Epilogue

31.9K 629 48
                                    

Yuri's POV

"Ang ganda ganda mo tita"  I smiled at my niece. I'm wearing my gown because today is a special day.

"nandyan na ang bride! Yung mga abay! maid of honor! flower girls pila na!" sigaw nung organizer. Nasa pila na Kami at nagsimula ng tumugtog yung wedding song. Naunang mag lakad yung mga flower girls, yung mga bearer tapos kaming mga abay.

Sabay kaming naglakad ng asawa ko. We walk hand in hand na parang kami ang ikakasal.Ingat na ingat siya sa akin baka daw madapa o madulas ako.

Pumunta na kami sa kanya kanyang pwesto namin. Nagbago ang kanta at nagtayuan ang mga bisita para sa pagpasok ng bride.

I smiled at her. Dahan dahan siyang naglalakad habang sa tabi naman niya ay si daddy na umiiyak. Nag beso siya sakin bago siya ibigay ni daddy kay Lawrence, ang soon to be husband ni ate  Bianca.

Ngayong taon din dapat ang kasal namin ni Seth, pero nalaman na lang namin na ngayon din ang kasal nila ate Bianca. Sukob daw yun pag nagkataon kaya sa susunod na taon na lang daw kami. Sinong mag aakala na ang kinatatakutang mafia boss ay naniniwala sa ganun?

While exchanging vows, nakakaramdam ako ng sakit sa tiyan ko. I look at Lila na nakaupo sa harapan ko. Siya ang maid of honor, tumanggi ako kasi sa mga activities mamaya sa reception maraming gagawin ang maid of honor at hindi ako pwede.

Know why?

Because I'm  pregnant. Kabuwanan ko na ngayon pero hindi pwedeng hindi ako umattend sa kasal ni ate.

Lila look at me with a worried expression. "Are you okay ate?" ngumiti lang ako sa kanya at tumango. God knows kung gaano kasakit ang nararamdaman ko! excited na ata lumabas!

While at the reception, nag paalam ako kay Seth na mag babanyo, just as I step inside the cubicle, my water broke! Oh my god!

"Seth!!" hiyaw ko dahil nasa pinto lang naman siya ng cr. Agad naman siyang pumasok. Kung hindi lang masakit ang tiyan ko pagtatawanan ko na sana siya dahil nag iba ang timpla ng mukha niya.

"Oh god! i need you here at ladies comfort room!" wika niya habang may kinakausap sa phone. Ilang saglit pa ay dumating ang mga kaibigan namin.

.

.

.

.

.

.

"Maam, push!" utos ng doktor kaya sinunod ko. Buwiset! nanganganak na nga ako pero ako pa rin yung dumadaldal! Argh!

"Again, Push!" eh kung tadyakan ko kaya to?!

Pumuslit lang kami kanina kaya walang nakakaalam na sinugod ako sa ospital. Ayoko na din naman kasi maabala si ate sa kasal nya.

"Last time, push!" Push! push-ang gala!! Labas na baby!!

Pakiramdam ko naman ay biglang may natanggal sa loob ko, maya maya ay narinig ko ang pag iyak niya. Napaluha ako.

"A healthy baby girl" masayang wika ng doktor. I look at my husband.

"Thank you baby" he said and kiss my forehead.

"Ano pong ipapangalan sa kanya? Maam, Sir?" tanong ng nurse..

I smiled. "Lyrica. Lyrica Adriana Villafuente- Rutherford"

Hindi ko masasabi na ito na ang aming happy ending, because it is only the beggining of our true story.  Marami pang pag subok na dadating samin, pero sigurado ako na malalagpasan namin yun. Because I believe that Love conquers all.

And this is how I met this nerd guy that turns out to be .....

A Mafia Boss

---------------------------------------------------

*iyak iyak* waaah thank you! talaga ng sobra sa mga nagbasa at sumuporta sa storya na to T.T

sorry kung maraming typos! sa mga silent reader thank you din sa inyo! nakakatuwa talaga! ang akala ko di ko to matatapos...

please suportahan niyo din yung susunod na gagawin ko... May draft na ko pero baka next week ko pa siya ma post here in watty...

Salamat ulit!

~YuriMaeChan

This Nerd Guy Is A Mafia Boss (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon