Chapter 8: Pamimilit

46 4 2
                                    

"HOI! Babaita!" Narinig kong isinisigaw ni Rose habang papalapit sa aking kinauupuan.

"Hmm?" tugon ko.

"Kung pipili ka sa dalawa, Kung si Paulo o si Kim, Please lang piliin mo si Kim. Para sa amin siya yung best guy para sa iyo." Pagpapaliwanag nya.

Ewan ko ba dito kay Rose kung talagang ipinipilit nya lang ba ko kay Kim para mawala yung feelings ko kay Paulo o gusto nya lang talaga yung best para sa akin. Pero, alam ko namn na gusto nya lang na maging mabuti yung magiging desisyon ko.

"Paano mo nasabi? HAHHAHAHA?" pagtatanong ko sabay ng pagtawa.

"Kase naman, yung sa pagtitig nya palang sayo? Posang gala! Yun yung tingin na hihilingin ng mga babae! Napakaseryoso nya pagdating sa iyo." Sambit nya.

"I don't think so! HAHAHAH!" Tanging nasagot ko kay Rose.

"Paenglish english pa toh!" Tugon ni Rose na halatang naiinis na.

"C-cr lang ako ha!" pamamaalam ko.

Nagmamadali akong bumaba patungo sa cr namin. Pero, hindi talaga pagihi ang intensyon ko, kundi ang magisip-isip doon. Hirap kasing mag-isip ng seryoso sa room, Sobrang ingay! Buti nalang at walang katao tao sa cr ng pagpunta ko dito. I looked at the mirror at sinabing " 'Bat ba kase ganito! 'Bat ba namin parehong gusto si Tecson!"

"Anong gagawin ko? Pauubaya ko ba sa kaibigan ko? Hindi pede yun! Ayokong masaktan ko si Paulo. Pero, ayoko rin saktan si Kim. Hayst! pano ba toh?!"

"Sinong kausap mo?!" narinig kong boses sa aking likuran.

"Hay! Posang galang! Ano ba yan?! 'bat ka ba nangugulat?!" Malakas na pagsigaw ko sa loob ng cr.

"Ay sorry kung ganun. Pero, teka sinong kinakausap mo?" Sambit nito. Sino ba siya? Walang iba lng naman kundi si Nica.

"Kanina ka pa dyan?" pagtatanong ko.

"Hmm... OO!" Sagut nya. "Actually, narinig ko nga lahat ng pinagsasasabi mo ih." dugtong nya pa.

"Patay!" bulong ko.

"Ha?! bakit?!" muling tugon ni Nica.

"Ahh, wala wala." Tanging sambit ko sa kanya.

"Ano ba talaga problema mo ha?" napalunok ako ng ako ay tinanong nya.

"Ah wala lng un." pag tanggi ko pa.

"Zein, kaibigan mo ako, tigil na sa pagdedeny aba. Sabihin mo, makikinig ako." 

Sobrang saya at kahit papano may mamasasabihan na ako ng mga desisyon na gagawin ko. Atleast, may pagkwekwentuhan ako. Ayoko ko kasing magkwento kina Rose kase alam kong ipagtatanggol talaga nila si Kim.

"Nica, Please wag mo lang to sasabihin kina Rose ha? Ayokong malaman nila toh."

"Oo naman, para sayo." pag sang-ayon ni Nica.

"Kase ganito yan, Diba gusto ako ni Kim? Eh kaso gusto rin ako ni Paulo, Eh kung si Paulong mahal ko yung pipiliin ko, baka masaktan si Kim, at the same time masasaktan din si Rose. Ang hirap! Pero, kung si Kim naman yung gugustuhin ko, alam kong di ako sasaya. Kase, makikita ko yung mahal ko na inilayo ko sa sarili ko mismo. The only thing that will make me so happy, is yung makitang maligaya si Rose. Ngaun, hindi ko alam kung anong desisyon ba yung gagawin ko."

"Isa lang sasabihin ko sayo, Subukan mo namang pasiyahin sarili mo Zein, pwede bayun? Wag puro kapakanan ng iba, kase nalilimutan mo na yung sarili mong kasiyahan ih. Kung ano yung mas ikasasaya mo, dun ka.Wag mong iisipin kung anong sasabihin ng iba." Ang mahiwagang advice ni Nica.

TILL I MET YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon