Gulat na gulat ako sa nakita ko. Siya ba talaga 'to? My goodness!! Nag summer lang naging ganto na agad sya?? Ang gwapo gwapo niya!!!
"PAYATOT??!! Ikaw ba talaga yan?? Ano nangyari sa'yo??" gulat na gulat kong tanong sa lalaking kaharap ko. "Grabe ka naman tababoy! Wala ka pa din pinagbago. HAHAHAHA. NAgustuhan mo ba 'tong bago kong look. Ang hot ko noh?" pagmamayabang niyang sagot. "ANG HANGIN SOBRA!! Mas malakas pa sa hangin kapag may bagyo. Che!" inis kong sagot. "Sus! Aminin mo na kasi na ang hot ko na. Kaya mag ingat ka baka malechon ka kapag tumabi sakin." Natatawa niyang sabi. Grabe 'tong lalaking to. Makapuri sa sarili wagas na wagas. pero infernes ang hot niya na nga. Ano kayang kinain nito at nagkaganyan yung katawan? "Huy baka matunaw ako niyan sa titig mo." Hala!! Kanina pa pala akong nakatitig sa kanya. Emerged! Nakakahiya!! "Ang kapal ng mukha mo! Iniisip ko lang naman kung anong magic ang ginawa mo at nagkaganyan ka" sabi sabay tingin sa iba. "Bakit? Inggit ka noh. HAHAHAHA ano a kaing ginawa mo buong summer at parang mas nadagdagan yang taba mo. At tignan mo yang height mo? Ang liit-lit mo pa din." ABA! Sumo sobra na 'tong lalaking 'to ah. "HOY! For your information, pumayat ako at tumangkad ako. Di lang halata. Hmp." sabi ko sa kanya saba walkout. Nakakainis kasi akala mo kung sino. Pasalamat siya mahal ko siya kaya di ko na lang papatulan. HAY NAKO! Ba't pa kasi sa dinamidami ng tao sa mundo dun pa sa asungot na iyon ako nagkagusto. I'm so g-r-r-r-r-r-r right now. Nang makarating ako sa classroom ay sakto naman nanagbell na. Umupo akosa upuuan ko at hinintay ang mga kaklase ko. Habang naghihintay naalala ko yung ginawa ko nung summer. Naalala ko yung dare namin ng kaibigan ko. Bigla tuloy akong nalungkot dahil dun. Ba't kasi pumayag ako na gawin yun? Nagkalamat tuloy ang pagkakaibigan namin. Naalala ko din yung araw na aamin na dapat ako kay nico na gusto ko siya. KInasabwat ko pa ang kabigan kong si jane (my ever beloved pakner/ partner in crimes) para malaman kung ano reaction niya.
~FLASH BACK NA MALUPET~
J: Uy pakner ano? Hanggang ganyan ka na lang ba? Di mo ba aaminin sa kanya? Malay mo may gusto din siya sa'yo.
N: Wag ka nga pa hopia. Ayoko nang umasa sa mga ganyan noh. Ano? Aasa na namn ako tapos sa huli ako na naman masasaktan. TSka kahit anong gawin ko wala naman kaming patutunguhan eh. Kaibigan lang ang turing niya sakin.
J: Yan ang hirap sa'yo eh. 'Di mo pa nga nasusubukan sumusuko ka na agad. Wala kang mararating niyan kapag puro ka na lang hinala. I-try mo kasi para malaman mo yung totoong resulta.
N: Ayoko ko lang kasi na masira yung kung anong meron kami ngayon. AYoko mawala yung pagkakaibiganna tangi kong pinanghahawakan.
J: Ganto na lang.-a few minutes later-
J: Ano game na?
N: Bahala na.
J: eto na tatawagan ko na ah *ring *ring
Nico: Hello?
J: Hello Nico. Kamusta?
Nico. OK lang naman. Ikaw?
J: Ok lang. Uy may sasabihin ako sa'yo.
Nico: Ano yun?
J: Umamin na si Nathalie na gusto ka daw niya.
N: Hahaha ayan ka na naman. Lagi mo na lang sinasabi yan.
J: totoo nga. promise. peksman mamatay man si superman
N: uy mamaya na ah. nasa libing kasi ako eh. sige bye na,"Uy! Faye!! Ok ka lang? Kanina ka pa tulala dyan." sabi sakin ni kristy. Hala! Kanina pa ba akong tulala? Enebeyen!! "Ha? Ano? Sorry. May iniisip lang." Nahihiya kong sagot. Ramdam ko ang sobrang init ng mukh ko. Nakakahiya naman kasi yung nangyari. "Ano bang iniisip mo at parang sobrang lalim naman?" tanong niya habang inuusisa ang mukha ko. Buti na lang at pumasok na ang subject teacher namin. Hay muntkan na yun. Earase na nga ang past. Mas importante ang present at future. Pagkatapos ng klase dumiretso agad ako pauwi ng bahay. Habang naglalakad ako may narinnig akong tumawag ng pangalan ko. Paglingon ko nagulat ako sa nakita ko. Si Luke. Anong ginagawa niya dito? "Uy Nathalie! Pauwi ka na ba?" sabi niya ng nakangiti. "Umm oo eh. Ikaw?" nahihiya kong tanong. Emerged this is so awkward. Bakit ba kasi siya andito. "Ummm.. Nathalie? May sasabihin ako sa'yo." sabi niya. "Ano yun?" May biglang dumaan na motor kaya di ko narinig yung sinabi niya. "Ha? Ano yun? Sorry di ko narinig ang ingay kasi nung motor na dumaan eh." "Sabi ko mahal pa din kita." tugdug! Hala!! Eto na naman. Ano nang gagawin ko? "Ha?" mahina kong tanong sa kanya. "Sabi ko mahal na mahal kita. At kaya kong maghintay sa'yo. At papatunayan ko na mas deserving ako sa tang iniyakan mo dati, Na mas karapat dapat akong mahalin mo. Hindi ko man mapapatunayan ang forever papatunay ko naman na ako na talaga ang DESTINY mo." sabi niy habang nakatingin sakin. Nagulat ako sa sinabi niya, Naalala ko na naman yung araw na nakta niya akong umiiyak. Yun yung araw na nalaman ko na may mahal si Nico at nililigawan na. Nasa park ako nun at nagmumukmok. Nakita ako ni Luke sa may swing na nagiisa at umiiyak. Tinanong niya ako kung ano daw nangyari di ko siya pinapansin nun. Ayoko lang kasi malaman ng iba kung bakit ako umiiyak. Na umiiyak ako dahil sa isang lalaki na kahit kelan ay di ak kayang mahalin katulad ng pagmamahal ko sa kanya. Na habang buhay na lang kaming magiging magkaibigan. Pinunasan niya yung luha ko gamit ng kamay niya at lumuhod siya sa harapan ko. Nagulat ako sa ginawa niya pero mas nagulat ako sa sinabi niya" Princess Nathalie Faye Jazmines Aquino makinig ka sa sasabihin ko. Kung sino man yang iniiyakan mo na sigurado naman akong yan yung taong mahal mo.." napatingin ako sa mga mata niya na nakatitig di sakin. " ang laki niyang tanga. Ang laki ng sinayang niya. Pero tandaan mo ito. Sa oras na ito at sa dadaan pang panahon papatunayan ko na mas deserving ako diyan sa pagmamahal mo. Araw-araw kong ipapakita kung gaano kita kamahal. Ipaparamam ko sa iyo ang pagmamahal na hindi niya kayang iparamdam sa'yo. Gagawin ko ang mga bagay na 'di niya magawa. Aalagaan kita. Hihintayin kita hanggang sa matutunan mo akong mahalin. Mahal na mahal kita Princess." Yun yung araw na inamin niya sakin na mahal niya ako. Ramdam ko naman dati na may gusto na siya sakin pero 'di ko ineentertain dahil iba talaga ang laman ng puso ko. Ayoko siyang paasahin sa wala. Ayokong maramdaman niya yung mararamdaman kong sakit. Yung sakit na magmahal sa taong may mahal na iba. 'Di ako nakasagot sa sinabi ni Luke. Ano ba dapat kong isagot? Ano? Sasabihin ko na sorry di talaga kita kayang mahalin. Yun na naman. Masasaktan ko na naman siya sa mga sasabihin ko. Ayoko na noh. Tama na. Kaya pinili ko na lang manahimik. 'Di na naman siya nagsalita pagkatapos nun. DI ko namalyan na malapit na pala ako sa bahay namin. Mas binilisan ko na lang ang lakad ko. Nang nasa tapat na ako ay bigla naman niya akong tinawag. "Ano yun?" sabi ko. 'Di siya nagsalita at niyakap niya na lang ako. Ilang minuto din niya akong niyakap. Nang bumitaw na siya ay nginitian niya lang ako at umalis na. 'Di ako nakapagsalita sa nangyari at tulala akong pumasok sa bahay. Ano bayan! Bakit ba kasi siya ganun. Ano ba 'tong nararamdaman ko.
