Unang araw ko sa States, mukha namang ayos lang dito. Pero may Isang bagay na naka agaw ng aking pansin.
Nakapasok ako sa Harvard...Gabi na iyon nung natapos ang aming klase mga 7:00 pm siguro...Paglabas namin ng kaibigan ko, mapapansin na ang langit ay itim na itim, ang buwan ay kasing pula ng mata ng demonyo,ang mga patay na puno ay nag-gegewang-gewang, na tila magdadala sayo ng katatakutan.
Mga kalahating oras siguro bago nakadating yung driver ni Meghan. Yun kasi ang maghaharid sa amin sa aming private dormitory. Isang oras ang biyahe papunta sa dorm. Matirik yung daan, pakaldagkaldag. Nang makarating kami sa dorm, Tuwang-tuwa si Emma, nauna na sya sa pagpasok, at ako ay naiwan sa labas.Habang binibitbit ko ang mga gamit namin, may kumalabit saakin.
P-p-pstt..Yun ang una kong narinig.
Nung napalingon ako, isang matandang babaeng gusgusin ang nakatayo sa likod ko.
"Magsisisi ka at dito ka tumira" ang sabi ng matanda na may sabay pa ng halakhak.
Nung una hindi ko nlng sya pinansin. Hangang sa makapasok na ako ay wala namang ganong tao, dahil ang balita ko, tatlo lang dw ang nagbalak tumira dito.
Kinuha ko ang susi sa may babae. Mukha syang mabait.
" Room 13 sa floor 2 ang room mo doon sa dulo ng hallway" yung ang sabi nya nung pagkakuha ko ng susi.
Pag-labas ko ng elevator. Kitang-kita ko na ang aking kuwarto. Pula ang kulay ng mga pader.
Habang ako ay naglalakad..Napansin ko na parang may sumusunod sa akin. Hindi ko na pinansin dahil baka si Meghan lang iyon.
May nakita akong piano malapit sa room ko..Linapitan ko ito at aking pinatugtog. Hilig ko rin kasi ang piano.
Biglang may humawak sa balikat ko.
"Emma?" saad nito.
Paglingon ko. Isang lalaking matangkad, pogi, makapal ang kilay ang nasa likod ko.
"Shit! Ginulat mo ako!" Sabi ko sa lalaki.
"Sigurado ka nabang dito ka lilipat??Pagsisisigan mo dito!" Sagot ng lalaki.
"Oo naman! Pinatayo kasi ito ng lolo ko! Ok lang naman dito ah! Medyo creepy nga lang..Sagot ko ng nakangiti.
"Hmm...9:00 pm na maaga pa pasok bukas. Ako nga pala si Elias. If you need help Im only at room 15", sabay abot ng kanyang kamay.
"Im Emma pero pano mo nalaman pangalan ko?". Sabi jo sabay abot sa kanyang kamay.
Hindi sumagot si Elias at umalis nlng sya.
Pagpasok ko sa aking unit. Maganda ang kuwarto. Parang condo, may sala, kusina, banyo, kuwarto.
Mga bandang madaling araw na siguro iyon. Nag rereview ako, biglang may narinig akong kalabog doon sa labas. Hindi ko na pinansin. Ng biglang may nag chat sa akin.
"Emma??" Sabi ng numero na nagchat sa akin.
" sino ito?? Pano mo nalaman number ko?" Sagot ko naman
"It's me Elia. Kung may maririnig ka man diyaan sa labas. Wag mo papansinin, binabalaan kita. Lalo na pag may kumatok. Sabi ni Elia.
Nagtaka ako kung bakit, nung mga segundo na iyon. Wala na akong naramdamang kakaiba. Ng biglang may kumatok, bubuksan ko na sana, pero natandaan ko yung sinabi sa akin ni Elia.
Puyat na rin naman na ako nung time na iyon, kaya nagpasya na ako matulog.
Pero mga als-tres siguro non. Biglang may kumatok. Hindi ko pinansin peto habang tumatagal, lumalakas ang pagkatok nito. Bumukas yung pinto.
"S-Sino y-yan?!?!" Napasigaw kong sinabi.
Hindi ko makakalimutan ang nakita ko...Isang-...
YOU ARE READING
"Room 13"
HorrorHi wide readers out there! I heard this app and I decided to try out! This is amazing to be honest:>..And I know you are reading this! I just want you to know that all of you who loves making and reading stories! Just keep it up! Think positive but...