KABANATA 23

11K 353 25
                                    

[Adara]

Chineck ko ang mga kamay nina Christian at Sam pagkasakay namin sa isang malaking kulay itim na van. Hindi naman sila dumadaing na masakit pero the fact na sinangga nila iyon sa mga kamay nila? Their hands might get broken from that!

"Bakit niyo ginawa 'yon? Paano kung napahamak kayo sa pagsangga sa mga sanga na 'yon?" tanong ko sa kanilang dalawa. Nakita ng dalawang mata ko iyong ginawang paghampas ng mga fans ni Pierre bago ako pumikit. At hindi ko maatim na mapahamak sina Christian at Sam dahil sa pagprotekta nila sa akin.

"Do you want us to just watch you get the hit?" Christian asked.

"Saka baka sa ospital na ang punta mo ngayon kung hindi kami gumalaw kanina," ani Sam.

"But still! You should've been more careful!"

"Stop making fuss, Adara," sabi ni Keira na siyang nagda-drive ng van. "Trust me, merely tree branches won't scratch those two."

Nakita kong natawa sina Sam at Christian. At kinuwento nga sa akin ni Keira na mas matigas pa raw sa mga sanga na iyon ang sinisira ng mga kamay ng dalawang ito. They have undergone physical training to get through their entire college. At dahil sa sinabing iyon ni Keira ay bahagyang napanatag ako.

Hinatid nila ako sa ACF Net at tumanggi na akong magpahatid pa sa taas. Hindi naman ako batang paslit na hindi kayang maglakad mag-isa. Pagdating ko sa opisina ng Entertainment Department, ramdam ko ang sunod ng tingin sa akin ng mga tao sa loob. Hay. Siyempre Entertainment Department ito. Ibig sabihin, puro chismis ang nasa utak ng mga ito for sure. At 100% na tungkol ito sa eskandalo namin ni Pierre.

Kumatok ako sa office ni Ms. Dette.

"Pasok."

Pagbukas ko ng pinto ay nandoon na si Pierre na nakaupo sa tapat ni Ms. Dette. Mukhang ako na lang ang hinihintay nila.

"Welcome back sa inyong dalawa. How's your mini escapade?"

"Kung pwede lang hindi na umuwi," sagot ni Pierre at nginitian nang nakaloloko si Ms. Dette.

Hinampas tuloy siya nito. "Ikaw talagang lalaki ka! Pati intern dinamay mo sa kagaguhan mong hayop ka!" Hinampas ulit nito si Pierre na tinatawanan lang siya. Mabait actually si Ms. Dette. Nagiging nakatatakot lang naman siya dahil sa dalawang bagay—kapag nawawala si Pierre at kapag gumagawa ng kalokohan si Pierre. Umupo ako sa tabi nila.

"Aray! Tama na aray!" daing ni Pierre.

"Subukan mo pang gumawa ng kalokohan at ibibitin na kita nang patiwarik sa harap ng mga fans mo!" banta sa kanya ni Ms. Dette. Natatawa akong panoorin sila. Para silang magkapatid na nagbabangayan!

"Brutal mo talaga. Buti hindi natatakot sa 'yo yung asawa mo?" sagot pa nito habang inaayos ang nalukot niyang damit.

"Kase mahal ako ng asawa ko. E ikaw? Madami ngang fans, wala namang jowa." Inirapan siya ni Ms. Dette. Ang harsh!

"Ah gano'n? Madali naman akong kausap. I can even get a wife right here, right now," anito sabay tumingin sa akin. Loko 'to ah. Balak pa yata akong idamay. Itinaas ni Ms. Dette ang kanyang kamao sa harap ni Pierre kaya nanahimik na lang ito.

"Okay... The issue of the two of you has been solved already. Hopefully tuluyan nang kumalma ang fandom ni Pierre. But please guys, be careful next time. Naka-receive na ako ng warning from the management at sa susunod na mangyari uli ang ganito, hindi ko na sigurado kung saang lupalop kayo ipadadala ni boss." Tumango ako bilang pagsang-ayon samantalang itong katabi ko, nagme-make face lang ang loko. Sisiguraduhin ko na this time, mag-iingat na talaga ako. Ayoko nang maranasan ulit yung kanina. Paano na lang kung wala akong kasama at inatake ako ng mga immature fans nito? Baka makita na lang ang katawang lupa kong palutang-lutang sa ilog.

STS #1: Dauntless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon