Kinse anyos. Napariwara ang buhay dahil sa alak at barkada. Nagalit ang magulang pati ang lola ko. Kaya yung lola ko pinadala kami sa America.
March 2010 Boring dito sa America kaya nung napunta ako dito wala akong ginawa kundi humarap sa computer maghapon magdamag hanggang hating-gabi.
Isang buwan ang nakalipas, naadik ako sa Facebook. Usong uso pa nun ang Facebook. Yung mag-iingay sa pages tapos makikipagkaibigan kung kani-kanino. Bakit ako adik sa Facebook? Kasi para sakin, feel ko nasa pinas ako kapag online ako. Madaming nagtatagalog, nakikita ko yung mga pictures ng Pilipinas, tas lahat. Kaya yun, friend request dito friend request dun.
On the next month, may nagmessage sakin. "Uy panuorin mo to. Maganda siya."
*Click*
"Upuan" kwento ng mga EX.
Ang weird ng title. Kaya diko binasa.
On the next month. "Napanuod mo yung Love story on video ni Marcelo Santos? Ang ganda ganda diba?" May nag-message na naman sakin.
"Huh? Marcelo Santos? Sino yun?"
"Panuorin mo yung upuan maganda." Tas binigay niya yung link. Mukhang maganda dami na kasi nagkakalat. Binasa ko. Guess what? Nabaliw ako. Sinubaybayan ko yung kwento. Sa sobrang bored ko binasa ko yung mga past videos niya.
The next thing I know, Crush ko na siya. Hinanap ko siya sa Facebook, eh kaso puro poser ang nakikita ko kaya pinagtanong ko kung anong Facebook niya. Page lang daw ang alam nila. Kaya yung page niya na lang ni-like ko.
Hindi pa high-tech ang Facebook nun kaya di ako masiyadong updated sa kanya.
Last year. Sembreak.
Wala akong magawa. Nanuod ako sa youtube. Tinignan ko yung account ni Marcelo kung may bago. Boom! Ang dami. Youtube marathon to.
Mula kay Maria at Ryan ng bag at folder, si Kate ng Jeepney na nagkagusto kay July na nawalan ng pagasa kasi may gf na pero may nakilala naman na iba at ang pangalan ay August, yung magbestfriend na inlove pero namatay yung bestfriend niyang siga at tumandang dalaga ung babae si mrs. Perez, Si Ian at Karla ng K.I., yung nagmahal na nasaktan na humiling sa falling star na sana tamaan ng falling star yung minahal niya, yung babaeng makakalimutin sa MRT, Si Crystel na mala-jandi ang pangarap sa Chubby story, yung babae sa Korea na nagmahal ng dalawa, Yung di mo malaman kung panaginip lang ba ang lahat sa Wishlist, hanggang kay Miko na nasa panaginip lang ba o hindi?
(Hindi ko na ikukwento pa sa inyo yung iba, panuorin niyo. Mangangawit kamay ko kapag kinuwento ko lahat dito. HAHA)
Isang linggo kong tinapos lahat ng video niya. At lalo akong humanga sa kanya dahil sa mga nabasa ko. Umiyak, tumawa, nainis, nagalit, na-excite at lahat ng emotion naramdaman ko habang pinapanuod ko lahat ng iyon.
Nagpost pa nga ako sa page niya nun eh, ang naalala ko lang tinanong ko kung nasaan na yung mga kasunod ng mga luma niyang videos na hindi na natapos tapos hanggang ngayon. :D (Hanggang ngayon hinihintay ko mga kasunod nun kahit alam kong di na matatapos HAHA!)
Sobrang baliw ko sa kanya, mas lalo akong naging updated sa kanya. Palagi akong bumibisita sa page niya kung may bago bang videos. Hanggang sa magtwitter siya edi nagsign up ako sa twitter. Follow follow din, di naman siya active dun. So balik sa Facebook. May bago daw siyang videos yung baguio love story saka yung text, yung magkuya na sweet, at yung mag-couple na tiga pampanga.
After that, nalaman ko na lang active siya sa twitter. Nagpafollow daw siya ng mga fans niya. Edi ako tong baliw agad agad nagtweet sa kanya, "follow mo din ako." Kinabukasan nakita ko pinafollow niya ko. Ako na ata pinakamasayang tao nung araw na yun. Tinawag na kong baliw ng mga kaibigan ko. Kasi totoo naman baliw ako eh, baliw na baliw sa kanya. :)))
Naging stalker na din niya ko, kung saan siya mag-sign up, sign up din ako. Tumblr, instagram, at dito nga Wattpad. Alam mo yung, nagsasawa na ko kagagawa ng account pero kapag si Marcelo na wala akong sawa. Alam mo yun? Baliw nga diba? Baliw? X)))
Sa inis ko, nagtweet ako sa kanya. "Alam mo bang mahirap maging stalker mo? Nakakasawa na kaya magsign up kung saan saang site." All I remember sumagot siya ng hehe. Diko na matandaan pero sumagot at kinatuwa ng lola niyo yun. Kahit ganun lang reply niya natutuwa ako noh.
[FAST FORWARD]
Eto nga may libro siyang pinublish. Etong lola niyo bongga! Bibili ng libro kahit nasa America. Magkano? Three hundred pesos lang yan! Magkano sa dolyar? $10 lang. Sakto may bente ako. Magkano shipping? 3760.00 pesos. Mahigit $100. Pinatay ako sa shipping fee.
Pero di ako sumusuko. Minessage ko lahat ng kaibigan ko sa pinas. "Hoy bili niyo nga ako ng libro ni Marcelo. Bibilin ko lahat ng gusto niyo pag-uwi ko ng pinas."
Pero isa lang ang sumige sa kanila. Pero may kapalit. Poster lang ng 1D ang gusto. Aba! Madali lang yun kaya DEAL! Pero wala din palang pera ang bruha kaya nalungkot ako. :(
Last month. Sinabi ko kay mama bili niya ko ng libro ni Marcelo kasi uuwi siya ng pinas. Alam niyo sinabi? Sinong Marcelo? Marcelo H. Del Pilar? Sa Morayta pa daw, madami daw magnanakaw dun, nakatayo ka lang daw dun mananakawan ka na. Edi sabi ko sumayaw sayaw siya habang hinahanap yung libro ni Marcelo para di siya manakawan. HAHAHA! Pero wala tumawa lang din siya. :(
Malungkot kasi hanggang ngayon di pa ko nakakabili which is kapag ginusto ko nakukuha ko agad (Gamit sariling pera hindi ako nanghihingi minsan lang :D.) Hindi pala lahat ng gusto mo nakukuha mo noh?
[FAST FORWARD]
Ngayon. Tingin tingin na lang ako sa website niya. marcelosantosiii.com (Click the external link) Naiinis pa ko kapag di ako nakakapasok. XD
Naiinggit sa mga nakakabasa at nakakabili ng libro niya.
Nuod nuod lang ng livestream. (Gwapo ng boses niya, kainlove ^___^) I love you teleber~
Pati mga kaibigan ko updated sa kanya para may maibalita sakin. :D
From Marcelo Santos? Sino yun? To Marcelo Santos? Pinakamamahal kong Crush yan!!!
Pero ang sabi niya. Gusto daw niyang magmamahal sa kanya ay yung taong hindi kilala siya as Marcelo Santos sa internet. (Look on the right side para makita yung tweet niya) Sana diko na lang siya nakilala sa internet noh? Sana nakabangga ko na lang siya sa coffee shop. O kaya nasa coffee shop kami tas nagbablog siya dun tas napansin ko siya bigla tas tinitigan at naging dun ko siya naging crush para magustuhan din niya ko.
Nahihiya na din kasi ako magtweet sa kanya at magpost sa facebook. Alam mo yung babatiin mo lang siya ng happy birthday nahihiya ka pa. Ako na kasi mahiyain. Hindi kasi, baka maging telenobela yung ipopost ko kapag bumati ako kaya nahiya ako. Sabi nung kaibigan ko bakit daw di ko binati si Marcelo samantalang crush na crush ko daw siya. Eh nahihiya nga ako diba maintindihan?! HAHAHA
Masiyado na tong marami para ipaglandakan ang pagiging patay ko kay Marcelo kahit buhay pa ko :DD
2 years and going stronger (naks parang relasyon lang) crush ko pa din siya kahit alam kong walang pag-asa.
Ang tanging hiling ko lang. Kapag umuwi ako ng pinas, Sana makita ko siya. Speaking of makita, yung kaibigang kong bruha ininggit pa ko nung nakita niya si Marcelo at niyakap at ubod daw ng bango. Alam mo yung sarap sabunutan ng maharot at inunahan pa kong yakapin yung mahal ko chos~ hahaha.
Basta yun na yun. Tapos. The End :DD
P.S. Siya may dahilan kung bakit nabaliw din ako sa wattpad. Siya ang may salarin kung bakit nag-sign up ako dito kasi may sinulat siya dito pa-vote daw. Para ma-vote ko lang nag-sign up ako. Ganiyan ko siya kamahal. ^_^
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Walang masama kung crush lang. Ang masama kung lumala. Hindi ako malala, sadyang crush ko lang siya. At alam kong pigilin ang sarili ko pati nga hininga ko sigurado pigil na pigil kapag nakita ko siya ng personal eh. HAHAHA!
Yung mga kaibigan kong makakabasa nito. Huwag niyo kong pagtawanan. Alam niyo to kung bakit baliw ako sa kanya. :DD
Ang masasabi ko, ako ay matatawag na isang BIG FAN ni Marcelo Santos III. He is my one and only Marcelove ♥
BINABASA MO ANG
2 years crush? Meron ka ba?
RomanceNagkaron ka na ba ng crush na halos years na nakalipas pero yung kilig mo andun pa din? Ang masaklap pa sa isa pang taong di mo kayang maabot? Eto yun eh. Ako yun. Ang pag-hanga ko kay Marcelo Santos III. Hinangaan ko siya for 2 years. Almost 3 year...