CHAPTER 20

6.7K 131 3
                                    


Brix's POV

Lumuluha akong umalis ng bahay nila ngunit nakangiti pa din. Maybe hindi para sakin si Yesha?

Kahit ipilit ko ang sarili ko sa kaniya, hindi pupwede kasi may anak sila ni Drew. ano pang magagawa ko?

Lea's POV

Nakita ko ang sasakyan ni Brix , nasa sasakyan ako ni Deign ngayon.

"Hey, Deign. Sundan natin si Brix" sabi ko sa kaniya. Ngumisi sakin si Brix.

"Na fall ka na talaga"

" Hmm, yeah, i guess? Let's go na. Baka makalayo pa yung sasakyan ni Brix"

" Okay," pinaharurot na ni Deign ang sasakyan para maabutan namin ang sasakyan ni Brix na mabilis din ang patakbo . Saan na naman papunta 'to?

Hmm, bar ulit? Gosh!

"Napapadalas na ang pagpunta niya sa bar ah?" sabi ko

"Hmm, bakit hindi mo siya kausapin? I comfort mo."

" Paano? e ayaw niya nga akong kausap" it hits me! Masakit. Kasi gustong gusto ko siya pero ayaw niya sakin. Pero dibale gagawin ko lahat magustuhan niya lang ako, kahit kulamin ko pa siya. Joke. Haha. I want him to be inlove with me in a legal way.

Pagpasok namin sa Bar ay Nakita namin si Brix.

Order siya nang order ng hard drinks. At iniisang lagok niya lang ito! Grabe

Hinila ko siya.

"Tara Brix. Hindi ka bagay dito. This is a dirty place" sabi ko. Hindi ko alam kung saan nagpunta si Deign. Pero ang alam ko, sanay siya dito. At yon ang naalala ko.

"Lea?" tanong niya. Dire diretso lang ako sa paglakad habang hila hila siya.

Paalis na sana kami nang may humarang sa daan namin.

"Hi miss, pwede ka sumama samin?" nakangising tanong ng manyakis sa harap ko.

Aba ang kapal ng mukha. Di niya ba nakikitang may Kasama ako?

Napansin ko ang suot ko. Naman! Naka palda lang ako na above the knee at medyo revealing ang suot kong damit.
Pakshet.

"Mukhang wala namang interes sayo yang kasama mo, Miss samin ka nalang sumama." sabi pa nitong manyakis sa harap ko.

"Wala akong time . Bye" lalampasan na sana namin siya ni Brix nang hilahin niya ako.

"Pa hard to get--" bigla nalang ay may lumipad na kamao sa pisngi ng manyakis na yon.

Nakita kong galit na nakatingin si Brix sa nakaupo sa sahig na manyakis.

"Pumili ka ng babastusin mo, pre" shet. My heart Brix! Thankyou for saving me.

Tumayo yung lalaking manyakis at kinwelyuhan si Brix.

"Sino ka ba ha?" maangas na sabat ng manyakis.
May sinenyas siya gamit ang kamay niya at may back up agad na dalawa pang dumating.

Tinulak ni Brix yung manyakis at hinawakan ako sa siko.

"I'm Brix  Axel De Villa--" Nakita kong natakot kay Brix yung mga lalaki. Why? Pangalan pa lang ang sinasabi ni Brix.

"D-De... D-De Villa?" Nanginginig na sabi nito.

"Yes, at kung ayaw niyong masaktan. Padaanin niyo kami" Maangas na sabi ni Brix kaya nagsitabi naman yung mga lalaki.

Pagdating namin sa kotse ni Brix ay sumakay kami.

"Uhh, Thankyou Brix"

"Sa sunod huwag kang pupunta sa Bar nang ganyan ang suot. Nababastos ka e"

"Okay sorry, Bakit nga pala takot sa iyo sila?"

" Our family owns that bar. Kilalang mataas na tao ang mga De Villa. I don't need to explain." Bored na sagot niya.

Natahimik kami.

"Brix..." tawag ko sa kaniya. Hindi pa rin kami umaalis kaya gusto kong samantalahin ang oras para sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko.

Lumingon siya sakin.

"Hmm?"

" Brix kasi.. ahhm..May gusto ako sayo.." sabi ko. Tahimik lang siyam Hindi siya sumagot.

"Brix..Gusto mo ba si Yesha? Lagi ka niyang sinasaktan! Ako na lang ang gustuhin mo Brix.. Please" dagdag ko pa. Tinitigan niya lang ako nang blangko.

"Hindi ko gusto si Yesha. Mahal ko siya Naiintindihan mo? At pinaubaya ko na siya sa kapatid ko.  At ganon ang tunay na nagmamahal kahit masakit para sayo, titiisin mo. Makita mo lang na masaya yung taong mahal mo" ako naman yung napatitig sa kaniya.

Nangilid ang luha ko.

"You're right, Brix"

"Thanks kasi naiintindihan mo ako" Hindi ako nagsalita.

Pero hindi pa rin napuputol ang  tinginan namin sa isa't isa. Naramdaman kong unti unting lumalapit ang mukha niya sa mukha ko. Omayyy! Are we going to kiss?

Tumigil siya nang halos 2 inch nalang ang pagitan ng mga mukha namin. napapikit ako nang lumapat ang labi niya sa mukha ko. He did not kiss me on lips! But on my Forehead!

Shit! That's more sweet! Kahit lasing siya. Hindi niya magagawa yung mga bagay na naiisip ko.

Brix is really a good man. Bakit hindi siya ang pinili ni Yesha?

"Ahh!" nang makiss ako ni Brix sa noo ay Biglang sumakit ang ulo ko.

Naalala ko si Yesha. She kissed me on my forehead too! and said.. She's always there for me.

Tuluyan akong napaluha. Naalala ko na. Hindi lahat pero kakaunti lang.
Yeshaa....

"Hey, Lea. Ayos ka lang ba?" nag aalalang tanong ni Brix. Wait what? Nag aalala siya?

"Ayos na.. N-naaalala ko na s-si Yeshaa.. Thanks for your Help Brix. K-kelangan kong puntahan si Yesha" nanginginig kong sabi. Gusto kong makausap ang best friend ko.

Pababa na sana ako ng kotse ni Brix nang hawakan niya ang Wrist ko

Kaya napatigil ako

"No, kasama niya si Drew ngayon. Stay here. I need you" my heart!

dug dug dug dug

I'll stay here!! Wahhh. sigeeee

"Dito lang ako sa tabi mo Brix"

Hindi siya nagsalita. Ikaw Brix.. Tuluyan nakong na fall sayo. Pa fall ka! Pag hindi mo lang ako sinaloo. Ewan ko nalang.

Pero dibale. Handa naman akong sumugal. Basta para kay Brix. Fighting Lea!



°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

𝐕𝐨𝐭𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐜𝐨𝐦𝐦𝐞𝐧𝐭! :>
𝐓𝐡𝐚𝐧𝐤𝐬 𝐟𝐨𝐫 𝐫𝐞𝐚𝐝𝐢𝐧𝐠!
@𝐒𝐢𝐥𝐞𝐧𝐭_𝐞𝐥𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭

Sweetest Mistake [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon