Mayor Vico Sotto

70 1 1
                                    


"Anak ang sabi sa balita ay ila-lockdown na ang buong luzon dahil sa virus, hindi ka pa ba uuwi?" napahawak lamang ako sa aking sintido at lihim na napamura dahil sa sinabi ni Mama. Tatlong oras pa bago matapos ang aking on-the-job training dito sa Ortigas, ngunit hindi ko pa ata matatapos dahil kailangan ko na talagang makauwi at nababahala na rin ako. Ang sabi pa rito ay may nag positibo ng virus na nagt-trabaho sa Ortigas. Damn it! Bakit ko ba naisipan pumasok pa? Hindi man lang ako natakot sa virus na kumakalat. Napabuntong hininga na lamang ako at tumayo na.

"Mama uuwi na rin po ako ngayon. Magpapa alam lang po ako kay Ma'am Dina para makapag out ng maaga." iyon na lang ang sinabi ko para hindi na masyadong mag alala ang aking ina. Ayaw ko pa naman siyang nag-aalala dahil baka tumaas ang altapresyon, wala pa naman siyang kasama sa bahay dahil nasa trabaho si Papa at ang mga kapatid ko.

"Oh sige, mag-ingat ka anak. Umuwi ka na ha?" Aniya at binaba na ang tawag. Kinuha ko ang aking bag at inayos ito para makapagpaalam na.

..
..

"Ser?! Bakit hindi na pwedeng lumabas sa lugar na ito? Ngayon pa lamang kami nakapag-out sa aming trabaho! Ano ho bang sinasabi niyo?!" Narinig kong sigaw ng isang lalake. Napakagat ako ng aking ibabang labi at mabilis na lumakad kung saan mayroong iilang tao.

"Ser, nagpatupad na ang ating presidente ng Lockdown para hindi na kumalat ang Virus kaya hindi na kayo maaaring lumabas sa lugar na ito. Bakit pa ba kasi kayo pumasok alam niyo naman na delikado na nga lumabas dahil sa virus na ito?" malakas na sabi ng matandang lalaki na nakasuot ng pang-militar. Agad kumalabog ang aking puso dahil sa kanilang pag-uusap. Marami ang umalma ngunit hindi na muli sila pinansin ng sundalong sumigaw kanina at nagpadagdag pa muli ng limang sundalo para sa pagbabantay sa lugar na ito. Napaka-aga naman nilang ipatupad ang community lockdown? Hindi pa ako nakakauwi!

Mabilis akong lumapit sa harap at hinanap ang matandang sundalo na nagsalita kanina. Kailangan ko siyang kausapin para makauwi ako. Hindi pwedeng mananatili ako rito dahil wala naman akong pera at titirhan rito!

"Sir! Sir!" sigaw ko ng makita ang matandang lalaki. Lumingon siya aking bahagi at kumunot ang noo. "Sir, estudyante lang po ako! Kailangan ko pong umuwi at baka nagaaalala na ang mama ko. Pakipayagan na po akong lumabas, please!" tumaas ang kilay ng matandang sundalo habang nakapaymang bago ito bumuntong hininga.

"Hindi nga pwede!" Singhal niya at tuluyan ng tumalikod sa amin. Fuck it! Paano ako uuwi nito?! Naihilamos ko na lamang aking palad sa aking mukha. Wala akong nagawa kung hindi ay umiyak na lamang sa Gilid ng ADB street.

Naramdaman ko ang aking cellphone na mag vibrate, alam kong si Mama iyon kaya mabilis ko itong sinagot.

"Mama.." sambit ko at humikbi. Kinagat ko ang aking ibabang labi para pigilan ang pag-iyak.

[Umiiyak ka ba? Bakit? Nasaan ka na? Hindi ka pa nakakaalis sa office niyo ng pinag o-ojt-han mo?]

Tuloy-tuloy niyang tanong. Hindi agad ako nakasagot dahil hindi alam kung anong sasabihin sakanya. Paano ko sasabihin sakanya na hindi ako makakauwi dahil naabutan ako ng lockdown? Hindi ko alam kung makakauwi pa ba ako. Ngunit wala akong magawa kung hindi sabihin sakanya ang totoo. Lumayo ako sa dumaraming tao at naupo sa gilid ng The Podium.

"Ma, hindi ako makakauwi." sa pagkasabi ko noon, ay tuluyan na akong umiyak. "Naabutan na po ako ng lockdown. Pero wag ka mag-alala kasi pupuntahan ko na lang si Ma'am Dina ngayon at itatanong kung maaari ba akong tumuloy muna sa kanila. Sige na mama babye!" Pagsisinungaling ako at ibinaba na ang tawag, pinatay ko ito para hindi muna nila ako makontak. Marahas kong pinunasan ang luha sa aking mukha at inayos muli ang aking sarili. Aambang tatayo na sana ako ng may umupo sa aking harapan.

"Hey.." malambing niyang sabi habang nakangiti. Naka-kulay blue ito habang may hawak na alcohol at surgical mask habang ang isang kamay naman niya'y nakalahad sa akin para tulungan akong tumayo. "You okay?" He added while still smiling. Napaiwas na lamang ako ng tingin dahil hindi ko kayang sabayan ang titig niya. Damn it! Hindi ba dapat nagrarant ka sakanya ngayon at sabihing pauwiin ka na?!

Pero nanatili akong tahimik at hindi siya pinansin pati ang mga alok niya. Tumikhim ito at nagsalita muli.

"Ang sabi nila may estudyante raw ditong naabutan ng lockdown. Kaya naman nagtanong ako at itinuro ka nila." Aniya at nakuha nito ang aking atensyon.

"Mayor Vico, gusto ko na pong umuwi." Mahina at nangingiyak kong sabi. Ngumiti lamang ito at tinitigan ako ng para bang ina-assure niya ako na makakauwi ako.

"Ofcourse, makakauwi ka." He said softly. "But, first you need to wear this." Inilahad niya ang Surgical mask at ikinabit ito sa aking Tainga ng marahan. Agad naman kumalabog ang aking puso at may kung ano akong naramdaman sa aking tiyan. "There. Now, you're a little bit safe." He chuckled. Pagkatapos niyang ilagay sa akin ang surgical mask muli niyang inilahad ang kanyang kamay. "Come on, I'll help you stand." Tinanggap ko naman ito at marahan niya akong itinayo.

Iginaya niya ako sa mga health workers habang hawak ang aking kamay. He told to check me up at kung okay ba ang temperature ko. Nang matapos ito, ay muli niyang hinawakan ang aking kamay at naglakad muli. Nagpatianod naman ako at tahimik na sumusunod sakanya.

"I know you really wanted to go home, but I can't do that easily." Aniya habang naglalakad kami.

"Pero mayor-"

"I know. I know. Pero kailangan muna nating maghintay sa sasabihin ng Presidente. I know he will lift it since ang dami niyong naiwan pa. So, don't worry, makakauwi ka." Sinugarado niya sa akin habang naka ngiti. Is he an angel or what?

Narinig ko naman ang tawa niya at ngumuso para pigilan ito.

"No, I am not an angel miss. Sinisuguro ko lang ang kaligtasan niyo as your mayor." Agad naman uminit ang mukha ko sa sinabi niya. Shit, did I say that out loud? Huminto kami sa Emerald Hotel at tinitigan ulit ako. "So, habang naghihintay tayo i-lift ang lockdown. I will do everything to help you, keep you safe and take care of you. Hmm?"

"I.. I trust you Mayor Vico Sotto." Kinagat niya ang kanyang ibabang labi at tuluyan ng napangiti.

"Thanks."

...

End. Hahaha!

LockdownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon