Introduction

11 1 0
                                    

AN: First, gusto ko po ipa-alala sa lahat na first story ko po ito, at sorry po sa lahat ng mga errors. yun lang po, salamat :)

Ang Masungit kong Boyfiee

Ang tanga tanga ko, pinatulan ko ang isang lalaking alam ko na sasaktan lang ako, pero mahal ko eh, wala na tayong magagawa. At isa pa, close na pinsan ko pa ang jinowa ng ex ko. Hayy buhayyy. Pero buti nalang dumating sa buhay ko ang masungit kong boyfriend. Kahit masungit siya, may goodheart parin siyang tinatago.

At one day, nahulog loob ko sa masungit na lalaking iyon. Nagising nalang ako kinaumagahan na mahal ko na pala siya, haaay.

"Ariaaaa! wala ka bang balak pumasok?" Ayan naman ang maingay kong nanay

"Opo! patapos na po!" sigaw ko. Palabas na ako ng kuwarto ng makita ko ang ID ko sa sidetable ng kama ko.

"Hayy, muntik ko na makalimutan" lumabas na ako ng kwarto ko, "Ma, alis na po ako, bye!"

"Mag ingat ka Aria! wag kang pa lamyalamya!" "Opo!"

Dali-dali akong sumakay ng papuntang school ko, ayy tekaa... Nakalimutan ko,,..

Ako nga pala si Ariakhel Vasquez, 15 at 4th year highschool. Aria nalang po for short. Hehe

Masikip na sa jeep, at ilang segundo nalang at gogora na kami.

At sa wakas, nandito na rin ako sa school, firstday of school ngayon kaya maraming estudyante nagkalat sa buong campus, hinahanap kung saan ang mga rooms nila. Pero ako, old student ako kaya walang problema.

Hinanap ko na ang 4thyr- Gold, yung section ko. Nasa kabilang building pa yung sa mga 4th year. Sa paghahanap ko, nakita ko si Kyle, ang manlolokong ex ko. Bigla akong nakaramdam ng sakit, galit at iba pa. Grrrrr! galit na galit ako sa kanya, magka hwak kamay pa sila ng pinsan kong si Bernalou Dela Cruz.

Nagkatinginan kami ni Kyle, agad akong umiwas ng tingin at kumaripas ng takbo. Sa pagkakatakbo ko, hindi ko nakita na may poste pala kasi nakatungo akong tumakbo. Bumunggo ako sa poste,

"Sheeeeeees! ang sakit ng noo koooo!" Sigaw ko pero hindi gaano kalakas. "Hahahaha! ayan kasi patanga tanga!" Sabi ng isang lalake?

Ang Masungit kong BoyfieeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon