Part 1

55 1 0
                                    

Nagmamadali si Angel pumasok sa trabaho, hindi niya alam kung anong naghihintay sa kanya dahil ang dami nilang natambak na gawain dahil isang linggo siyang absent. 

"Jusko naman!! Sana naman merong bumawas dun sa mga docu na gagawin koooo.. galing naman ako sa sakit eh.. " bulong ni Angel sa sarili.

 Habang busy sa pakikipagusap sa sarili niya, merong nakabunggo sa kanya na lalake, nagsorry lang ito kaagad at mabilis na lumakad papalayo. 

Hindi magawang ma inis ni angel dahil may kakaiba sa awra ng lalake, pero ayun, nagpatuloy na siya sa paglalakad niya.

Napangiti nalang siya nang meron siyang nadaanan na store na nagpapatugtog ng kanta ng SB19, ALAB! 

Matagal nang fan ng SB19 si Angel at medyo nabawasan lang siya ng time sa pagiging fangirl nang magtrabaho na siya. Swerte naman na magkalapit lang ang building ng ShowBT a building nila. As in nasa likod lang ng building nila yung ShowBT building. Pero sa isang taon niya sa company nila ay never pa niyang nakita ang SB19. 

"Hay sa wakas nakarating narin sa office,hindi na ko aasa na nabawasan yung mga files sa table ko, mahirap umasa baka masaktan lang ako" bulong nanaman ni Angel sa sarili niya.

Pagpunta niya sa table niya ay tulad inaasahan niya ay di nabawasan ang gagawin niya. 

Agad na niyang inumpisahan ang gawain niya.

Habang nagtatrabaho siya ay kinamusta siya ng kaibigan niyang si Jade.

Jade: Kamusta ka naman girl?

Angel: Eto , maganda parin! 

Jade: feeling ko, di ka pa magaling. Inom ka na ng gamot mo ha, nababaliw ka nanaman.

Angel: Di ka ba naman mabaliw jan (sabay turo sa tambak na papers sa table niya)

Jade: ok lang yan, isipin mo nalang na gagawin mo yan dahil trabaho mo yan at dahil sa trabaho mo, nakakatulong ka sa pamilya mo.

Angel: Ganun naman iniisip ko eh, pero kulang parin sa motivation, nanlambot yung tuhod ko nung nakita ko yung tambak na gawain ko

Jade: Wrong timing naman kasi yung trangkaso mo, oh sige ganto nalang, isipin mo,ginagawa mo to para makabili ng VIP ticket sa concert ng SB19!!

Angel: Yon!! yan ang motivation! Sige, wag mo na ko daldalin

Umalis na si jade at bumalik na sila sa kanya kanyang gawain.

Break time na nila pero hindi pa dapat kakain si Angel pero todo pilit naman si Jade sa kanya.

Jade: Kumain na muna tayo ! 

Angel: Mamaya na! Kalahati palang nagagawa ko oh

Jade: Dun tayo kakain sa Mcdo malapit sa ShowBT building! Malay mo naman makita mo yung SB19 dun

Angel:  Sus! ilang buwan na tayong kumakain dun, di naman natin sila nakikita.

Jade: Malay mo nga lang... sige, libre kita ngayon

Angel: Yun naman pala, sana sinabi mo agad.

Jade: Jusko, pag libre talaga noh?

Umalis na sila at dumiretso sa Mcdo malapit sa ShowBT building. Parang wala namang bago. Habang nakaharang sila sa harap ng pinto ng mcdo.

Justin: Excuse me po.. makikiraan lang

Nagulat si Angel sa nakita niya. Si Justin!!!!! ng SB19 nasa tapat niya at nag eexcuse me sa kanya. Hindi kumukurap na tumabi sila angel at jade dahil sobrang na starstruck sila kay Justin.

Justin: Thank you po (smiles)

Papasok na sana sila pero nagulat sila dahil pabalik si Justin, dumaan uli sa harap nila at merong tinawag sa labas.

at sa isang iglap lang ayun! naglalakad na nang magkakasama ang SB19 papasok ng Mcdo kasama si Ate Rose. 

Mas lalong natulala ang magkaibigan, parang slow mo ang lahat. 

Bumalik lang sa katotohanan ang dalawa nang kalabitin sila ng waiter dahil nahulog ang wallet na hawak ni Angel. 

Nagtitinginan lang sila angel habang nakasunod sa SB19, kung san kasi pumila ang SB19 ay dun din sila. 

Parang panaginip lang ang lahat, nasa harap lang niya ang mga iniidolo niya. 

Maya maya pa, nagulat siya dahil sinabihan sila sa kabilang counter na open na pwede na sila lumipat doon. Hindi pa dapat sila lilipat pero naisip nila na nakakahiya naman kung hindi sila lilipat. Kaya naman lumipat na sila at nauna pa silang natapos umorder kesa sa SB19.

Pag upo nila ay tsaka palang sila nakahinga ng maluwag

Jade: Buti nalang sumabay ka sakin kumain

Angel: Oo nga eh , buti nalang talaga.. nalibre na nga ko, nakita ko pa sila

Jade: Hindi naman tayo makalapit.

Angel: Ok lang, masaya na ko na makita ko sila. At take note, nandito lang sila sa likod natin.

Pabulong lang usapan ng magkaibigan dahil nahihiya sila na marinig ng SB19

After nila kumain ay dumiretso na sila sa office.

Pagdating ng office

Angel: feeling ko, meron akong nakalimutan

Jade: huh? ano?

Angel: di ko rin alam

Jade: ID mo!

Angel: Shocks!! oo nga! Sandali babalikan ko, lagot ako neto ... 500 din bayad pag nawala yung ID!

Bumalik si Angel sa mcdo pero wala na siyang naabutan na ID dun. Nagtanong siya sa crew pero wala daw silang nakitang ID.

Dun na tinanggap ni Angel na nawala na ang ID niya. 


"Document analyst? nice! Sana makita ko siya uli para mabalik ko sa kanya tong ID niya. Ms. Angel" (smiles) 


An Angel Without WingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon