Ang di masabi ng bibig ay iyo pa ring malalaman
Tingnan sa mata naroon ang katotohanan
Sapagkat di nagsisinungaling ang dalawang iyan
Ang bintana patungo sa iyong nararamdamanKaya kahit di ko man sabihin na mahal kita
Tumingin ka sa mata at iyong makikita
Hindi sapat ang salita at hindi ko kaya
Hindi ko man bigkasin ay akin na lamang ipapadama-lady_issa
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryAng isang tula, malaya man o may tugma, maikli man o mahaba ay tula pa rin na maituturing. Ito ay isang sining na karugtong ng puso ng isang manunulat. Ang librong ito ay naglalaman ng mga tulang aking isinulat. -lady_issa