Prologue

11 1 0
                                    

Lexi's POV

          Wahhh! Kasal na pala ni Mico mylabs bukas. Hindi ako maka get over! Akalain mo yun, akala ko talaga kami in the end. Pero hindi eh, kasi sa hindi inaasahang pangyayari, naging sila pa ng bestfriend ko! Ang saklap diba? Akala din ng iba okay na lahat pero hindi pala.

          Pero ano pa nga bang magagawa ko? As their beloved friend, oo kaibigan ko silang dalawa. Best friends kaming tatlo to be exact. Wala naman akong ibang magagawa kundi ang sumoporta sakanila ehh. As if I can do anything to stop their wedding. Kung sana lang talaga ako nalang ehh, kaso hindi talaga.

          Isa lang ang masasabi ko sa kasal nila bukas. Ay hindi! Madami pala akong masasabi sa kasal nila. Unang una, hinding hindi ako mag eenjoy sa araw na yun! Ikaw ba magiging masaya ka kapag ung mahal mo kinakasal na sa iba? Tapos invited ka? Mayghad Lexie kaka stress baka liparin bangs mo!

          Pangalawa wala akong balak tingnan ung kissing scene nila sa harap ng madaming tao! Like OMG nakakahiya kaya makipag halikan sa harap ng madla! Pangatlo iinom ako ng maraming wine at alak dun kung meron man, ayokong may pipigil sakin kasi buhay ko toh. Walang pakialamanan! Pang apat, kakain ako ng kakain ng pagkain dun na parang huling araw ko na. Wala nakong pake kung tataba ako.

          And last but not the least. Sana may makilala ako dung isang tao. Hindi lang basta tao, pero yung kaya kong ipalit kay Mico babes. Yung worth it na ipalit sa lalaking di pala talaga ako mahal gigil ako ehh. Sana din kapag merong dumating, yung kaya sana akong pasayahin ng mas higit sa kaya ng iba, maiintindihan pagiging responsible kong kapatid at anak kay mama. Kung meron lang. Bahala na basta kasal na bukas!

Love at first CatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon