LOVE YOURSELF HIGHLIGHT REEL: The Chronicles
Temporary Love (Part 3/Last)
Ilang buwan ding tumagal ang pagkakaibigan namin ni Aiyel..
Hanggang sa isang araw...
Naisipan kong lumabas muli ng kwarto ko upang puntahan si Aiyel...
Ngunit sa di inaasahang pangyayari, wala ng katao-tao sa kwarto nya kaya naman agad akong nagpunta sa nurse station.
"uhm nurse? May I ask? Nasan si Ms. Aiyel Choi? Yung pasyente sa room 143?" Tanong ko.
"Ay sir ikaw po ba si Mr. Jeon Jungkook?" Tanong naman nito na ipinagtaka ko.
"A-ah, ako nga bakit?"
"Naku sir, nakauwi na po si Maam Aiyel, kaninang madaling araw po ay nakalabas na sya. Eto nga po pala. May pinabibigay sya sa inyo hehe." Sabi ng nurse saka inabot sa'kin ang isang papel.
Tinitigan ko lang ito..
"Ah ganon ba, sige salamat nurse!". Sabi ko at bumalik sa kwarto ko...
Nag aalangan akong buksan ang papel..
Sa totoo lang, sa loob ng ilang buwan na lagi kaming magkasama ni Aiyel na nag iikot dito sa ospital na to..
Masasabi kong nahulog na ko sa kanya..
Mabait sya, maganda, masiyahin at sya rin yung tipo ng tao na handang makinig sa mga rant mo sa buhay..
Hindi naman sa nag aassume ako pero ramdam ko rin naman na kahit papaano ay may nararamdaman na rin sya sa'kin..
Nag isip pa 'ko kung bubuksan ko ang papel...
Bubuksan ko ba...
Hindi naman siguro masama...
Bubuksan ko na sana ng biglang...
"J-jungkook?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at...
"Jennie?" Walang emosyong usal ko.
Sa totoo lang, sa tinagal tagal ng tila pagkakakulong ko sa ospital na to ay pakiramdam ko e wala na kong pamilyang uuwian sa labas.
Nagtatampo ako sakanila, nagagalit.
Ni hindi man lang ba nila inisip kung ok na ko? Kung gising na ko? Kung magaling na ko?
Parang iniwan nila ko sa ampunan.
"Jungkook, I'm so sor~"
"May pamilya pa pala ako? Ha." Di makapaniwalang sabi ko ng putulin ko ang sinasabi ni Jennie.
"For almost a year wala man lang ni isang dumalaw sa'kin dito tas bigla kang magpapakita jan?" Inis na sabi ko..
Nagkaroon ng diskusyunan sa pagitan naming dalawa ngunit sa huli ay naging maayos rin.
"Uuwi na tayo." Sabi nya ng makabalik mula sa nurse station..
'sa wakas' sa isip ko.
Inayos ko na ang mga gamit ko...
"Jungkook, may papel dito kasama ba sa gamit mo to?" Tanong ni Jennie..
"A-ah oo akin na yan" sabi ko at dali-daling kinuha yon kay Jennie.
Habang nasa byahe kami, bagamat ok na e hindi ko pa rin kinikibo ang kapatid ko.
Binasa ko na ang papel na nagmula kay Aiyel.
"Hi jungkook, sorry kung hindi na ko nakapag paalam sayo. Biglaan din kasi saka sobrang aga nung sinundo ako nila daddy dito. Jungkook salamat ha, kasi ikaw yung naging sandigan ko sa loob ng ilang buwan. Ikaw lang yung laging nandyan para sa'kin, nakikinig sa mga kwento ko kahit minsan paulit ulit na, nagpapatawa sa'kin at sandalan ko sa tuwing iiyak ako. Jungkook, aaminin ko. Nahulog na'ko sayo. Yung araw araw ba naman na ikaw ang kasama ko diba? Napaka imposimbleng hindi mapalagay ang loob ko sayo. Pero Jungkook, may aaminin ako.. gusto kita.. at hindi sa nag aassume pero ramdam kong gusto mo rin ako.. kaso hindi pwede Jungkook, kasi... May anak ako.. remember nung unang nagkita tayo? Sabi ko ay overdose ako sa sleeping pills? Gusto ko ng mamatay non Jungkook. Kasi iniwan ako nung nakabuntis sa'kin. Pero ngayon, bumalik sya. At hindi ko man gustuhin, mas pipiliin ko sya sa ngayon. Jungkook, sana pag nakalabas ka ay magkita tayo. Gusto kong, ayusin yung mga hindi natin naiayos. Nakalakip sa message na to yung cellphone number ko. Nasa saiyo kung tatawagan mo ko o hindi. Basta isa lang ang natitiyak ko Jungkook..
Mahal kita..
Yun lang.. salamat.Love, aiyel"
Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko.
Hanggang sa pangalawang pag ibig ba naman ay bigo ako?
Diyos ko, sana naman po ay may maganda kayong nakalaang plano sa'kin.
Masakit ang mga pinagdaanan ko kaya sana ay hindi na ko mabigo paglaya ko sa nakaraan ko.
The end.
Ok ang korni pero pwde na.
BINABASA MO ANG
Bangtan Imagines 방탄소년단
NouvellesSo first of all, all stories here are written in tagalog. Also, sorry kung may mga typo errors or kung ano mang mali sa mga stories hehe. By the way, all of the stories here are already posted on my facebook page "BTS one shot stories" ( you better...