Band-aid
Elaine Trinity Lee's POV
Nakadungaw si Chester sa bintana habang hawak ko ung mga pagkain at towel namin.
"Tara tara! wala na!" sabi nito at lumabas na kami ganun din ang iba namin tropa.
Pumunta kami sa may pool area ng retreat house. Ayos din 'tong retreat house na 'to eh nasa tabing dagat.
Nagkakasiyahan kami ng biglang dumating si Hailey.
"Ginagawa mo dito?!" galit na sabi ko sakanya.
"Bakit? Sayo ba 'tong beach?" tanong nito at nilampasan ako at dumiretso kay Chester na kadaldalan ung boys.
"Ako talaga nagtitimpi nalang sa babaeng yan" sabi ni Kenzie habang lahat kami nakatingin sa naglalakad na si Hailey papunta kila Chester.
Tumunga ako sa can na dala namin habang pinag-mamasdan si Chester at Hailey na nagtatawanan.
"Siraulo rin ya'ng jowa mo eh, nagpapalandi pa" sabi ni Coreen na katabi ko ngayon habang sila Sandra naman nagtatampisaw pa.
"Hayaan mo siya, lumandi man siya, sakin parin bagsak niya. lumandi man siya nasakin parin puso niya" nagkatinginan kami ni Coreen at sabay na napa-cringe.
"Tang'na tunog linya ng legal wife"
"Kaya nga"
Eww! That's so kadiri!
"Aagawin ko siya sayo" bulong ni Hailey sa tenga ko.
Dala ng kalasingan ay hindi ko napigilan ang sarili ko.
"Yawa ka! Hindi ako papayag" sabi ko at sinabunutan siya.
Pinag-kakalmot niya ako at dala rin ng sumugod din ung apat kay Hailey ay nakalmot kalmot din sila.
May lumipad na palad sa kamay ko, Kenzie?
"Ay sorry!" sabi nito at nagbalik na kami sa pakikipag-away.
Hinila ni Chester si Hailey sa bewang saka ito padabog na ibinaba.
"Tama na diba! Sabi'ng tama na! Tigilan mo na si Trina! Hinahayaan ka na nga lang nung tao guguluhin mo pa!" sigaw niya kay Hailey na matalim na nakikipag-titigan sakin.
"Ikaw naman! Pinatulan mo pa!" sigaw niya saakin kaya napakunot ang noon ko at napa-tingin sakanya ng masama.
"So kasalanan ko?" My voice broke. Natigilan siya at saka lumambing ang tingin niya sakin.
"Hindi! Hindi ganung ung ibig ko sabihin" sabi niya at lalapit sana.
Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa makarating ako sa kwarto.
Umiyak ako ng umiyak sa kama ko.
Hindi pa bumabalik si Chester, siguro kasama na niya si Hailey.
Ganon ba ako kadaling bitawan? Am I not important?
"Trina?" katok nila Monica sa pintuan.
BINABASA MO ANG
HIDDEN AFFECTION 1
RomanceIm Elaine Trinity De Luna, Daughter of Eleanor Monteverde and Tristan De Luna. May kapatid ako na mas bata sakin si Evo. So siguro simulan ko 'to sa part na may lalaki ako na gusto..at gusto rin ako kaso itatago namin 'to sa lahat ng tao kasi mas gu...