D-2 before the 30th sunrise
Devamp Underworld
"nag dadalawang isip ka." puna ni Kris sa nakatulalang Lay, napaangat ito sa tronong kinauupuan niya nung dumating ang devamp.
"No I'm not." sabi ni Lay na may pag aalinlangan.
"nahalata ko simula nung dumating si Junmyeon dito nawawala ka sa sarili mo Lay, kaya wag mo akong niloloko."
"instinct lang 'to, remember kinagat niya ako pero hindi nun mababago ang desisyon ko maniwala ka sa akin." sabi ni Lay, sumandal ito sa trono niya at pinag masdan si Luhan at Sehun na natutulog sa loob ng kulungan. Nakaunan si Luhan sa dibdib ni Sehun na nakayakap sa katawan ni Luhan.
"siguraduhin mo lang kundi ako mismo ang papatay sa kanya kapag nalaman ko na may binabalak kang tumalikod sa plano natin." napatayo si Lay at biglang kinuwelyuhan si Kris nagpalitan sila ng galit na expression.
"subukan mo kundi ako ang papatay sayo." madiin na sabi ni Lay, pero imbes na matakot si Kris tinawanan siya lang nito at sabay tinulak.
"wag kang umasta na mas malakas ka sa akin.." sabi ni Kris habang pinapagpag ang nalukot na damit, nakangisi itong iniwan si Lay na puno ng inis kay Kris. Inaamin ni Lay na mas malakas si Kris sa kanya, pero hindi niya uurungan ang Devamp kung may gawin ito kay Junmyeon.
****
11PM
Naglibot libot na si Yoona sa paligid ng kastilyo ni Kris para pag aralan ang daan niya papunta sa control room nila sa ilalim ng mismong kastilyo.
Napansin ni Yoona na mas marami ang devamp na nakapaligid sa kastilyo at kung susugod siya mismong control room ay nakasisiguro siyang mamamatay siya.
"Yoona!" napatigil sa paglalakad si Yoona at lumingon, nakita niya si Minho isang Devamp nakasabay niya ito sa training. Hindi gusto ni Yoona ang tabas ng dila ni Minho dahil ito ang pinaka mayabang sa buong batch nila dati. "it's nice to see you back, saan ka galing?"
"wala ka na dun." naiinis na sabi ni Yoona.
"still cold huh? anyway, gusto mo bang sumama sa control room? I can give you a tour inside, ako na kasi ang pinakatiwalaan ni Master Kris na mag bantay ng security sa buong Underworld!" pagyayabang ni Minho, hindi nagustuhan ni Yoona ang tono ng pananalita ng binata pero binalewala na niya ito dahil mas pinadali ni Minho ang trabaho niya.
"wow talaga ang galing mo naman, sige nga patingin ako." sabi ni Yoona kahit ayaw na ayaw niyang kino-compliment si Minho dahil mas lalong lumalaki ang ulo nito.
"of course ako pa! I am the most trustworthy Devamp here!"
"And the most stupid" bulong ni Yoona hindi ito narinig ni Minho kaya naglakad na sila pababa sa control room, pagbaba nila sa hagdan sumalubong agad ang isang hallway papunta sa isang pintuan. May dalawang Devamp na nakabantay sa tabi ng pintuan at bumati sila kay Minho.
"Sir Minho sino po siya?" tanong ng tagapagbantay.
"she's my friend" sabi ni Minho, alam ni Yoona na nag dududa ang dalawang Devamp na nagbabantay.
"okay Sir, pero kailangan niyang iwan ang sandata niya sa labas."
Bumuntong hininga nalang si Yoona habang hinuhubad ang samurai sa katawan niya.
"here!" sabi ni Yoona habang inaabot ko yung samurai dun sa nagbabantay ng pintuan.
"okay you got it so pwede na kaming pumasok?" binuksan ng mga tagapagbantay ang pinto nakatingin ng masama kay Yoona ang dalawang devamp pero binalewala lang ito ni Yoona. Pag pasok nila sa loob namangha agad si Yoona dahil sa lawak ng control room, napapaligiran ito ng mga screens na aabot bente at lahat yun CCTV sa ibat ibang parte ng underworld may mga buttons din na kung ano ano.

BINABASA MO ANG
Breaking the Prophecy [ EXO FANFIC ]
Fiksi PenggemarAng mundo ay nahahati sa tatlong lahi; tao, bampira at mga demonyo.