hindi... dahil alam mong sa sarili mo na maingat ka at hindi niya 'yun malalaman. Pero naging maingat ka nga ba?

 

"Baliw ka. Ha ha ha." tumawa ka nalang at nagbiro. Pinilit mong pakalmahin ang sarili mo.

Babalik ka pa ba? [Oneshot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon