Chapter 2 : Pain

182 10 0
                                    

|| D A V E ||

"Pwede bang tigilan niyo na ako?" Lia's expressions are hopeless. Wala pa nga akong ginagawa eh halos himatayin na siya sa takot. I am already seeing those veins around her neck na talaga namang nakamamanghang tingnan.

"Hindi mo naman kasi kailangang matakot. After all, you are one of us." My words, hoping that will calm her, just made the situation worse. Ramdam ko ang dahan-dahang pagbaba ng temperatura sa paligid. She is out of control.

"Tumigil na kayo! Hindi ako kagaya n'yo!"

"Aba! Kung hindi ka naman kasi kagaya namin, bakit pa kami magsasayang ng oras para balik-balikan ka?" My brows are now knitted together. Nakakapagod rin kayang magpaulit-ulit.

Napansin ko ang sandaling pagtahimik niya, akala ko ay nakumbinsi ko na siya ngunit lalo pa siyang nagalit.

"Just stop it! Ayokong madamay sa mga kalokohan niyo!" Now she is trying to stand up. Pilit siyang tumatakas ngunit sinusundan ko pa rin siya. Ramdam ko ang iritable niyang mukha na para bang baliw itong kausap niya. What is with her? 

"Let's end this tiring chase. Sumama ka na nga lang kasi muna sa akin para maipaliwanag ko 'tong mga nangyayari." Sabi ko matapos ang ilang pasikot-sikot dito sa palapag na ito ng kanilang paaralan. Saglit siyang napahinto at tumingin sa akin, nakakunot ang mga noo habang hinahabol ang hininga. The temperature is still low yet she's sweating a lot.

"At kung ayaw ko? Tigilan niyo na nga kasi ako! You're freaking me out!"

"Freaking-me-out your face. Just come with me for a moment." At wala na akong nagawa kung hindi ay ang hilahin siya. Napansin ko ang biglaang pagtutol niya ngunit hinigpitan ko ang paghawak sa braso niya. Magtatawag na siguro siya ng tulong kaya tinignan ko siya ng masama.

"Do I look like someone who's gonna hurt you?" Nang inaasahan kong sasabihin niyang hindi ay sinigawan niya ako ng isang malakas na oo. Seriously? Sa mukha kong 'to? Aakalain nga siguro ng iba 'jan na isa akong anghel na bumaba mula sa langit!

"How bad!" Ang tangi kong naisagot. 

Nagpatuloy lamang kami sa paglalakad nang ilang sandali lang ay biglaan kong naramdaman ang presensya ni Cammile sa malayo. And I'm certain that she just caused a mess again. I know it.

Nagmadali ako sa paglalakad habang hila-hila pa rin ang babaeng 'to, papunta sa rooftop. Kahit panay ang reklamo niya ay nagpapahila rin naman siya kaya walang problema. 

"Humanda talaga kayo sa'kin kapag nakatakas ako." Binigyan ko naman siya ng mapanglokong ngiti, at anong gagawin niya?

Seconds passed and I already trapped the two of us inside this wide ring of fire. Kahit hindi ko nababasa ang nasa isip niya ay nababasa ko sa mukha niya ang pagkamangha. Better than fear, right?

I was about to start the show when I felt Cammile's presence. I wonder how humiliating this can be to her.

"Princess? She's not-" Her eyes popped wide open. A smirk formed down my lips as she stepped forward.

"Naunahan pa kita, Dwende! HAHAHAHAHA!" Her eyes then turned to face Lia and with a confused face, pointed her finger at her, asking "Why are you with him?"

Guardians of The ElementsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon