Chapter 4

9 0 0
                                    

Napatingin ako kay Austin pagkatapos namin mag-usap ni Lola. Hindi pa man ako handang ipakilala si Austin kay Lola bilang boyfriend pero parang wala na akong ibang pagpipilian. Umaasa si Lola na bibisitahin namin siya at nakapayag na rin ako dahil ayoko naman siyang indian. Like what I've said, I can't say no to her. At alam kong mapapasaya ko siya sa simpleng pagbisita ko sa kanya kasama si Austin.

"Your grandmother? What did she said?"

"She wants to meet you."

"Okay." Wala man lang pag-aalinlangan ang kanyang boses.

Napaiwas ako ng tingin sa kanya at tumahimik na lang ng mga ilang minuto. Kahit hindi ko siya tapunan ng tingin ay alam kong nakatitig siya sa akin. Dahil diyan sa titig niya kaya hindi ko masalubong ang maganda niyang mata, e.

"What's wrong?" tanong niya nang manatili akong tahimik.

Umiling lang ako. Hindi nagsasalita at nanatiling tahimik. Inabot ko ang baso ng juice saka inubos ang laman niyon.

"Hindi pa ba tayo aalis? Baka naghihintay na iyong Lola mo."

Tumayo na ako at nauna na lumabas ng kanyang unit. Mabilis naman niya akong sinundan. Nang nasa pasilyo na kami ng building ay ipinulupot niya sa aking baywang ang matitipuno niyang braso. Hindi na lang ako umangal at pinabayaan na lang.

Walang nagsasalita sa amin habang nasa loob kami ng elevator hanggang sa makarating kami sa tapat ng kotse niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto na lagi niyang ginagawa at nang huhugotin niya na ang seatbelt para ayusin ito ay inunahan ko na siya. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya pero umikot na lang para sumakay na.

Buong biyahe namin ay nasa labas lang ng bintana ang atensyon ko. Hindi ako nagsasalita at madalas ay hindi ko siya tinitignan. Pero kahit hindi ko man nakikita, alam kong minu-minuto ang pagsulyap niya sa akin. Narinig ko ang pagtikhim niya sa kabilang upuan.

"Camilla, kanina ka pa tahimik diyan."

Binalewala ko ang sinabi niya at nanatiling tahimik. Pero lumipas lang ang ilang minuto ay nagsalita na naman siya.

"Ayos ka lang? Masama ba ang pakiramdam mo? Camilla, sagutin mo naman ako."

Nagpakawala muna ako ng buntong hininga bago siya nilingon. Hindi ko inaasahan na nakatitig pala siya sa akin kaya nagsalubong ang mga tingin namin. Kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala niya para sa akin. Nang tumingin ako sa harapan ay noon ko lang napansing nakatigil na pala ang sasakyan dahil sa traffic. Damn. Masyado ba akong lutang para hindi ito mapansin?

"Austin, are you sure about this?"

"About what? About meeting your grandmother? Of course, I am."

I shook my head. Hindi iyon ang ibig kong sabihin.

"Not about that, Austin." Kumunot ang kanyang noo kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Tapusin na kaya natin 'to? Sasabihin ko sa kanila na wala naman talagang namamagitan sa ating dalawa."

"Camilla." pagtutol niya sa sinabi ko.

"Austin, ayaw na kitang abalahin pa. Tsaka hindi mo kilala si Lola. Sa oras na mapaniwala natin siya na may relasyon tayo, hindi na natin iyon mababawi pa kahit iyon naman talaga ang totoo."

Napabuntong hininga siya. "Hindi ba at ito naman ang gusto mo? Camilla, pumayag ako sa alok mo para tulungan ka. At hindi ka abala sa akin, Camilla. Kailan man ay hindi ka magiging abala sa akin."

Pumayag siya sa akin para tulungan ako? Paano naman siya? Ang sarili niyang kaligayahan? Hindi naman porket kaibigan niya ako ay kailangan niyang isakripisyo ang sariling kaligayahan niya matulungan niya lang ako.

Montenilla Series 1: Giddy Palpable  Where stories live. Discover now