Chapter 12

253 71 28
                                    

Ano nga ulit yung sinabi ko? Kaya ko ito? Binabawi ko, binabawi ko na. Joke lang yung sinabi ko na kaya ko. Hindi ko talaga kaya.

Nakasilip ako ngayon sa pader kung saan nasisilayan ko si Carlos na nagbabasa. Meron bang magbabago kay Carlos kapag sinabi ko na yung plano ko? Mababago ba niyon yun ekspresyon niya sa mukha na kay seryuso. Ano ba iniisip ko.

Fighting dapat! Kam-bam-te!

Paano ko ba siya kakausapin? Maghe-Hello ba ako? O di kaya ay kunwari na napadaan lang ako tapos makikiupo.

Wala naman problema sa amin ni Flor dahil nag-explain na rin naman siya sa akin at sadyang matampushin lang ako noon. Kaya ang sama-sama ng tingin ko sa kanya. Akala ko talaga iniwan niya ako kasi sobrang nakakainis ko. Wala rin akong alam sa bagay- bagay, mahina ako sa pag-iisip. Maraming bagay na pwede akong iwan ng isang tao. Iyakin ako, Oo. Aaminin ko! Lampa ako, aaminin ko rin yan. Mabilis akong magreak, aaminin ko rin yan kasi totoo naman. Kahit bata nga sa amin minsan pinapatulan ko kasi isip bata rin ako.

Mahirap kasi mawala yung isang bagay na matagal ng naging parte ng buhay mo. Lahat naman yata ng tao magtataka kung iiwan ka nalang bigla.

Halos ikatalon ng puso at kaluluwa ko nung biglang sumulpot si Flor mula sa likod ko. "Wag ka nga manggulat, Flor. Mukhang aatakihin ako ng wala sa oras e"reklamo ko sa kanya pero tumingin tingin siya sa likod ko.

"Ano ba tinitingnan mo dyan? I've been searching you everywhere. I never thought that you will come here"

Kailan ba ako nahilig sa libro. Para nga akong ma-eepelipsi kapag nandito e'. Kung wala lang talaga si Carlos.

Tinapik ko naman siya sa balikat. "May tinitingnan lang, hehehe. Alis na tayo."

Hindi ko pa siya nahihila paalis ng isa na namang problema ang humarap sa akin. Binaba ni Lolo ang tingin sa akin at ngumiti ng pilit. Tinugunan ko naman siya ng ngiti. "Hahaha, hai!"bati ko sa kanya.

"Aba nandito ang kuneho. Gagawin na naman ba kayo ni Insan at nandito ka?"seryosong tanong niya.

Inekis ko ang dalawa kong kamay sa kanya at umiling. "Wala, wala. Napadaan lang ako. Aalis rin kami. Diba, diba"natataranta kong saad sa kanya.

Tiningnan naman ako  ni Flor na may halong pagtataka ganun rin si Lolo. "Sige, bye- bye na lo-"

Hindi ako pinansin ni Lolo at lumapit lang siya kay Flor habang nagpapakilala. Napatampal naman ako ng noo dahil mukhang hindi pa kami makakaalis.

"Ano ang iyong pangalan, binibini?"malanding tanong niya.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Flor "I'm Flor Ayona, who are you to snob my baby"tugon niya naman.

Nakita ko naman  ang ngiti sa mukha ni Lolo na nakakaloko. "So ikaw pala si Flor. Hindi mo na yata ako nakikilala. Iisa lang ang high school na pinasukan natin noon. I'm not famous that time though. But hey, I'm a friend of this Bunny"

"Hehehe, Aalis na kami. Pwede na kilala mo na siya, kilala ka na rin niya. Excuse na us"hihilahin ko na sana si Flor paalis pero hinila naman ako ni Lolo papunta sa kinauupuan ni Carlos.

Muntik pa akong mapasubsob ng bigla akong itulak ni Lolo sa harap ni Carlos. Nagtataka naman akong tiningnan ni Carlos kaya inilayo ko nalang ang aking mukha sa pwesto niya.

Pahamak talaga pinsan niya e'. Hindi pa nga ako ready!

"Bro, kanina ka pa daw hinahanap ni Bunnie. Mukhang may sasabihin."pagkasabi ni Lolo niyon isinara na ni Carlos ang libro at buong atensyon na nakatingin sa akin pero hindi naglaon ay sa katabi ko naman siya tumingin.

Mr. Naive Varine Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon