*Author's Introduction*
Para sa iyo, ano nga ba ang pagkakaibigan??
Paano ba magkaroon ng kaibigan??
Nabibili ba ito ng pera??
Kusa ba itong dumarating??
O Wala ka lang kaibigan??
-♡-♡-♡-♡-♡-♡-♡-♡-♡-♡-♡-♡-♡-♡-
Ako nga pala si Iracebeth Hu. Simula pagkabata lagi na lang sarili ko ang iniisip ko. Wala akong paki alam sa mga nasa paligid ko. Maliban sa pamilya, yaya at mga drivers namin. Gayun na din sa kababata kong kapit bahay ko.
Ngunit nagbago ako nang makilala ko ang mga kaibigan ko na nagpabago sa paninindigan ko bilang estudyante at bilang tao.
Kaibigan, para sa akin ang salitang ito ay walang kapantay. Sila ang mga taong handang damayan ka sa oras ng kalungkutan mo. At suporthan ka sa lahat ng katarantaduhan mo.
Kabilang ako sa isang tropa na binubuo ng 13 miyembro, 9 na babae at 4 na lalaki. Nagmula kami sa iba't ibang paaralan noong kami ay elementary pa lang.
Ngunit magkakakilala na kami dahil magkakakaklase kami sa isang programa na nagtuturong magkarate at mag-arnis.
At nang maghigh school kami ay nagsama-sama kami sa isang section. At doon na nga nabuo ang tropa naming TROPANG KALOG. Bawat isa sa amin ay may kanya kanyang katangian:
1. Thea Lintan- handang magparaya para sa mga minamahal
2. Iracebeth Hu- handang tumulong at lumaban para sa mga kaibigan at minamahal
3. Calie Dee- hindi marunong mang-iwan ngunit handang magpa-iwan
4. Annie Smith- mapamaraan sa lahat ng pagkakataon
5. Gabbi Lopez- handang tumanaw ng utang na loob kahit buhay ang kapalit
6. Kath Vernard- may lihim na pagtingin sa isa sa tropa pero di kayang aminin, mahilig din mag-aya para maglamon
7. Chrisabel Potter- pinangangalagaan ang kanyang kaligtasan ngunit sa huli handa na ring sumugal para sa kaligtasan ng kaibigan
8. Kylie De Leoz- athlete in the outside pero takot in the inside
9. Lian Padilla- binabalewala ang sakit para sa mga kaibigan
10. Kelvin Lim- war freak pero may ginintuang puso
11. Lorenz Garcia- handang magmahal kahit hindi kayang suklian ng pagmamahal
12. Edward Lary- masama ang ugali pero protective sa tropa
13. Michael Avelino- handang masaktan para sa taong minamahal
Sino ka ba sa amin, si Kath, ako, si Calie o si Gabbi?? Kung nakapili ka na kung sino ka sa amin ay siya ang gagampanan mong karakter sa aming tropa.
Ngunit kung wala ka naman sa aming tropa, ay icomment mo na kung anong klase kang kaibigan.
Samahan niyo ako at tingnan natin kung hanggang saan aabot ang inyong napiling karakter.
Malaki ang gagampanang tungkulin ng bawat isa sa amin sa haharapin naming kaguluhan dahil sa pagmamahal namin sa isat isa.
Bilang isang tropa, hindi kami nawawalan ng kaaway dahil isa kami sa pinakang sikat na grupo sa school namin.
Anak din kami ng mga kilalang mga tao kaya natural lamang na maraming kumakalaban sa amin.
Dahil sa mga kaaway na ito ay ipinadukot nila kami at dinala sa isang abandonadong hospital upang pahirapan at takutin.
At upang subukin ang pagmamahal at pagtitiwala namin sa isat isa. Sa sitwasyong ito rin nasubok ang tibay ng aming pagtutulungan.
Pakinggan ninyo ang naging kwento ng aming pagtutulungan sa gitna ng aming kakaibang kalbaryo.
BINABASA MO ANG
Ward 26
Misteri / ThrillerIsang makapangyarihang sandata ang pagkakaibigan. Walang makakapantay sa pagmamahalan ng magkakaibigan. Maaalala mo sa kwentong ito ang mga pinagdaanan ninyo ng tropa mo. Mararanasan mo sa kwentong ito kung papaano pahalagahan ang mga tropa mo. Mare...