Chapter 5

6 1 0
                                    

Justine's POV

Last day na ng 1st periodical examination namin ngayon. Medyo madugo agad ang mga pangyayari pero confident naman ako na hindi ako babagsak sa kahit sanang subject. Mayabang ba ako? HAHAHA! Nag-aral kasi ako ng bongga. Kahit hindi ako ganoong katalino, nag-aaral namana ko ng mabuti. Ang totoo, wala namang taong bobo, tamad ang marami. Kung gusto niyong maging magaling sa isang bagay, you have to work out for it. Kaya ako, lahat ng gusto ko eh nakukuha ko whatever it takes. Ganun ako... Hindi ako tumitigil hangga't hindi ko nakukuha ang gusto ko.

*Kriiiing*

"Ok. Pass your papers forward." utos ng adviser namin. Sa wakas! Tapos na rin ang exam.

"Tara, kumain muna tayo sa canteen. " pag-aaya ko kay Nicole. Nag-aayos pa ito mg kanyang gamit. Ito ang pinakang hinahangaan ko sa kanya. Gusto niya laging organized at malinis ang lahat. Saka magaling din siyang mag manage ng time na hindi ko man lang namana HAHAHA!

"Ah eh. Pinapatawag pa ako ni ma'am Valdez eh" pagdadahilan niya saka kinuha ang bag at nilagay sa kanyang likod.

"Tara, samahan na kita" sabi ko saka ako ngumiti. Ayaw ko pa naman na mag-isa 'tong babaeng 'to. Minsan eh may pagkaclumsy eh. Saka baka... Hmm nevermind HAHAHA!

"Ahh, wag na! Mauna na kayong kumain" pagtanggi niya saka dali daling umalis

"Anong problema niya?" pagtatanong ni Mikailah

Nagkibit balikat na lang ako at saka umalis sa room para puntahan ang iba pa naming kaibigan.

"Nasaan si Josh?" nagtatakang tanong ni Stephen.

Nasaan na nga yung kumag na 'yon? Nandito lang siya kanina ah...

"Baka nauna na..." sagot ni Mikailah

"Baka nga" pagsang-ayon naman ni Stephen

"...sa heaven! HAHAHA!" at tumakbo na si Mikailah. *face palm*

Pero nasaan na kaya 'yon? Hindi kaya...

Alliyah's POV

Masaya ako kasi natapos na ang exam. Sana naman wala na akong bagsak para naman kahit papaano, maging proud sakin si daddy.

Simula pagkabata, lagi na lang akong pressured dahil sa daddy ko. Masyado siyang perfectionist. Lagi niya akong kinocompare kay ate Allizah kasi magaling talaga siya sa lahat ng bagay.

Nagchachampion siya sa mga competitions na sinasalihan niya, never siyang bumagsak sa mga exams and quizzes niya mula grade school, at naging dean's lister pa siya sa SHU noong nag-aaral pa siya rito.

Aaminin ko na naiinggit ako sa ate ko. Pero syempre, mahal ko pa rin siya kasi siya rin ang bestfriend ko. Lagi niya akong chinicheer up sa tuwing nagfail ako sa isang bagay. Siya lang ang kakampi ko sa bahay. Lagi niya akong pinagtatanggol mula kay daddy.

Pero ngayon, wala na akong kakampi sa bahay dahil kailangan niyang pumuntang America para imanage ang kompanya namin doon. Kaya heto, mas pressured ako. Gustong gusto ko abutin ang standards ni daddy pero parang siya mismo eh hindi ako pinapayagan.

Lagi niyang sinasabi na disappointed siya sakin... Na mabuti pa si ate ganito... Gayahin mo ang ate mo..

Minsan, maliit na rin ang tingin ko sa sarili ko eh. Mabuti na lang at may mga kaibigan akong nagpapalakas ng loob ko. Kahit na madalas ay binubully nila ako kasi ang bagal kong makagets HAHAHA!

Ganun na talaga ako eh. Pero at least, hindi nila ako iniiwan.

"Ali!" malakas na tawag sakin ni Kim.

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon