Bigla akong kinabahan nang makita kita sa daan
Tila nagbalik ang dati kong nararamdaman
Hinatid ka ng aking mga mata upang masigurong ikaw nga talaga
Ang aking muling nakitaNaging milya at segundo ang ating pagitan
At tila ako'y maiiyak na naman
Dahil malapit ka pero malayo
Naroon ka, narito akoMadalang na lamang tayo kung mag-usap
Nabibilang na lamang ang bawat oras
Araw at buwan ang natatandaan
Sa huli nating pagkakamustahanLagi mong pinapagaan ang nahihirapan kong sarili
Kaliwa't kanan ang iyong naging pagbati
Pero hindi mo nagawang sabihin ang mahal kita
Umasa na naman ako at nasaktanNgayon lang ako bumalik sa pagsulat
Nakita kasi kita at muli akong nagulat
Dahil ikaw pa rin ang tibok ng puso ko
Ikaw pa rin ang paksa nito
BINABASA MO ANG
Unspoken Poetry (COMPLETED)
PoetryTagalog Poetry Collection Unsaid feelings for someone who is very dear to me. You may not be the right man who is meant to be with me but always remember that you will always be the man that made me who I am today. The man whom I can never own. I lo...