Pagpasok ni Luhan sa school agad siyang sinalubong ni Baekhyun at Kyungsoo.
"Luhan, dapat di ka na pumasok" sabi ni Kyungsoo.
"bakit naman!?"
"alam mo bang marami ng nakakaalam na ikaw ang pipigil sa propesiya? it means maraming demons na ang naghahanap sayo ngayon." dagdag ni Kyungsoo.
"nakakaloka!look I told you guys bad idea talaga ang pumasok!" sabi ni Baekhyun tumingin sila kung saan siya nakatingin si Baekhyun. Nakita nila si Kai, Chanyeol at Sehun na nakaabang sa entrance ng school nila. Agad hinila ni Baekhyun at Kyungsoo si Luhan para magtago sa likod ng plantbox na may matataas na halaman.
Nag form sila ng circle para magplano.
"Luhan delikado na talaga, for sure ikaw ang hinihintay nila"Tumingin ulit si Luhan kung saan nakapwesto ang Demons. Nagtama ang mga mata nila ni Sehun na siuang kinagulat nila pareho.
Umalis ka na.
Nagulat lalo si Luhan dahil nabasa niya kung anong iniisip ni Sehun.
Magtago ka at wag kang magpapakita sa kahit sino sa amin.
Patuloy niya sa pagbabasa ng iniisip ni Sehun.
Nagpasalamat si Luhan sa isip niya kahit hindi niya alam kung mababasa ba yun ni Luhan. Kahit ano pa yun isa lang ang sigurado si Luhan, kakampi niya si Sehun sa laban na ito.
"Luhan tara na!pumunta nalang tayo sa headquarters" sabi ni Kyungsoo. Tumango lang si Luhan bilang tugon, pero nago pa man sila umalis tumingin ulit siya pabalik kay Sehun kaso kausap na niya si Kai.
Paalam, mag-ingat ka.
———————————————
Nagkakagulo na ang lahat dahil nalaman na ang propesiya, nagkalat ang mga demons sa paligid yung iba naka disguise ng pagiging tao at ang iba mga halimaw silang lumilipad sa paligid. Kaya dinala si Luhan nila Baekhyun at Kyungsoo sa Vampire Headquarters, dinala din nila ang Mama ni Luhan sa isang infirmary dahil hanggang ngayon nanghihina pa rin siya. Kasalukuyan siyang inaalagaan ni Doctor Kim Minseok kaya panatag ang loob ang loob ni Luhan."Luhan tara na, mag uumpisa na ang meeting" aya ni Baekhyun kay Luhan kaya sumunod ito sa kanya. Pagpasok sa isang conference room sumalubong sa kanila si Kyungsoo at ilang mga Humans at Vampires na tulong tulong na haharapin ang mga Demons.
"I'm Kim Junmyeon Leader of Vampires." pakilala ni Junmyeon kay Luhan bago ito pumunta sa gitna at humarap sa mga kaalyansa niya.
"so alam naman natin na hinahanap ngayon si Luhan ng mga Demons sa labas at bukod tanging plano natin ay" tumingin si Junmyeon kay Luhan. "protektahan siya, kahit anong mangyari wag siyang ibibigay sa mga Demons. Oo may tendency na sumugod sila dito kapag nalaman nila na nandito si Luhan at kapag nangyari yun take all the Demon's claws and fangs coming at Luhan, understand?" paglilinaw ni Junmyeon."sir! yes sir!" sigaw ng mga vampires sa loob ng conference room, habang si Luhan ay tahimik lang at walang imik. Masyado siyang na-overwhelmed sa pwersa at alyansa na sama samang gusto siyang protektahan.
"maximize the security around the headquarters, as much as possible walang lalabas at papasok dito.. nakausap ko na ng head ng mga demon headhunters sila na daw ang bahala sa mga tao at vampires na nasa labas Kyungsoo monitor mo pa rin sila kung ano na ang lagay sa labas"
"Yes sir!" sagot ni Kyungsoo tumingin si Luhan sa kanya pero nag thumbs up lang siya dito at ngumiti.
"that's all basta tandaan niyo na lagi niyong i-prioritize si Luhan wala ng iba." muling paalala ni Junmyeon.
"Yes sir!" sigaw nila bago tuluyang tumayo at pumunta sa kani-kanilang post at mission.
"Luhan stay here." sabi ni Junmyeon, tumingin muna si Luhan kay Baekhyun at Kyungsoo pero nag thumbs up lang sila kaya umupo nalang ulit si Luhan.
"we need to quarantine you, alam ko mahirap to pero gusto ko lang masiguro na hindi ka makukuha ng mga Demons." napansin ni Luhan ang malungkot na expression ni Junmyeon kapag binabanggit ang tungkol sa mga Demons.
"okay lang yun para sa akin naman to, wag kayong mag alala ako na ang bahala lahat gagawin ko para sa lahi natin." ngumiti si Junmyeon kay Luhan pero halata pa rin ang pag aalala at para bang may iniisip siyang mabugat sa pakiramdam.
"May problema ba?""wala, nalulungkot lang ako kasi di ako makapaniwala na mawawala na ang lahi na lubos na kinatatakutan ng lahat"
"bakit malungkot ka? diba dapat masaya ka pa?"
huminga si Junmyeon ng malalim.
"kasama kasi ang isang kaibigan doon.""oh I'm sorry." Hindi na din maiwasan ni Luhan malungkot dahil naalala niya si Chen, kahit papaano naging malapit na siya dito at nakakapanghinyang na naging Demon pa siya.
"Hindi naman talaga masama ang mga demons, puno lang ng galit ang mga puso nila kaya nakakagawa sila ng mali sa iba..alam mo bang matalik kong kaibigan si Lay bago siya maging leader?"
"talaga? pero paanong nangyari yun vampire ka tapos demon siya."
"dahil ako ay anak ng isang pinuno noon na si Lexa hindi ako pinapayagang lumabas ng headquarters na 'to kaya palihim akong tumatakas kapag may carnival na malapit sa headquarters doon ko nakilala si Lay katulad ko tumatakas din siya kilala ko siyang bilang anak ni Luxus pero imbes na matakot ako sa kanya ginawa ko siyang kaibigan at dahil na rin siguro parehas kami ng pinagdadaanan kayaa nagkasundo kami hanggang sa naging madalas na kaming tumatakas para pumunta sa carnival, halos lumaki kami ng sabay ng walang sino man ang nakakaalam hanggang sa dumating ang labanan ng demons at humans namatay si Luxus kaya naging bagong pinuno si Lay at simula nun hindi na kami nag kita pa..kay naniniwala ako na hindi sila masama nauunahan lang sila ng takot at galit kaya nagiging agresibo sila."
Parang si Chen at Sehun, mga Demons sila pero tinutulungan nila si Luhan.
"Luhan, hanggat maaari wag kang makikipag kaibigan sa mga demons baka maapektuhan ang desisyon mo..sila ang mawawala ayon sa propesiya at wag na wag mong pipigilan yun."
"yes, Sir." sabi ni Luhan kahit may mga doubt sa dibdib niya at pagaalala.
*****

BINABASA MO ANG
Breaking the Prophecy [ EXO FANFIC ]
FanfictionAng mundo ay nahahati sa tatlong lahi; tao, bampira at mga demonyo.