Ako ay nabihag ng iyong taglay na kaliwanagan
Sa madilim na gabi ay kaygandang pagmasdan
Naisin man na ikaw ay lapitan
Ito'y imposibleng mangyari, kayhirap makamtanKaya ikaw ay akin na lamang susulyapan
Pagmamasdan ka mula sa aking kinaroroonan
Titingnan ka at di pagsasawaan
Tatanawin ka hanggang ikaw ay lumisan.-lady_issa
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryAng isang tula, malaya man o may tugma, maikli man o mahaba ay tula pa rin na maituturing. Ito ay isang sining na karugtong ng puso ng isang manunulat. Ang librong ito ay naglalaman ng mga tulang aking isinulat. -lady_issa