CHAPTER 24

5.8K 129 2
                                    

Yesha's POV

Pagkagising ko ay agad kong chineck si Baby aivie. Mataas pa din ang lagnat niya. Napuyat ako kagabi kasi binabantayan ko siya. Buti na na lamang at Weeked ngayon, wala akong schedule ng klase ngayon kaya buo ang time ko para kay Baby aivie

Mahimbing ang pagkakatulog niya. Kumuha ulit ako ng bimpo para punasan siya. Alas otso na nang magising siya at hinanap niya agad ako. Umiyak pa nga siya nang di ako makita. E naligo lang naman ako saglit.

Pagtapos kong mapakain siya ay pinainom ko na ng gamot.

Dumating si Drew at hindi ko siya pinansin. Patuloy ako sa pag iintindi sa anak ko,

Magaling lang siya sa banat pero hindi niya naman kaya yung responsibilidad.

Nag init ako ng tubig para pampaligo ni baby Aivie. Kinakausap ako ni Drew pero hindi ako sumasagot. Pinaliguan ko na si baby aivie at salamat naman at unti unti nang bumababa ang lagnat niya.

Wala si Ate Kysha dito sa bahay kasi may outing sila ng workmates niya at 5 days daw sila ron.

Nasa loob kami ng kwarto ni Baby aivie. Nilalaro ko siya, bukas ang pinto ng kwarto kaya pumasok si Drew at naupo sa tabi ko.

Niyakap niya ako pero tinanggal ko iyon.

"Wife, sorry... Bakit hindi ka sumasagot sa tawag ko?" paglalambing nito sakin. Pero cold lang ako sa kanya.

"Nung tumawag ba'ko nang ilang beses sumagot ka?" malamig kong tugon.

Si baby aivie ay napatingin samin pero pinagpatuloy niya ang paglalaro.

"Bakit hindi ka sumama dun sa Vairee na yon? Mag usap kayo buong maghapon, maayos na ang pakiramdam ni baby aivie. Hindi ka na kelangan"

" Yesha..."

" ayos na Drew diba? Pwede ka na umuwi sa inyo" masama pa din ang loob ko. Hindi moko masisisi kung cold ako ngayon, anak namin ang pinag uusapan. Tarantang taranta ako, tapos siya pachill chill lang kasama yung babaeng yon?

Third person's POV

Sa isang sulok, habang cold na nakikipag usap si Yesha kay Drew ay dinadamdam ito ng kanilang anak na si Aivie.

'Nag aaway ba si mommy at Daddy?'
' Bakit hindi sila nag uusap nang maayos?'

yan ang nasa isip ng batang si Aivie

Kalma pa nung una si Yesha. Pero nung huli ay nagalit na ito.

Sinubukan siyang pigilan ng anak niya dahil nakikita na nitong lumuluha ang ina

"Alam mo na mahina ako Drew, kaunting dahilan lang, naiiyak na'ko. Kaya nang lagnatin si Aivie, halos hindi ako magkanda ugaga sa pag iintindi dahil sa panic, pero ano? wala ka para pakalmahin ako! Maghapon akong pagod, Drew! Hindi ko hinihiling na lagi kang nasa tabi namin, pero sana naman dumating ka kung kelan kailangang kailangan ka! Tao lang ako Drew, napapagod din ako! Magdamag akong nagbantay at nagpuyat! Tawag ako nang tawag sayo pero nang sagutin ang tawag ay si Vairee ang sumagot! anong ini expect mo sa akin na maramdaman ko ngayon! sa tingin mo natutuwa ako? Dapat pala hindi nalang kami bumalik dito ni Aivie kung ganto lang din naman pala!"

" I'm sorry okay--"

" Puro ka sorry! Kelan ka ba titigil sa kakasorry mo! May magagawa ba yang sorry mo ha!" iyak nang iyak si Yesha. Nilalapitan siya ni Drew pero pilit niya itong tinataboy, si Aivie naman na nasa gilid ay umiyak na rin nang mahina. Nasasaktan siya na makita ang ina na umiiyak.

Sweetest Mistake [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon