☽ Kabanata VI ☾

282 104 0
                                    

Ang Takdang Panahon


At heto na nga..naglibot libot ako sa gubat. Parang masyado namang realistic itong panaginip na ito, napaka detailed ah. Sobrang tataas at malalaki ang mga puno dito. Siguro kapag pinagpatong patong height ko ng anim na beses ganto kataas itong mga 'to.

Nagpatuloy ako sa paglalakad pero hindi ko manahap ang dulo ng gubat na to nakakaloka. Pero papanindigan ko itong trip ko, baka kapag nasa dulo na ako eh magising na ako.

Siguro mga kalahating oras na din ako naglalakad lakad at napapagod na ako. Suot ko parin yung Costume ko na pang prinsesa nung birthday ni Arolf. Ngayon lang talaga ako nanaginip ng ganito.

Sa sobrang pagod ko kakalakad nagsimula nadin akong magutom. Tumingin tingin ako sa paligid pero wala naman bunga yung mga puno, at kung mayroon man hindi ko kayang akyatin. Pero sa hindi kalayuan napansin kong may iilang hindi masyado kataasan na mga puno. Kahit mahirap sinubukan kong umakyat.

Hay naku naman Tora magiging unggoy ka ata bigla ah. Normal ba magutom kahit sa panaginip?
Mukha siyang prutas, maliit na uri na prutas. Kaparehas na kaparehas ng itsura sa ubas. Pero imbis na kulay violet o green ang kulay, kulay dilaw ito.

Pero desperada na talaga akong kumain kaya pumitas ako ng kaunti. Habang nakaupo ako sa isang sanga ng puno sinimulan ko na kumain.
Hala! Ang sarap! Kasing lasa talaga ng ubas! Ang sarap talaga. Sobra akong nasarapan kaya dinamihan ko pa yung pagpitas.

Naglagay ako ng iba sa bulsa ng dress na suot ko, yung iba naman nilagay ko sa loob ng damit ko.
Habang punong-puno yung katawan ko ng pagkain na to ay nag aatempt ako tumalon pababa. Ewan ko ba pero parang medyo nahilo ako, ito ata epekto ng pagkain na to.

Tumalon parin ako at agay! Ang sakit!
May sumapo naman sakin. Yung matigas na lupa.

Mas lalo tuloy akong nahilo, habang nakaupo pinagpatuloy ko parin ang pagkain. Ginamit ko yung libro na dala ko bilang plato, at dala ko parin talaga tong libro na to na bigay nila papa hanggang sa panaginip.
Habang mas madami yung nakakain ko, kaloka! Pakiramdam ko nalalasing na ako. Kahit hindi kopa talaga alam pakiramdam ng lasing, parang ganito eh. Naduduling na ako sa sakit ng ulo ko, pero ewan ko nagpatuloy parin ako sa paglalakad.

Siguro dahil lang sa pagkahilo ko pero pakiramdam ko habang naglalakad ako napadaan ako sa isang liwanag.
Sa sobrang liwanag ay napapikit ako, at pagdilat ko laking gulat ko na nasa dulo na agad ako ng gubat.

At aking natanaw na nasa isang mataas na lugar pala ako. Parang nakaangat itong gubat at sa ibaba naman ay natatanaw ko ang maliit na bahay gawa sa kahoy.
Nakikita ko rin mula dito ang mga tao. Hindi ko alam kung sino sila. Masakit parin ulo ko pero sinubukan kong bumaba. Mabato ang daan at di nakakatulong sa sakit ng ulo ko. Sa hindi kalayuan ay may narinig akong mga sigawan, halos lahat boses ng mga lalaki.

Sinundan ko ang mga boses at nakita ko ang isang grupo ng mga kalalakihan. Kakaiba ang mga suot nila, parang makakapal na kumot at pinagpatong patong sa katawan. Wala silang mga sapin sa paa at halos lahat sila mahahaba ang buhok.
Ang lalim ng boses nila at nakakatakot tignan pero gusto ko parin silang panoorin.

Nagulat ako nang napansin ko na ang iba sa kanila ay may hawak na sibat, yung iba espada at mas marami yung may hawak ng pana at palaso.
Eto na talaga, sure na sure na akong panaginip to haha. Lakas talaga ng imagination ko.

Patuloy parin sila sa pagsigaw ng malakas. Hindi ko maintindihan, "Dobogayris" (Pumuwesto) ang sinisigaw nila. Ano ibig sabihin nun?

Pumila sila at itinuro ng lalaki sa harapan yung isang puno sa taas ng gubat. Kaya dahan-dahan ulit akong umakyat sa gubat. Daig ko pa nag hiking neto pero atleast kahit sa panaginip nagawa ko rin.

Gasuklay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon