Best Birthday Gift Ever!

330 5 0
                                    

Dec. 12, 2011

Leah's POV

Isang araw nalang, birthday ko na. 

As usual, wala akong pakialam kung may handa ako or wala. Useless lang din naman ang magpakasaya kung wala din dito family ko. Nasa malayo kasi ako nag-aaral kaya nag dodorm lang ako. Hindi naman kasi ako yung tipo nang tao na mahilig mag paparty pag birthday niya. Sa katunayan, mas okay saken kung bibigyan lang ako ng pera. Hehe Eh kasi naman, ayoko kong magkaroon ng kahit konting handaan pag wala si Mama. 

Malungkot. 

Kaya naisipan ko nalang wag magabala sa birthday ko. Maiintindihan din nila yun. 

**

"Oh Leah, ano wish mo sa birthday mo?" sabi ng kaibigan kong si Lyn. Nandito kami sa Ladies comfort room. Ewan ko ba, pero nakasanayan na naming pumunta sa CR every after class. Yung parang ritual na sa aming mag-fefriendship yung ganyang gawain. 

"Haay naku, parang di nyo ko kilala. Syempre wish ko na makasama si Otani sa birthday ko bukas."  At pagkasabi ko sa wish ko, naghiyawan ang mga loko. Yung tipong nangtutukso tas may pa-kilig factor, "Ayieeeee, sabi ko na nga ba yan wish mo. Malandi talaga! Hahaha." tukso ni Joy. Di na uso samen yang mga tukso-tukso. Natural lang sa magkakaibigan ang magtuksuhan na hindi na ooffend, diba? 

"Joke lang yun ah. Hahaha. Hindi ako flirt no." sabi ko, habang inaayos ko buhok ko.

Ehem. Alam kong nagtataka kayo kung sino si Otani. Siya lang naman ang Super-Duper-Mega-Ultimate-Handsome crush ko dito sa school, and yep, inlove ako sa kanya. Kahit malayo agwat nanin sa edad, wala akong paki. Besides, age doesn't matter. 

At eto pa, hindi talaga Otani name niya. Codename niya lang yun. Kamukha kasi niya yung leading actor sa japanese movie na Lovely Complex kaya yan yung naisipan kong codename para sa kanya. And FYI, crush ko din kasi yung totoong Otani kaya naman when I saw Otani II, nagustuhan ko na rin sya. Haha Mahilig kasi kami magbigay ng codename sa mga crushes namin eh, to make their identity safe and para walang mabuking. Gets niyo yun? 

Earth to Leah.

"Wala bang tsibugan jan?" Eto na nga ang ayaw ko, magpakain sa mga baboy kong kaibigan.

(A/N: Yung baboy, term lang namin sa mga malalakas kumain. Hoho :O) 

Tinaas ko ang kanang kamay ko, yung parang magpapanatang, sabay sabi, "Okay, at dahil mabait kayo sakin, ililibre ko kayo ng siomai." 

*PAAAAAK*

"Ouch ha, ang sarap ng pagkakahampas mo sakin, ulitin mo nga. Grr." Langya talaga to si Alexis, ako na nga manglilibre, nananakit pa. HUHUHU "Eh ba't siomai lang?" ang takaw talaga kahit kelan.

"Basta, wala na akong ibang wish." sabi ko sa kanila, at lahat kami tumawa. Masayahin kaya kami. Kahit mahirap yung mga subjects namin, Goora pa rin. 

Lumabas na kami ng CR at dumiretso sa canteen. 

Birthday nga pala ngayon ni Kate, crush kasi siya ng kabarkada ko kay nagpatulong siya samen na e-surprise si Kate sa birthday niya.

"Guys, mauna muna kami ni Lovelle ha. yung plano, wag kalimutan." sabi ni Alexis. Crush niya si Kates at babae po si Alexis. Sa madaling salita, tomboy kaibigan ko. 

"Oo na. Basta damihan niyo ice cream ha?" sagot ni Rose. Kahit tomboy si Alexis, mahal pa rin namin yun. hehe :) Mabait kaya siya. 

Pagkatapos nila magpaalam, umupo muna kami sa Canteen. Daming tao, as usual. Nandito ata halos lahat ng mga estudyante eh. pati na rin yung iba naming crush, nandito rin. Kaso, hanggang tingin lang kami. Hindi naman namin kayang mag pa FC no. As in FEELING CLOSE. Kaya hanggang tingin at stalk sa Facebook nalang ang beauty naamin ngayon. LOL

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 01, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Best Birthday Gift Ever!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon