Kabanata 8

20 8 4
                                    

Happy break-up

Bumaba kami sa may court at lumapit kila Chester para batiin sila sa pagka-panalo nila.

"Congrats!!" bati ko kay Chester at saka siya ginawaran ng halik sa pisngi.

"Tamis naman" bati ng ka-team nila na si Ivan.

"Tse!" sabi ko dito at iniabot kay Chester ang tubig saka siya pinunasan ng likod.

"Napagod ka?" tanong nito sakin kaya napakunot ung noo ko.

"Ako? baka ikaw!" biro ko pa.

"Masaya naman ako sa ginagawa ko kaya hindi ako napapagod" sabi niya.

"masaya rin ako sa ginagawa ko kaya hindi'ng hindi ako mapapagod.

"Una na kami hah" paalam ni Chester kila Lucas na kinawayan ko nalang.

"Gutom gutom! patay gutom!" pang-aasar ko sakanya.

"Sus! ikaw nga spg! super! patay gutom!" nag-make-face nalang ako sa pang-aasar niya.

Buset!

Wala pa'ng masyadong tao sa canteen ng dumating kami.

"Trinidad, usap tayo mamaya" sambit niya saka siya napa-buntong hininga.

"Sige"

"Trina!" Tawag nila Coreen sakin ng sabihin na group yourselves into 5.

"Dito nalang si Hailey" biglang sabi ng teacher namin sakanila ng papalapit na ako.

"Pero-"

"Dyan na siya, ikaw naman Trina dun ka na kila Erich"

Banas ako na nag-lakad papunta kila Erich.

"Ano daw gagawin?" tanong ko kay Danica.

"Name, hobbies, and sino daw ung bestfriend mo and tell us about him or her" sabi niya at napa-tango tango ako.

Nasa kalagitnaan kami ng intro ng tumayo si Kenzie sa kabilang table at tinawag si Chester.

"Chester!" Lumingon sakanya si Chester at nag-taas ng kilay habang naka-o ang bibig.

"Bestfriend mo ba ung isa'ng 'to?" sabi niya at tinuro turo si Hailey.

"Hindi nuh!" tanggi ni Chester at parang nandidiri pa.

"Yan harot pa!" sigaw ni Dianne na katabi ko kaya inirapan siya ni Hailey.

"Students! Behave!" sigaw ni Mrs. Galvez.

Nag-activity at bible study kami nung hapon at ngayon gabi na.

12:34 AM

Nakaupo ako sa hamba ng kama habang inaantay si Chester na matapos sa pagligo.

Lumabas siya sa cr ng naka-tapis lang kaya napalunok ako. Ano ba yan Trina! ilang beses mo na siyang nakita na naka-ganyan ang manyak parin ng isip mo.

HIDDEN AFFECTION 1 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon