Una

9 0 0
                                    

Ang araw kung saan,
Pagsisimula'y iyong inaalam.
Tayo ba'y magliligawan,
O magpapatuloy na lamang.

Gusto kong sabihin sayo,
Masaya ako sa pagbabalik mo.
Nawa'y tapos na ang lito,
Ika'y magpakatotoo.

Marahil nasasaktan,
Nabasag man ng nakaraan,
Hindi lilisan,
Patuloy na lalaban.

Hindi kita masisi,
Pagmamahal ay totoong nasasawi.
Ngunit sa iyong pagbabalik,
Ako'y tatayang muli.

Maraming beses akong sumuko,
Sarili'y binalak ilayo,
Bumitiw man sa pangako,
Bumabalik sa dikta ng puso.

Ikaw at ako ay tao.
Nakakagawa ng mali,
Minsan nama'y nalilito.
Pero hindi sagot ang pagsuko.

Taliwas sa damdamin,
Ang ika'y palayain.
Inisip ko na ng masinsin,
Lahat ay aking tatanggapin.

Ako padin ay nasasaktan,
Sa mga araw na nagdaan.
Lahat ay pilit kinakalimutan,
Ngunit hindi matanggal sa kaisipan.

Marahil hindi ko pa mabigay na buo,
Ang tiwala na tinibag mo.
Sa pagdaan ng mga araw kasabay ng pagmamahal ko,
Ito'y babalik at magiging iyo.

Mahal kita sobra,
Takpan kaman ika'y aking kilala.
Ikaw lang ang sinisinta,
Ikaw yung una, na sana ay huli na.

UnaWhere stories live. Discover now