Tanasia POV
Kinuha ni clarc ang kamay ko at nilagay nya sa binti nya, napalunok ako ng makita ko ang hawak nya, nakita ni clarc ang reaksyon ko kaya napangiti ito saakin.
"Bakit parang kinakabahan ka?"nakangiting sabi ni clarc
Una sa lahat ay hindi ko alam kung ang tinatanong nya ay yung nararamdaman ko sa kanya o yung alcohol na hawak nya
"wala,s-sige lagyan mo na"napapikit ako dahil nauutal na ako
Dahan dahan akong tumingin sa kanya, kinuha nya ang kamay ko at dahan dahan nya itong lalagyan ng alcohol
Napatingin ako sa gilid para hindi nya makita ang reaksyon ko sa sakit
"ano? Okay kalang?"nag aalala nitong sabi
"oo bumalik kana sa table mo..."sabi ko sa kanya na sa gilid parin nakatingin
Kinuha nya ulit ang kamay ko at nilagyan nya ng bandage at dahil dun ay nakahinga nako ng maayos
Biglang bumukas ang pintuan at agad na bumungad si margo
"ehem ehem!! Ano yan! Tsk tsk"sabi nito at umiiling-iling pa
Tinignan ko ito ng masama at hindi naman to nag patigil
"may pahawak kamay pangnalalaman"sabi ni margo saamin
"margo ikaw nga ang may kasalanan nito.."sabi ni clarc kay margo
"A-anong akooo!!!?"sabi nito saakin at nakita nya ang kamay ko
"kahit kailan talaga sinungaling ka Tan"sabi ni margo at lumapit saakin
"wala naman to ehh itong si clarc lng naman ang makulit hindi naman ako humihingi ng tulong"sabi ko kay clarc
"ahh so ako may kasalanan?"sabi ni clarc saakin
Natawa nalang kaming dalawa ni margo dahil lagi namin ginaganyan si clarc
"so ano na?? mag shot naman tayo mamaya sobrang busy mo kasi lagi tan eh ito namang si clarc lagi nandyan lng nakatunganga"sabi ni margo saakin
"sige lng dun tayo sa paborito nating bar"sabi ko kay margo
Nagulat ako ng biglang nangisay si margo sa tuwa
Kahit kailan may sayad tong babaeng to
"oh alis na pumunta na kayo sa kanya kanya nyong pwesto at baka akoy mabadtrip pa at masira ang plano"sabi ko sa kanilang dalawa
At hindi nagtagal ay lumabas nadin sila at ako naman ay busy sa mga papeles ko, ung isang copy ay tinago ko para pag nawala itong isa ay mayroon pa akong isa
Para saakin ay madali nalang lahat ng ito dahil sanay nako sa mga ganitong kaso sa mga rapist,magnanakaw,at maslalo na sa mga mamamatay tao.
Binasa ko lahat ng motibo na binigay saakin at maya maya lng ay may pumasok na babae
"kayo po ba si Tanasia Kaye Gozeles?" tanong saakin ng babae
"ako nga.."sabi ko dto
Pero nagulat ako ng bigla itong umiyak sa harapan ko
"kaylangan ko po kayo, kasi po sa apartment ko may napapansin na po ako na may nagmamasid saakin sa pagligo at sa pagbibihis ko"sabi ng babae saakin
Binigyan ko sya ng tissue
Ewan ko ba kung bakit minsan ganito ang lumalapit sakin bat ayaw nila sa mga police tshh...
"may kasama ba kayo sa apartment?"sabi ko sakanya
"w-wala po"sabi nito na medyo tumahan na sa pag iyak
"may motibo kabang dala kung may nagmamasid ba talaga sayo?"tanong ko dto at tumango naman ito at may nilabas sa bulsa na usb at damit.
"wala kabang boyfriend o anomang bumibisita sa apartment mo?"sabi ko dto
"wala po akong boyfriend at wala pong bumibisita sa apartment ko dahil nasa probinsya po ang mga magulang ko at wala po akong relatives dto"sabi ng babae, tumango nalang ako bilang sagot
"ako po si Clave Monales"sabi ng babae sabay ngiti
"okay ako na po bahala"sabi ko dto at nagpasalamat sya at umalis
Kinuha ko ang usb na bigay nya at sinasak ko ito sa computer ko pinagmasdan ko, nakita ko si clave ng nakahiga sa kama nya na patay na ang ilaw at madilim, sa gilid ng kabinet nya ay parang may gumagalaw at maya maya lng ay may lumabas na lalaki at lumapit ng bahagya kay clave nag hubad na ito ng pantaas na damit nya at bigla itong nataranta ng biglang gumalaw si clave at naalimpungatan dahil dto ay tumakbo ang lalaki at lumabas ng kwarto ni clave at naiwan nya ang damit nya.
Tshh kahit kailan talaga ang ibang lalaki ay parang mga walang utak o hindi kaya ay nakadroga lng
Napatingin ako sa oras ng hindi ko namamalayan na 7:30 na ng gabi
Saktong uwian naKumatok bigla si clarc sa pinto ko at tinanguan ko lng sya
Nag ayos nako ng gamit at dinala ko ang bag ko at kinuha naman saakin ito ni clarc.
"ang babagal nyo!may paganyan ganyan kapang nalalaman clarc"sabi ni margo na naka abang na sa elevator
"yan jan ka magaling tapos pag dumadating ka late!"pa sigaw kong sabi sa kanya, nag pamewang lng ito at tinignan nya ako sa mata na parang nangaasar
Agad kong tinaas ang aking kilay at sinamaan sya ng tingin, hinila nya ako at pumasok na kami sa elevator
Una sa lahat ewan ko bakit pag pumapasok kami sa elevator ay sobrang tahimik at pangalawa naman ay ayaw ko ung feeling pag nakasakay sa elevator hanggang ngayon ay hindi talaga ako sanay sa ganito kaya pag mahaba pa ang oras ko pag papunta sa office ko ay nag hahagdan pa ako.
Nung nasa parking lot na kami ay nag hiwalay kami dahil may kanya kanya kaming kotse maliban nalang kay clarc na naka motor dahil mas gusto nya daw ng mahangin
Ang saya talaga sa pakiramdam pag magkakasama kaming tatlo at pupunta kami sa pinaka paborito naming puntahan pag napapagod na kami sa trabaho,pupunta kami sa bar...
YOU ARE READING
My Perfect Lawyer
ActionSi Tanasia ay isang mahigpit at maldita na lawyer kinikilala din siyang "santanasia" ng iba niyang mga katrabaho dahil sa ugali niyang hindi maipinta.