Jhoana's
Isang malakas na sampal ang pinakawalan ni Papa dahilan para matumba si Bea.
"Pa!"Sigaw ko pero mas nag-worry kami sa iyak ni JL.Pero hindi ko pa din mapigilan ang paglapit kay Bea pero nag wide ito ng kamay,sign na I need to trust her.
"Dada!"Agad nitong dinaluhan si Bea.Hindi ata na-control ni Jaja si JL dahil dito ko iniwan bago kami nag-usap nina Mama.
Yakap-yakap nito si Bea,Ako naman,Nabitin dahil sobra akong na shock sa ginawa ni Papa.Pumunta na kami dito after ng birthday ni Mich kasi yun na ang usapan namin ni Bea kahapon.
"Ikaw De Leon!Ang lakas ng loob mong pumunta dito samin na parang wala kang nagawang mali!"Sigaw nito pero pinigilan ito ni mama dahil yakap-yakap nga ng umiiyak na JL si Bea. Si Bea naman ay agad din na inalo si JL kahit dumugo ang labi nito.
"Baby,kay Tita Jaja ka muna.."Lambing dito ni Bea pero umiling-iling ito.
"JL!halika dito."Pilit itong inaabot ni Jaja pero hindi ito bumibitaw kay Bea.
"No! Don't hurt her Daddylo!Please!"Yakap yakap ni JL si Bea.
"Pinagkatiwala ko sayo ang anak ko kahit na babae ka!Pero anong ginawa mo?You've hurt our daughter!Nasan ang pangako mong Hindi ko sya sasaktan Tito?"Naluha na si papa.Galit na galit talaga sya.
"Mas masahol ka pa sa lalaki! I trusted you! Pero sinayang mo!Tapos ngayon,pupunta ka to ask our permission again?Para ano?Gaguhin ulit kami?"
"Pa!Tama na!"Napaupo ako ng medyo malayo kay Bea at JL.
"Jho...Si JL."tawag sakin ni Bea kaya napilitan akong lumapit dito para kunin si JL.Bea look at me while she's still sitting at the wooden floor.Hindi sya nagtangkang tumayo. Sinasabi ng actions nito na handa itong tanggapin ang galit ng parents ko.
"Mommy,Si Dada.. There's a blood on her lips."Umiiyak na saad ni JL.Sa reaksyon na yun ng bata,Alam kong minahal na nito si Bea.
"Jho..Umalis muna kayo."Saad ni Mama.Nakikiusap na ito dahil alam kong hindi pa okay si Papa.
"You're a cheater,Bea. I can't even accept the fact that you've cheated on my daughter."Saad ni Papa at napahawak sa noo nito.
Lumuhod si Bea sa harap ng mga magulang ko.Umiiyak ito. Hindi ko akalain na gagawin yun.Mas lalo akong napaiyak sa ginawa na yun ni Bea.Gusto ko syang lapitan pero hindi ko magawa.Sinabi sakin ni Bea na kahit anong mangyari,Hahayaan ko syang ayusin ang meron sa kanila ng mga magulang ko.
"Please forgive me.."Umiiyak na saad nito.Nakita ko ang reaksyon ng mga magulang ko.Gulat,Galit at sakit.
Pero kitang-kita ko kung paano naiyak si papa. Hindi nya din siguro alam kung ano gagawin kay Bea.
"Umalis na kayo.Iiwan nyo saamin si JL."Saad ng papa ko pero niyakap ko ang anak ko at tumayo.
"No!"Sigaw ko."Kami ang magulang papa!Hindi pwedeng iiwan namin sainyo ang anak namin ni Bea."Matatag na saad ko. No way!
"Jhoana."Seryosong saad ni Papa."Are you choosing her again?" Hindi makapaniwalang saad ng ama ko.
Tumulo ang luha ko. "I love her." Yun lang ang saad ko.
"Love?! Jhoana Niloko ka nitong asawa mo!" Saad ni papa pero napailing lang ako.
"How can you love a person like that! I accepted her! But ended up hurting you! "galit na galit na saad ni papa at hinawakan ang t-shirt to control his emotions.
"Tito patawarin nyo ako.. Siguro walang kapatawaran ang ginawa ko sa mag-ina ko.."Basang-basa na ang boung mukha ni Bea."Please give me a chance na itama ang lahat ng mali ko.Hayaan nyong kunin ko ulit si Jho sainyo.Hayaan nyo po ako ulit na maging nanay din sa anak namin."Pagmamakaawa pa din ni Bea.
BINABASA MO ANG
Be My Wife...Again(JhoBea)
Fanfiction"Not all second chances can heal a ruined memories"