Chapter 35

3.6K 64 2
                                    

Meanieyah POV,

Sa pagdating namin sa office ay umupo agad ako sa isang upuan at sila angel naman ay sa kabila naman

"Oh ikaw na naman?"
Saad ni maam nica alam kung ako ang tinutukoy nito

"Ako nga,bakit may problema ba?"
Malumanay na sagot ko

"Palagi ka nalang nanggugulo at ang hilig mong mangaway"
Inis na sabi nito. Sila angel ay tahimik lamang. Hindi ako mahilig manggulo,  sadyang mahilig lang talaga akong lumaban. Ayaw kong inaapakan lang nila ang pagkatao ko.

"Anong nangyari?"
Tanong niya habang nakatingin padin sa akin

"Nag-away kami"
Walang gana kung sagot

"Sino ang nagsimula?"

"Si meanieyah"
Biglang singit ni angel

"Totoo po maam nica na si meanieyah ang nagpasimuno,saksi po kaming dalawa ni jamich...kaya nga po tinulungan namin si angel ehh kasi nakakaawa na sya...muntikan na syang patayin ni meanieyah kaya tumulong kaming dalawa ni jamich"
Pagpapaliwanag ni irene

Mga sinungaling!

"Meanieyah,bakit mo papatayin sana si angel?!"
Singhal  ni maam

"Bago mo ako tanungin niyan ...tanungin mo muna ako kung totoo bayung mga sinasabi nila"
Saad ko

"Bakit hindi bayun totoo?"
Sabay baling ng tingin kila angel

"Hindi"
Maikling sabi ko

"Anong hindi!"
Sigaw ni angel

"Tumigil nga kayo!"
Sigaw naman ni maam nica

"Meron akong ipapataw na parusa sa inyo"
Naging malumanay na ang sabi ni maam

"Maam naman ehhh...si meanieyah lang ang parusahan mo ...wag mo kaming idamay"
Pagmamakaawa ni angel kay maam

"Hindi pwede...Kayong dalawa irene at jamich ay doon kayo maglilinis sa hallway...tas kayo naman angel at meanieyah ay doon kayo sa canteen..dalawang araw lang ang ipaparusa ko sa inyo sa paglilinis...simulan niyo na bukas ng hapon Pagkatapos ng inyong klase"

Marami pang sinabi si maam nica, ngunit yun lang ang nadinig ko ng klaro.

Shit mukhang hindi ako makakapasok sa trabaho

Pesteng angel,ng dahil sa kanya
Kami ay mapaparusahan

"Maam may trabaho papo ako"
Kaya nagulat sila sa aking sinabi

"Ano!? Sa ganyang edad mo nagtratrabaho kana?"
Turan ni maam

Tumango nalang ako

"Hahahaha...poor girl"
Nakangising sabi ni angel

"Hahahaha...Kaya pala ang pangit ng mga suot niya kasi wala palang pambili"
Saad naman ni irene

"Hahahaha"tawa nilang tatlo

"Tumigil na nga kayo! Hindi maaari meanieyah...kaylangan kadin maparusahan kasi unfair sa kanila kapag sila lang yung pinarusahan ko..."

"Oo nga napaka unfair talaga kapag kami lang yung naparusahan...tas ikaw payung nagpasimuno...Diba?"
Ani angel

"Oo nga"
Pagsasang-ayon naman ni jamich

The COLD PERSON (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon