PUSONG NINAKAW

29 0 0
                                    

============================================================

"Paano mo masasabi na mahal mo nga ko?"

"Bakit, kailangan ko pa bang sabihin sayo yung dahilan, Rodel?"

"Hindi, pero.."

"Pero ano? Sabihin mo!"

Biglang patay ng TV. Bumangon si Mark sa kanyang kama sabay bitaw ng remote control ng TV.

Umupo at umiyak. Tila naalala niya ang nakaraan nila ni Mary Grace.

*BAG BAG BAG* (hampas ng kamay sa pintuan)

"Ano 'yon!?" sigaw ni Mark sa kumakatok sabay punas ng luha gamit ng suot niyang sando.

"Bumangon ka na! Alas-sais na! Anong hinihintay mo, PASKO?!" pasigaw na sagot ng kanyang tatay.

"OO!" pabalik na sigaw ni Mark.

Napansin ni Mark sa orasan na alas-singko pa pala ng hapon kaya humiga siya ulit, sinet ang alarm niya sa cellphone ng 5:55 at umidlip.

5:55.. Nagising siya hindi dahil sa alarm, dahil na naman sa hampas na naman ng pintuan gawa ng tatay niya.

"OO!" sagot ni Mark kahit na wala pang sinasabi ang tatay niya.

Ganito lagi ang nangyayare sa bahay nila. Walang pasok si Mark dahil semestral break. Silang dalawa lang ng tatay niya ang magkasama halos sa isang buong araw. Dating pulis nag kanyang tatay. Natanggal sa serbisyo. Hindi alam ni Mark kung bakit pero alam ng asawa. Ang kanyang nanay, nagtatrabaho naman sa gobyerno. Buo ang pamilya pagpatak ng gabi dahil kailangang mag-overtime ang nanay niya sa trabaho para sa matrikula sa susunod na semester. Nag-iisang anak si Mark, kaya wala siya kahati sa mga bagay-bagay. Lahat ng gusto niya, di naibibigay ng kanyang magulang. Maykaya naman, ngunit ang mga gusto ni Mark ay yung mga bagay na hindi kailangang paggastusan, tulad ng Guitar Hero Set, laptop, iPhone, at iba pang bagay na patok ngayong henerasyon.

Kaya nagawa na niyang magnakaw. Nagkaroon na siya ng laptop, Samsung ang tatak, pagmamay-ari ng pinapasukan niyang eskwelahan pero ngayon, wala pang nakakaalam na siya ang kumuha sa dalawang taon niyang pag-aaral dun. Mayroon na rin siyang iPhone, pagmamay-ari naman ng klasmeyt niya. Napagbintangan na siya ang kumuha pero dahil sa pulis ang kanyang tatay, napakita na hindi si Mark ang kumuha.

Marami ring mga bagay na ninakaw ni Mark simula nung 3rd year highschool siya hanggang sa 3rd year college niya. Ngunit may isang bagay na hindi niya magawang manakaw. Ang pag-ibig ng dati niyang kasintahan.

"Pa, luto na yung sinaing." sabi ni Mark.

============================================================

 ITUTULOY.. :P

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 01, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PUSONG NINAKAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon