Nagparaya by Patricia Rivera

97 4 0
                                    

Nagparaya
Patricia Rivera

"Ang hirap kapag ikaw 'yung klase ng tao wherein you get anything you want. Pero siya? Hindi mo makukuha, kasi hindi puwede."



Una, thank you kay Papa God sa super powers na ipinagkaloob niya sa 'kin.

Kay Kuya Jahr at sa contest na inorganisa niya na naging daan upang matupad ang isa sa aking mga pangarap.

Sa mga co-writers kong magaganda at guwapo. Sa mga magulang ko lalo na kay Tatay.

Sa mga BFFs ko at higit sa lahat sa taong naging inspirasyon ko habang isinusulat ito. Sagad to the bones na pasasalamat.

-Patricia Rivera



In my eighteen years of existence in this world namuhay akong walang ibang iniisip kundi ang sarili ko, I don't even care about other people's feelings, how would they react or what they are going to think about me, basta ako I'm living my life to the fullest. Until one day, I met this guy named Marco, the guy that changed my life. Hindi ko mapigilang mapangiti sa tuwing naaalala ko kung paano kami nagkita noon, kung paano niya binago ang pananaw ko at ang buhay ko.

Nakakatuwang isipin na napagkamalan ko siyang akyat bahay noong unang beses ko siyang nakita sa loob ng condo unit ko. Imagine paano siya makakapasok gayong hindi ko siya kilala at hindi niya alam ang code ng pintuan ng condo ko. It's either he's a member of akyat-bahay gang, ay mali, este akyat-condo gang nga pala or I left my door open then pumasok siya sa loob ng walang kahirap-hirap. I screamed, calling for help, pinagsasapak ko din siya at pinagtutulak palabas ng condo but he was too strong kaya kahit na anong pilit kong pagtulak sa kanya ay wala akong magawa, niyakap pa niya ako and I couldn't do anything kundi ang magpumiglas at amuyin ang napakabango niyang pabango, yeah, I won't deny the fact na inamoy-amoy ko siya noon, kahit naman yata sinong babae 'yun ang gagawin. Mabuti na lang at lumabas si Mommy bago ko pa masinghot ng buhay si Marco. Mother explained everything to me, ipinakilala niya sa 'kin ng maayos si Marco, na anak ito nang naging Yaya ni Mommy when she was a kid at mag-aaral ito sa paaralan na pinag-aaralan ko, he will be my bodyguard, and he will stay with me here in my condo. At first, I was hesitant to agree with her plan because I can't do whatever I want na, I can't go out in the middle of the night to have fun with my fake friends and lastly ayoko ng may lalaki sa bahay. Subalit dahil sa matinding pananakot ni Mommy at sa benefit na maaari kong makuha kung nandito si Marco ay napapayag niya na din ako.

Sa unang linggo na magkasama kami, wala siyang ibang ginawa kundi punahin ang lahat ng ginagawa ko, nakakaasar! Eh di, siya na 'yung magaling! Siya na 'yung marunog maglaba, siya na 'yung matipid, siya na 'yung masarap magluto, siya na magaling maglinis ng bahay, siya na ang matalino, siya na! Sa kanya na ang korona! Laking probinsiya kasi siya kaya marami siyang alam! I hate the way he moves, I hate the way he talks, nakakaasar siya sagad hanggang buto. Aside sa kanya, galit din ako sa mga babaeng lapit nang lapit sa kanya. Like duh?! He's not that guwapo kaya! Okay, may hitsura siya, matangkad, ika nga nila he's a typical tall, dark and handsome guy, pero hindi pa rin 'yun dahilan para habul-habulin siya.

Lumipas ang mahigit anim na buwan, somehow naging close kami sa isa't isa, he taught me how to wash our dishes, how to do my laundry, how to cook my own food, at lahat ng puwede kong malaman. Lagi siyang nasa tabi ko para alalayan ako, lagi niyang sinasabi na kaya ko ang lahat basta magtiwala lang ako sa Diyos, ipinakilala niya sa 'kin kung sino ba talaga si God, mas napalapit ako sa Diyos dahil sa kanya. Mas lalo ko siyang nakilala at lalo akong naiinis dahil sa mga nalaman ko at nararamdaman ko. Bakit ba kasi napakabait niya, bakit ba napakaresponsable niya, at bakit ba 'ko nagkaroon ng gusto sa kanya?

I can't fall in love with him. I can't love a guy like him. Noong mga oras na 'yun pinilit kong lumayo sa kanya, pinilit kong ibinaling sa ibang bagay ang atensyon ko. Sa tuwing dadaan siya sa left wing ng corridor sa right ako dadaan, kapag kakausapin niya ako tango at iling lang ang sagot ko, pero kahit na ganoon hindi ko pa rin talaga mapigilang mahulog sa kanya. Hindi ko mapigilang mahalin ang isang katulad niya. Sinubukan niya akong kausapin kung ano daw ba talaga ang problema ko. Kung bakit ako lumalayo sa kanya, noong mga oras na 'yun hindi ko na napigilan pa, nasabi ko sa kanya ang totoo kong nararamdaman. Mababakas sa mukha niya ang pagkabigla at pagkalito, hindi ko naman siya masisisi kahit yata sino ay mabibigla dahil sa sinabi ko. A girl who knows nothing but to have fun is confessing about her feelings for her bodyguard. 'Di ba? You will be shock once you hear it. I could still remember how he held my shoulders firmly. I thought that he would say something good or he would kiss me, I thought the he would confess his feelings, too. Na sasabihin niya mahal niya din ako at nato-torpe lang siya. But I was wrong, noong mga panahon na 'yun ko lang na-realize ang mga salitang, "Huwag umasa, nakamamatay."

Jahric Lago Presents: Dreamlovers (Published under TBC Publications)Where stories live. Discover now