TWICE (44)

32 0 0
                                    

A/N: FLASHBACK STARTING FROM WHEN THEY GOT CAUGHT BY A BLOGGER.
___________________________________

TWICE - [Maoui]








“I like you.” Tila nabuhayan ako sa sinabi niya.








Magkausap kami sa telepono ngayong madaling araw. Mag t-two AM palang no'ng tawagan niya ako. Mahina lang ang boses ni Jeo sa telepono.








I roam around, inaalam kung may gising pa ba. Lahat ay mahihimbing ang mga tulog. “H-huh?”








I heard it right. Pero hindi 'ko alam ano isasagot 'ko do'n. Wala akong choice kundi mag bingi bingi-han sa sinabi niya.








I heard him sigh, “I've been meaning to tell you this.” magsasalita pa sana ako pero naunahan. “I really thought I have feelings for Yuae. But no. I just admire her talent..” he added.








Napabuntong hininga na lang ako. Ano sasabihin 'ko? Ano isasagot 'ko? Naguguluhan ako. Pero isa lang ang sigurado ako. Masaya ako na gusto ako ng gusto 'ko.








Pero tama bang sumugal ako ngayon? O hintayin 'ko na lang 'yung tamang panahon — tamang oras para sa ganito?








“Jeo..”







“It's okay,” aniya. “Saka mo na sabihin sagot mo pag.. kapag kaya mo na.”








“I'm sorry — ” Napatungo ako sa sobrang dismayado 'ko sa sarili 'ko. Binaba na rin niya ang telepono ng walang pasabi sa akin. Nagulat na lang ako at wala nang nagsasalita sa kabilang linya.








Mas napalakas ang buntong hininga 'ko at tumitig sa kawalan. I've always liked him. At first, i really thought i just admire him.. or infatuated lang ako. O dikaya ay na-starstruck lang talaga ako sa itsura niya.








But as time goes by, i realized that my feelings never left. Meaning to say, my feelings right from the very start were real. It was never fake.








I glanced to Chaesy na mahimbing na natutulog sa sofa katabi ni Dakki.








But Chaesy likes Jeo.. Inamin niya 'yon noon pa man. Ayaw 'ko namang masira kami dahil lang sa lalaki. Mas importante parin syempre 'yung pagkakaibigan namin.








“Pero paano naman ako? Paano 'yung nararamdaman 'ko?”








Tumayo ako mula sa pagkakasandal sa swivel chair at tahimik na lumabas ng dressing room. Dahan dahan 'kong sinasara ang pinto pero bago 'ko pa tuluyang maisara ay may tumawag sa pangalan 'ko kaya bigla ako napaharap.








“B-Bam.. Naj?” i glanced to our dressing room saka sa kanila. “Bakit kayo nasa labas?”








Sumulyap ng tingin si Naj, “Sasama lang sana ako sa pag bili ni BamBam sa labas. Ikaw?”








“Ah.. Uhm.. mag papahangin lang sana.”








“Sumama ka na lang rin sa amin.” ngiting sabi ni BamBam.








Hmm, gusto 'ko rin naman talaga na lumabas since ando'n 'yung talagang hangin na gusto 'ko malanghap. Kaya tumango ako at nag simula nang mag lakad.








The BangTwice's Destiny (Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon