TWENTY THREE

3.2K 87 4
                                    

"Chess ito pa kain kapa, diba paborito mo ito.. sabay hain saakin ng bicol express ni nanay habang ang ate ay aligagang dinadagdagan ang plato ko ng kanin..

"A-ate i-im fine, h-hindi ko mauubos ang ganyang kadami" natataranta kong awat sa ate..

Nahinto si ate at mama sa ginagawa at halos dimakapaniwalang nakatitig saakin..

Nagsimulang manubig muli ang mga mata ni ate habang lihim naman na pinupunasan ni nanay ang takas na luha..


"Anak.. pangga? Ikaw naba talaga yan..."

Dipading makapaniwalang tanong ni nanay..

Napangiti naman ako ng tipid bago tumango..

"Oo nay, sorry po kung ngayon lang ako nakauwi"

Muli ay ipinaliwanag ko ang lahat na nangyari pwera lang sa nangyari sakin at ang pakikipag nobyo ko kay fhelipe...


Buong araw ay halos hindi ako nahiwalay sa dalawa..

Nakilala ko din ang pamangkin kong si baby Albert..

Single mom pala ang bruha..

Buti nalang daw nung nabuntis ito ay graduate na sya..

Hindi niya masabi kung sinong tatay kaya dina namin pinilit pa...

Pinagpahinga ako nila mama sa kwartong para talaga sakin..

Nakakatuwa dahil ang akala ko'y kinalimutan na ako ng mga ito..





Dapit hapon na ng..

Mapabangon ako sa kinatatayuan at nagmamadaling tumakbo sa may bintana at pinilit na sumuka doon..


Ng makabawi ako ay nanghihinang dumaosdos papaupo at pilit na di inaamoy ang anumang mabahong iyon..

Kaylangan kong lumabas..

At ayaw kong maamoy ang mabahong iyon..

Takip takip ang ilong na bumaba ako sa hagdan..

Rinig kupa ang masayang kanta ng nanay sa kusina...

"Bakit ganyan ang iyong pagebeg? Na ang akala ko ay langet? Nilarolaro mu- AY KALABAW! chessia? Gutom kanaba? Tamang ta ma niluluto namin ng ate mo ang mga paborito mo"

Sabay turo sa pinipritong manok?

Nakaramdam nanaman ako ng paninikmura.

Napatakbo ako sa labas at agad sumuka sa gilid...

Wala namang lumalabas pero halos maisuka ko ata lahat ng tubig ko..

Naramdaman ko ang paghagod ni nanay sa likod ko...

Nanghihinang nginitian ko ang mga ito..

"Sorry ate, nay.. pagod lang ata ako.. p-pero ma.. ayaw ko nung amoy nung pritong manok.."

Nanlaki ang mga mata ni ate..

"CHESSIA BUNTIS KABA!?"

Nagimbal ako sa tanong ni ate..

Takot akong napatingin kay nanay..

Ngunit masaya ang muka nitong nakatitig sakin..

"Masayang balita yan anak!? Pero dimo sinabing may nobyo kapala?"  Nanay



"A-ate hindi k-ko alam? P-pano ka nakasisigurado?" Kinakabahan kong tanong..


Ngumisi si ate..

Love maze(COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon