"Nako naman mama!, hindi mo ako ginising ka-agad late na late na ako, first day of school ko ngayon oh",natataranta na akong nag-sepilyo at nag-suot ng uniform dahil ito na ang unang araw ng pagiging grade 11 ko.
"Hoy Portia ilang beses kitang ginising halos ingudngod ko na sayo ang alarm clock mo pero halatang halata na ayaw mo pa gumising, wag nga ako sisihin mo!", pagtatalak sa'kin ni mama
"Joke lang naman mama, oh siya aalis na ako ah salamat sa napaka sarap na pagkain na niluto mo sakin ngayong umaga", sabay yakap sakanya
"Nako naman binola pa ako ng batang ito, bilisan mo na at malelate ka na", pagkayakap ko sakanya ay binigyan ko si mama ng isang matamis na ngiti at tuluyan ng lumabas ng bahay
Takbo portia, takbo!!! kailangan kong hindi ma-late sa unang araw ng eskwela, ayoko namang may record ako agad kakapasok ko palang ano!!!
"Portia? oh ikaw nga,nakita ko account mo sa group chat natin, classmate mo ako and medyo inistalk kita hehe, mukhang natataranta ka ah? halika na sabay ka na dito sa bike ko", hindi ko siya kilala at mas lalong wala na akong pake sa kung anong sinasabi niya basta ang alam ko ay nakasakay na ako sa likod ng bike niya at yes!!! nakaabot ako sa tamang oras.
"Uy maraming salamat ah, kung hindi dahil sayo nako baka na-late na ako", nakangiti kong sinabi sakanya
"Wala 'yon,kaklase naman kita at soon alam kong magiging friend kita kaya ayos lang", sa totoo lang ngayon ko lang siya nakita at aaminin kong napaka gwapo niya lalo na pag ngumingite
"Portiaaaaaaaa!!!!!", malayo palang dinig ko na ang sigaw ng aking bestfriend
"Ang ingay mo!, kakakita lang natin kahapon at gumawa pa tayo ng graham balls sa bahay kung umasta ka naman parang isang taon tayong hindi nagkita!", sambit ko sakanya
"Of course beshie one hour is equals to 1 year to me noh I missed you so much and actually sumama tiyan ko kahapon and to be honest beshie masakit pa din siya hanggang ngayon, but it's okay it's not your fault because kinain ko din ng patago yung nakita kong cake sa ref niyo hihi tapos nalaman ko expired na pala", nakangisi niya pang sinasabi sakin
"Aba'y katakawan mo ang papatay sayo beshie!! kumalma ka na nga at pumasok na tayo sa room natin", hinila ko na siya papunta sa ABM 1 room.
Pagkapasok namin sa room ay nakita ko na ang mga suplada at mga feeling rich kid kong classmate noong junior high ako.
Akala ko hindi ko na sila uli makikita pero nagkamali ako, panibago nanamang nakakainis na taon para sa'kin.
"Alam mo beshie habang tumatagal at lumilipas ang taon, pakapal ng pakapal blush on ni cassandra ano?", sabay hagikgik
"Wala namang bago, kilay nga paangat ng paangat eh", at nagtawanan kaming pareho
Nagulat nalang ako ng may tumabi na sa akin, paglingon ko ay agad tumambad sa akin ang lalaking nagpasakay sakin kanina sa bike niya.
"Uy ikaw pala", bati ko sakanya
"Dito na ako tumabi baka sakaling may matutunan ako pag katabi ko kayo", napalingon sakanya si aira at agad na ngumite
"Ayyyy hello handsome boy,ano name mo? by the way my name is Aira Climente and this is Portia Bartolome", nakangisi pa siyang nilahad ang kanyang kamay
"Hi nice to meet you, ako nga pala si Drake Creaze, actually I'm from canada pero nung nag junior high na ako lumipat na kaming Philippines kasi namatay ang lolo ko",nilabas niya ang kanyang notebook at ballpen
"Grabe bigatin ka pala drake, uy beshie may friend na tayong taga-canada", pang-aasar niya
"Manahimik ka nga nakakahiya ka, pagpasensiyahan mo na drake 'tong kaibigan ko madaldal talaga yan simula nang ipanganak kami", humarap ako sakanya at dinilaan
Natawa din bigla si drake at pumasok na ang aming teacher sa Philosophy.
"Grabe pala ang hirap maging ABM nakakasabog ng utak",nagdadabog na kinuha ang kutsara at tinidor niya
"Hay nako naman beshie nagsisimula palang tayo susuko ka agad?, kaya natin 'to",kinutusan ko nalang siya para magising sa katotohanan
"Aray beshie ang sakit ha!, oh drake andiyan ka pala tabi ka na dito samin oh",sambit ni aira
Tumabi din samin si drake at nag-lunch na kami pareho. Onting oras palang kami nagkakasama ni drake pero aaminin kong gusto ko siya kasama kahit saan.
Tahimik lang siya at palangite kung ikukumpara sa ibang mga lalaki, napakagwapo niya din at ang gusto ko sakanya ay ang makapal niyang kilay.
Nakakakilig talaga pag tinitignan ko siya, ano bang nangyayare sakin? naiinlove ba ako?
BINABASA MO ANG
Never Fall In Love Again
Teen FictionNagkaroon ng first love ang isang babaeng "no boyfriend since birth" at akala niya ay pang habang buhay na niyang magiging kasintahan ito, ngunit sa paglipas ng panahon ay unti-unti niyang matutuklasan ang katotohanan, kaya't labis siyang nasaktan a...