Sa Demon HQ
Kinaladkad si Sehun at Kai ng apat na Devamp, binuksan ng isa sa kanila ang isang malaking pinto papasok sa kulungan na nakalagay sa ilalim ng HQ ng mga Demons.
Puno ng kaba ang dibdib ni Sehun at Kai dahil sa mga pwede nilang makita sa loob. Pagpasok nila sa loob nanlumo si Kai nung makita niya si Kyungsoo na nakasabit may kadena sa mga kamay nito at halos wala ng malay maya't maya pinapalo ito ng mga Devamp gamit ang latigo, ganun din ang ginagawa sa iba pa nilang kaibigan para silang mga baboy na nakasabit habang pinapalo.
Nagtaka si Sehun dahil wala si Luhan, kaya mas lalo siyang nagalala.
"oh may bagong salta kaibigan niyo ang mga to diba?" sabi ng Devamp na nakahawak kay Sehun. Tumingin si Chen, Minseok, Kyungsoo, Chanyeol at Baekhyun kay Sehun at Kai, pero agad naman silang umiwas ng tingin na para bang nawalan na sila ng pag asa na makalaya pa.
"okay since overcrowded na sila I need you two guys to pick two of your friends na ibaba para mag pahinga muna..tapos kayo ang papalit sa kanila." sabi Tiffany leader ng mga Slavery Squad, ang Slavery Squad sila ang mga Devamp na nagpaparusa sa mga lumalabag sa kautasan ni Master Kris o kapag may ipinautos siyang parusahan.
"CHOOSE NOW!" sigaw ni Tiffany gamit ang matining niyang boses na umalingawngaw sa buong selda.
"Baekhyun" mabilis na sagot ni Sehun dahil mas deserve nito ang magpahinga lalo na ngayong buntis ito. Tumingin si Sehun kay Baekhyun, pagod na pagod na ito, tapos kay Chanyeol na may mga ngiti sa labi. Nagpapasalamat siya na hindi na mahihirapan si Baekhyun at ang baby nila.
"how about you? Kai right?" nagulat ang lahat sa kwarto ng biglang lumapit si Tiffany kay Kai, pinulupot nito ang kamay sa leeg ni Kai at sobrang lapit ng bibig nila sa isat isa. Pinipilit umiwas ni Kai kaso pilit pinatitingin siya ni Tiffany sa kanya, nag pupumiglas si Kai pero mahigpit ang mga posas niya.
Palapit na ng palapit ang labi ni Tiffany kay Kai ng biglang magsalita si Kyungsoo.
"EXCUSE ME KAILANGAN NA NIYANG PUMILI" sabat ni Kyungsoo dahil sobrang uncomfortable ng nakikita niya tumingin si Kai kay Kyungsoo tapos sumenyas siya na piliin ni Kai ang kalapit niya na si Minseok.
"pipiliin ko si...kyungsoo" Nagulat si kyungsoo kaya pinandilatan niya ng mata at tinuturo yung nasa kanan niya. "....yung nasa kanan ni Kyungsoo" sabi ni Kai, dahil hindi niya kilala ang tinuturo nito.
"boyfriend mo ba si Kyungsoo?" bulong ni Tiffany sa tenga ni Kai.
"bakit ba ang dami mong tanong? nakapili na ako so pwede ba pakawalan mo yung mga pinili namin?" inis na sabi ni Kai, lumayo si Tiffany sa kanya pero hindi pa rin siya satisfied.
"you still got that demon hot temper inside you..I like it" hinawakan ni Tiffany yung pisngi ni Kai at agad na hinalikan sa labi, pinilit lumayo ni Kai kaso sadyang malakas ang Devamp. Nagulat ang lahat ng nasa loob ng selda, lalong lalo na si Kyungsoo na hindi makapaniwalang may ibang humahalik sa taong mahal niya.
"okay, tie them up!" utos ni Tiffany pagkatapos ng halikan nila. Binaba ng mga alagad niya si Minseok at Baekhyun tapos nilagay sa isang selda at pumalit sa pwesto si Sehun at Kai.
"thanks for choosing him...he really needs a break" sabi ni Chen kay Kai, dahil sa wakas hindi na masasaktan ang mahal niya.
Ngumiti lang si Kai, tapos bumaling siya kay Kyungsoo na nakatingin lang sa malayo gustong gusto niyang hawakan ang kamay nito at sabihing 'okay lang ang lahat' pero halata sa mga sugat niya na hindi okay ang lahat at hindi niya magawang hawakan si Kyungsoo dahil sa kamay na nakaposas sa kanya.
"Kyungsoo, I'm sorry" sabi ni Kai, with full of sincerity and regrets.
"this is all your fault! Kung hindi ka umalis, kung hindi mo ako iniwan, kung hindi umalis kayo ni Sehun dapat wala kami dito...nahihirapan!" pinigilan ni Kyungsoo ang mga luha niya dahil alam niyang walang pupunas nito,
"I'm sorry" yun lang ang nasabi ni Kai, dahil tama ang lahat ng sinabi ni Kyungsoo.
"thank you Sehun...I mean not that I'm happy that your getting the punishment pero salamat sa pagpili kay Baekhyun." sabi ni Chanyeol, hindi niya matiis na pinahihirapan si Baekhyun feeling niya nasasaktan din pati ang baby nila sa loob.
Ngumiti lang si Sehun dahil alam niya na kung si Chanyeol ang nasa kalagayan niya ganun din ang gagawin niya.
"nasaan si Luhan?" bulong ni Sehun kay Chanyeol, pero hindi siya nasagot nito dahil nag start na silang parusahan gamit ang pag lalatigo sa likod nila.
Maya't maya ang tingin ni Kai kay Kyungsoo na nakagat lang sa ilalim na labi niya para bang tinitiis ang bawat pilantik ng latigo sa likod niya. Gustong gustong saluhin lahat yun ni Kai dahil mas nasasaktan pa siya na makitang nasasaktan si Kyungsoo.
"STOP!" utos ni Tiffany kaya naman tumigil sa palo ang mga alagad niya sabay na sabay dumanak ang pawis sa mga bihag at mga ilang dugo sa likod nila.
"so tatanungin ko ulit kayo! Nasaan si Luhan?" tanong ni Tiffany na siyang kinagulat ni Sehun at Kai dahil akala nila nahuli na nila si Luhan.
"haah haaah wala si Luhan dito?" hinihingal na tanong ni Sehun.
"tatanungin ko ba kung nandito siya?" galit na tugon ni Tiffany "PARUSAHAN SIYA!" utos ni Tiffany kaya nag umpisa nanaman na paluin sa likod si Sehun, pero imbes na masaktan natutuwa pa siya dahil hanggang ngayon ligtas pa rin si Luhan.
"I think he is being tickled, LAKASAN NIYO PA HANGGANG UMIYAK SIYA!" dagdag na utos ni Tiffany dahil naiinis siyang natutuwa pa si Sehun. Inumpisahan na ng mga alagad niya paluin si Sehun pero hindi pa rin maalis sa mga labi nito ang pagngiti.
Ngayon alam na ni Sehun kung bakit ganun ang itsura ng kapatid niya dahil hindi pa rin pala niya nahuhuli si Luhan, mas nagkaroon ng pag asa si Sehun na mawala ang mga Demons sa mundo.
****
Selucent's 2018 notes:
Hi everyone! I recieve violent reactions from the previous chapter hahaha sorry na! Pero eto new chapter! Mamaya ulit yung isa o kaya mag three update ako kapag sinipag ako hahaha!
Thank you for Reading!Kita tayo sa susunod na kabanata!
Don't forget to vote and send some feedback! Thank you!Love, selucent.

BINABASA MO ANG
Breaking the Prophecy [ EXO FANFIC ]
FanfictionAng mundo ay nahahati sa tatlong lahi; tao, bampira at mga demonyo.