Intro

12 1 0
                                    

Life is so unfair, isn't it?

Kung saan masaya kana doon naman kukunin ang lahat sa'yo.

Bakit ang hirap maging masaya?

Bakit kailangan pang  gumawa nang mga bagay na ayaw mo para lang sa ikakasaya ng iba?

Kasi mahal mo sila, you have to do everything just to make them happy. Bawal ang magkamali kasi baka madisappoint sila.

Pero masaya ka ba na iyan ang ginagawa mo? Yan ang tanong na sumasagi sa isipan ko kapag gumagawa ako nang bagay na labag sa kalooban ko.

Kahit sabihin kong ayoko wala naman akong magagawa because I have to, for their happiness. Kahit mahirap kinakaya, para sa kasiyahan nila.

You have to be on top for them to make them proud of you.

You have to be better in their eyes kasi konting pagkakamali lang huhusgahan kana nila.

Ayaw ko pero I have to, sila nalang ang meron ako, sila ang buhay ko. 'Mahal ko sila eh' 'yan ang laging sinasabi ko sa sarili ko.

Ayaw kong masaktan sila kaya't gagawin ko ang lahat para sa ikakasaya nila hangga't makakaya ko. 

Hindi naman ganito noong andito pa siya kasi 'di n'ya ako pinipilit gawin ang bagay na ayaw ko.

Kahit gusto ko nang sumuko pero ayoko, tutuparin ko pa ang pangarap ko para sa kanya kahit wala na siya. Kasi siya lang yung taong nakakaintindi sa akin, sinabi niya noon sa akin na gawin ko kung anong gusto ko.

Pero wala na siya, wala na ang nagtatanggol sa akin kapag nagkamali ako, wala nang pupunas sa aking luhaang mata kapag umiiyak ako, wala nang magsasabi sa 'king 'Kaya mo pa, pero kapag hindi na magpahinga ka muna' kasi wala na ang isang pinakaimportanteng tao sa buhay ko.

Tutuparin ko pa rin ang mga pangarap namin kahit wala na siya.

Mahirap man aminin pero nagbago ako, nagbago ang pananaw ko sa buhay, I became heartless, madaling magalit, nawawalan nang gana, na ibang iba sa dating ako.


Pero nagbago ang lahat simula noong makilala ko siya.




Ang taong nagpabago sa akin.

We Were Once EverywhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon