Chapter 1.4

59 1 0
                                    

"Oh anak san ka nanggaling?" Tanong ni mama sa akin habang naglalagay nang kanin at ulam sa aking pinggan

"Naglakad-lakad lang po ako mama sa labas,para makapag-exercise na din,matagal na din kasi akong hindi nakapag-exercise" Sagot  ko kay mama

"Ganun ba sige kumain kana diyan baka malate kapa sa klase" Wika ni mama

Nung nakarating na ako sa classroom,nakita ko si David nakatulala,kaya nilapitan ko kaagad.

"David,Anong problema?" Tanong ko kay David pero lumingon lang siya tapos hindi nagsalita

"David?" Tanong ko ulit,piningot ko ang tenga ni David dahil parang wla siya sa sarili

"Ha?Ano yun?" Natauhan tuloy siya

"Sabi ko anong problema mo?" Sagot ko kay David

"Uhm...kasi s-i Mar-ah n-asa ospital" Parang naiiyak na sambit ni David sa akin.Bigla nalang nawala yung ngiti ko sa nabalitaan.Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni David sa kin.

Pumunta agad kami ni David sa ospital,habang papunta kami sa room ni Marah nagtanong ako kung anong nangyari at bakit dinala si Marah sa ospital.

"Sabi nang kanyang daddy sakin kanina,bigla nalang daw nahimatay si Marah habang papuntang banyo kaya ayun sinugod siya dito sa ospital" Wika ni David sakin

Sumasakit na ang aking ulo kakaisip kung bakit pabalik-balik si Marah sa ospital.Healthy naman ito palagi nga yun kumakain nang gulay,pero grabe naman siya maka-inom ng softdrinks at mga chichirya,kami pala dalawa pero mas grabe ako.Ayaw kung isipin na ang dahilan nang pagka-ospital ni Marah ay ang kanyang sakit sa puso kaya iba nalang ang ginawa kung dahilan sa isip ko

"David pahiram nang cellphone may tatawagan lang ako" Usal ko kay David,tatawagan ko lang si Tito Albert kung bakit dinala na naman si Marah sa Ospital.

"Ouh napatawag ka David?" Sagot ni Tito sa tawag

"Si Ast po ito Tito" Wika ko kay Tito

"Ikaw pala Ast bakit ka napatawag may nangyari ba" Nag-aalalang wika ni Tito

"Uhmm,Tito Al bakit sinugod na naman po si Marah sa ospital okay lang po ba siya?" Tanong ko kay Tito,natatakot sa isasagot kay Tito,pero diba dapat positive vibes laung kaya.Inhale.Exhale.Inhale.Exhel

"Inatake kasi siya nang sakit niya, tsaka sabi nang Doctor niya dapat
na daw siyang ma-operahan kasi lumalala na ito"Basag na boses ni Tito ang narinig habang nagsasalita.Tumulo nalang bigla ang mga luha ko na parang gripo,parang dinudurog ang puso ko sa nabalitaan

" Ano na pong gagawin niyo Tito,tsaka dapat ma-operahan na siya agad-agad,please Tito tutulong po ako sa mga gastusin ma-operahan lang si Marah"Umiiyak na wika ko kay Tito

"Sige Ast kakausapin ko lang ang Doctor para ma-proseso agad ang mga papelis niya para sa pag-opera,Salamat talaga Ast" Umiiyak na rin si Tito sa kalagayan nang kaniyang anak.

"Ibaba ko na po ito Tito baka hinahanap na po ni David ang cellphone niya"Pagkatapos magpa-alam ni Tito binaba ko na dahil hindi ko na mapigilan ang pag-hikbi ko,napa-upo nalang ako sa damuhan.Galit na galit ako kay Luis nang dahil sa kaniya lumala ang lagay ni Marah,bwesit siya pagmayroong mangyaring masama kay Marah sinusumpa ko gagawin kung miserable ang buhay niya hanggang sa makapag-bayad siya sa mga kasalanan niya sa mga babaeng pinapa-iyak niya.

Pagkatapos kung umiyak bumalik na ako agad sa kuwarto ni Marah,naabutan ko si David na natutulog sa sofa kaya nilagay ko nalang sa lamesang katabi niya ang cellphone niya tsaka ako umupo sa tabi ni Marah.

"Diba Marah malakas ka dapat kang lumaban ha,lumaban ka para parusahan natin si Luis,nang dahil sa kanya inatake ka na naman ng sakit mo" Napahikbi na naman ako,ayaw pumasok sa utak ko na malala na pala ang kalagayan ni Marah,nabuhay na naman ang galit ko kay Luis.

My First Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon