Pagkatapos ng klase ay sinabay rin nila si Diego sa pag-uwi tulad ng palaging nakagawian kapag hindi ito busy sa ibang activities sa school. Kahit hindi madaraanan ang bahay nito ay pinasadya niya iyon sa driver nila. Ang fifteen minutes na drive ay naging thirty dahil malapit sa farm nila ang bahay nina Diego.
"Thank you sa paghatid, Em!" ani Diego bago bumaba.
"No worries. See you tomorrow!"
"Gusto niyo munang pumasok sa loob? Magpapahanda ako kay Nanay ng meryenda," nahihiyang alok pa nito.
Agad niyang tiningnan si Arianne sa nagtatanong na paraan. Pagkakataon iyon para magkasama pa nang matagal ang dalawa. Suportado niya ang kaibigan sa crush life nito kaya willing siyang mag-stay kina Diego kung gusto ring mag-stay ng best friend niya.
Pasimpleng umiling si Arianne kaya tumikhim siya upang sagutin ang alok ni Diego.
"Naku! Diego, ayos lang. Next time na lang. Salamat sa alok," nakangiting tanggi niya rito. Nakauunawang tumango naman ito.
"Sige, Em. Una na ako sa loob, ha? Salamat ulit. See you tomorrow," saad nito kaya naman tumango siya. "Arianne," paalam din ni Diego kay Arianne at tinapik ang balikat ng kaibigan bago tuluyang bumaba sa Montero Sport. Pagkasara ng pinto ay mapang-asar siyang ngumisi kay Arianne na pulang-pula naman ang mukha. Napailing na lang siya sa pamumula nito.
"Kilig much?" tudyo niya na ikinanguso ng kaibigan.
Nagpatuloy sa pag-andar ang sasakyan nila hanggang sa nakarating na sila sa mansyon. Sinalubong siya ng mommy niya sa entrada pa lang.
"Hi, Mom!" bati niya bago humalik sa pisngi nito. Nagmano rin si Arianne sa ginang.
"Mabuti naman nandito na kayo. Nagpahanda ako ng meryenda para sa inyo. Saan ba kayo gagawa ng assignments, hija? Ipadadala ko na lang doon."
Naipagpaalam niya na kanina na gagawa sila rito ng assignments ni Arianne kaya iyon ang sinabi ng ginang. Walang problema sa pamilya niya kahit mag-stay ang kaibigan sa kanila nang matagal basta ba'y ipagpapaalam nila si Arianne sa mama nito.
"Sa family area na lang po sa second floor, Mom. Salamat po," sagot niya.
Umakyat sila sa taas pagkatapos niyang kausapin saglit ang kanyang ina. Napag-alaman niya mula rito na pumasok pala sa opisina ang kanyang ate kaya wala pa ito. Malamang ay kasabay na ito ng daddy nila pag-uwi.
Naiwan si Arianne sa family area habang siya naman ay dumeretso sa kwarto para magpalit ng damit at para kumuha ng mga gagamitin nila sa assignments sa physics at chemistry. Suot ang kulay olive green na blouse at puting shorts ay lumabas siya ng kwarto bitbit ang laptop, pencil case, calculator, iba't ibang klase ng rulers, notebooks, at libro niya sa dalawang subjects. May kabigatan ang mga iyon.
Naglalakad siya pabalik sa family area nang bumukas ang pinto ng guestroom kung saan tumutuloy si River. Nakaputi itong shirt at gray na shorts. Magulo ang buhok nito na tila mukhang bagong gising. Sandali silang nagkatinginan bago ito nag-iwas ng tingin. Naka-supaldo mode na naman ang binata ngunit ayos lang iyon sa kaniya dahil nahihiya pa rin siyang makaharap ito. Nahihiya siya sa naging tagpo nila kaninang umaga.
Napailing at bumuntonghininga na lang siya bago nagpatuloy sa paglalakad. Hindi niya alam kung bakit palaging natataon na nagkikita sila sa hallway sa second floor.
Nakarating siya sa family area kung saan niya naabutang tahimik na nagbubuklat ng notebook si Arianne sa couch. Naroon na rin ang meryenda nila sa lamesita. Napili niyang doon na lang sila para sa magandang nature view at sunset. Tanaw rin ang swimming pool mula roon kaya naman gumagaan ang pakiramdam niya, hindi tulad sa study room o kwarto niya na napakaraming distraction. Antok at temptasyon maglaro ng video games ang kalaban niya pag naroon siya sa dalawang lugar na iyon.
BINABASA MO ANG
The Politician 2: River Sanders
ChickLitEmpress Cervantes knows what she wants in life--she would excel in her studies and would not let any distractions get in her way, love life included. But things get complicated when she meets the cold and rebellious River Sanders, her half-sister's...
Wattpad Original
Mayroong 7 pang mga libreng parte