Uno

12 0 0
                                    

McDo

"Putangina." Sambit ko sa sarili at padabog na binagsak ang ballpen sa mesa. Puta kasi itong assignment sa gen math wala akong maintindihan.

Anim na oras na ako rito sa paborito kong branch ng mcdo pero kumain lang pinaka productive kong nagawa pucha!

"Ma'am, ayos ka lang?" tanong ng lalaking crew na hindi ata nalalayo sa edad ko.

"Hindi." Sabay irap.

"Attitude amputa, di naman maganda." Bulong nito sabay punta sa malayong mesa para punasan ito.

Abaygago 'yon ah! Pasalamat siya hindi ako eskandalosa kundi pinalamon ko siya ng mga papel kong may bobong solution.

At dahil sa init ng ulo ko, naisipan kong bumaba para umorder ng pang-apat kong kape. Weakshit di ako nag-papalpitate. Iniwan ko muna ang mga gamit ko sa table maliban ang cellphone at wallet, mahirap na.

Ginutom na rin ako kaya dinagdagan ko ang order ko at pina-table service ko na rin.

"Di ko na talaga papansinin sila Kaly tuwing gen math class shit." Bulong ko sa sarili at nilabas ang calculator.

"Ma'am, your order po!" Dinig kong sabi ng gagong crew kanina. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagssolve. Pansin kong nilapag niya na ang order ko pero imbes na umalis ay kita ko sa peripheral vision ko na parang may tinataboy-taboy siyang kung ano sa hangin.

"Ginagawa mo?" tanong ko.

Agad ngumiwi ang gago at tinigil ang ginagawa.

"Mam may langaw kasi! Kanina pa ata nilalangaw yung mga papel mo mam." Sabay ngisi niya sa mga papel kong bobo at ismid sa akin. Putangina talaga kanina pa 'to nang-iinsulto ah!

"Oh? Wala naman akong nakita?" Nilapag ko ang calculator sa mesa at kinuha ang ice coffee na inorder sabay titig sakanya.

"Malamang mam! Busy ka kasi." Siya.

"Okay, wala akong pake." Sabi ko sabay sipsip sa iniinom na ice coffee. Ang annoying nitong crew na ito masyadong maraming sinasabi.

I find it weird though. Dati naman walang ma-attitude at mapang-asar na hampas lupa sa dalas ko rito. Napailing nalang ako at pinagpatuloy ang pag-aaral kuno.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok dahil hindi ko natapos ang assignment ko.

"Kaly! Natapos mo?" Tanong ko sa kaibigan na kakarating lang.

"Oo, kokopya ka?" Masungit na tanong nito. Bakit ba lahat ata ng tao uma-attitude kasama ako?

"Di ko natapos, e! Pahiram hehe." Tumango lang ito at as usual, nilabas ang cellphone niya at doon binaling ang atensyon.

"Psst! Kaly!" Tawag ko sa kaibigan.

"Oh? Ingay ah,"

"Si Nikki?" Tanong ko.

"Nakita ko tweet niya breaktime pa ata makakapasok."

"Gago talaga 'yon, e! Wala pa 'yong assignment patay siya kay sir." Sabay iling ko.

Ilang sandali lang at dumating na ang prof. Nasa pinto pa lang ay rumaratatat na. Yokpi 'to mamaya!

Actually wala talaga akong naiintindihan sa pinagsasasabi nitong prof namin, e. Hindi lang pala ako, halos lahat kami pucha.

Sa kalagitnaan ng discussion ay biglang pumiyok iyong prof buti nalang ay agad kong pinigilan ang tawa at kinurot si Kaly na hindi na ata humihinga.

Agad na nanlaki ang mata ko nang marinig ang malakas na halakhak ng kaklase kong si Tiffany! Puta!

Binaling ko ang tingin sa prof at nakitang nakatingin ito ng masama kay Tiff.

Every Soul Hides Wounds Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon