Chapter 1: My Boring Life

5 1 0
                                    

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Agad kong kinuha ang cellphone ko sa tabi ng unan ko para malaman kung anong oras na. "Alas onse na pala." Bulong ko sa sarili ko.

Agad akong nagmadali dahil baka ma-late na naman ako at siguradong mapapagalitan na naman ako ng teacher ko. Halos araw araw kasi akong late kahit na panghapon ang klase ko. Pero nasanay narin ako sa bunganga ni Ma'am Ascaño kaya parang wala nalang din sa akin.

Masasabi ko na boring ang buhay na mayroon ako. Walang kakulay kulay ang buhay ko. Black and white kumbaga, ngunit ayos lang naman sa akin 'to. Gigising ako sa tanghali upang pumasok sa paaralan at pagkauwi ko ay maghahanda ako ng makakain ko pagtapos ay balik na ako sa kwarto ko. Ang aking mundo, dito ko ginagawa ang isang kinahihiligan ko. Ang maglaro ng computer games.
Kaya halos madaling araw narin ako nakakatulog dahil sa paglalaro ko. Wala narin naman akong magulang para pagalitan at pangaralan ako. Namatay si mama noong 16 pa lamang ako dahil sa sakit niya. Hindi ko naman nakilala ang papa ko kaya dalawa lang kami ni mama ngunit ngayon ay mag isa nalang ako. May nakukuha naman akong pensyon kada buwan ngunit hindi iyon sapat kaya naglalaro ako ng mga computer games kasi kumikita ako doon. Minsan gusto ko din naman mabawasan ang pagiging walang buhay ng buhay ko pero hindi ko alam kung paano. Hindi ako mahilig makipag usap sa mga tao dahil mahiyain ako. Siguro ay ganito na talaga ang magiging takbo ng buhay ko.

5:30 PM

Sa wakas ay kalahating oras nalang ang hihintayin ko para makauwi na ako. Kaya nakinig nalang ako sa guro na nagtuturo sa harapan namin kahit alam ko na naman ang tinuturo niya. Mas marami pa kasi akong natututuan sa internet kesa sa school sa totoo lang. Maya maya pa ay narinig ko na ang pinakahihintay ko. "Class dismiss." Pagkarinig ko no'n ay agad kung isinukbit ang bag ko sa braso ko at naglakad palabas ng classroom.

"Kairu!"

"Kairuuuuu!"

"Hintayin mo naman ako!"

Isang pamilyar na boses ang tumatawag sa akin habang naglalakad ako papunta sa paradahan ng tricycle. Ngunit hindi ko siya nilingon at nagpatuloy lang sa paglalakad pero naabutan niya ako. Kasabay ko ngayong naglalakad si Alyssa, classmate ko at kapitbahay ko.

"Bakit ba hindi mo ako lagi hinihintay?" May lungkot sa boses niya habang nagtatanong kaya nilingon ko siya. "Kaano ano ba kita para hintayin?" Walang buhay kong sagot.

Halatang nalungkot siya sa narinig niya kaya tumahimik nalang siya pero kasabay ko parin siyang maglakad. Hanggang makauwi kami ay walang umiimik sa aming dalawa, wala din naman akong sasabihin sa kanya.

Pagkatapos ko kumain ay dumeretso na ako sa kwarto ko upang maglaro at kumita ng pera. Habang naglalaro ako ay tumunog bigla ang notification sa groupchat namin ng mga kakilala kong gamers kaya mabilis ko muna itong tiningnan, isang link. Mamaya ko na titingnan 'yon at tatapusin ko muna ang ginagawa ko.

Agad kong clinick yung link na sinend sa GC namin at tiningnan kung anong meron doon. Isang video ang nakita ko kaya pinanood ko ito. Isang matandang lalaki ang nasa video at may sinasabi siya. "The end is near! The end of humanity will arrive soon! Hahahahahaha!" Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay binaril niya ang sarili niya. Nagbasa basa ako sa comment section at iba't ibang opinyon ang nabasa ko, may mga nagsasabi na nababaliw lang ang matanda at meron namang naniniwala sa matanda. Hindi ko nalang pinansin ang napanood ko at nagpasya nalang akong matulog dahil alas kwatro na ng madaling araw.

Nagising ako dahil sa isang masamang panaginip. May humahabol daw sa akin na kung ano pero hindi ko naman makita kung sino or kung anong nilalang ang nahabol sa akin. Alas syete palang ng umaga pero hindi narin naman ako makatulog dahil sa napanaginipan ko. Sumilip ako sa bintana ng kwarto ko at isang magandang tanawin ang nakita ko.

Ang sarap titigan ng maamo niyang mukha. Ang hanggang batok niyang buhok na kakulay ng papalubog na araw ay bagay na bagay sa kanya. Ang ngiti niya na lalong nagpapaganda sa kanya at ang mga mata niya na parang inaakit ka kapag tinitigan mo. Oo, si Alyssa ang tinutukoy ko. Matagal na akong nagkakagusto sa kanya pero hindi ako umaamin dahil nahihiya ako. Sa tingin ko ay hindi din naman siya magkakagusto sa katulad ko. Napakayayaman at ang gwagwapo ng mga manliligaw niya, samantalang ako ay eto walang kabuhay buhay.

Mas mabuti na 'to. Titingnan ko nalang siya mula sa malayo.

Dahil maaga naman akong nagising ay naisipan ko na maglaba ng mga damit ko at maglinis ng bahay. Halos mag aalas onse narin ng matapos ako kaya nagpahinga lang ako saglit at nagluto na ng tanghalian ko.

3:00 PM

Nandito ako ngayon sa canteen at naghahanap ng mauupuan. Sa paglilibot ng mga mata ko ay may natanaw akong isang lalaki na kumakain sa bandang dulo ng canteen, doon nalang ako makikiupo at kakain.

"Pwede makiupo?" Tanong ko sa lalaki. Aba himala ba ito at nakipag usap ako na ako ang nagsimula.

"Oo naman." Sagot nong lalaki. "Ako nga pala si Regn." Sabay abot ng kamay sa akin.

"Ah ganon ba. Ako naman si Kairu." At nakipagkamay ako sa kanya.

A/N: Regn, Reyn kung bigkasin. Ang pangalan na ito ay nangangahulugang 'ulan'.

Pagkatapos kong kumain ay agad akong naglakad papuntang classroom. Si Regn naman ay kanina pa nakaalis dahil male-late na daw siya.

Agad kong natanaw si Alyssa na nakikipag kwentuhan sa tapat ng classroom namin. Yumuko ng napadaan ako sa tapat nila at dumeretso na sa loob upang maupo.

"Kairuuuuu!" Isang pamilyar na boses na naman ang narinig ko habang naglalakad papunta sa paradahan ng tricycle.

Pero sa pagkakataong ito ay nilingon ko siya at hinintay. "Himala at lumingon ka! Hindi lang 'yon at tumigil kapa!" Masayang sabi niya habang nakatingin sa akin.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kanya pero hindi niya ako sinagot at naglakad na siya ulit. "Problema no'n?" Tanong ko sa sarili ko.

Habang naglalakad ako palapit sa bahay namin ay may humawak sa kamay ko, si Alyssa pala. "Ka-kairu may sasabihin sana ako sa'yo." Halata sa kanya na kinakabahan siya.

"Ano 'yon?" Tanong ko.

"Ano ka-kasi." Tiningnan ko lang siya at naghintay ng susunod niyang sasabihin.

"Gu-gusto kita Kairu." Kitang kita ko ang pamumula ng pisngi niya pagkatapos niyang sabihin 'yon.

Nginitian ko siya. "Ako din, gusto ko din ang sarili ko." Halos maiyak siya sa mga sinabi ko pero iniwan ko na si Alyssa at naglakad paalis. Pagkarating ko sa tapat ng bahay namin ay nilingon ko siya, nandon parin siya sa pwesto niya kanina at parang lutang na umiiyak. Nakaramdam ako ng awa para sa kanya pero sino ba naman ako para magustuhan niya diba? Baka kasi pinagtritripan niya lang ako.

Pagkatapos kong kumain ay pumunta na agad ako sa kwarto ko. Pagkabukas ko ng facebook ay kitang kita ko sa newsfeed na mabilis kumalat yung video ng matanda na napanood ko kagabi. Hindi ko nalang 'yon pinansin at naglaro nalang ako.

Bago ako mahiga sa kama ko ay may ngiti sa labi ko dahil nakakita ako ng isang legendary item sa nilalaro ko. Mabebenta ko 'yon ng malaki, malaking tulong sa'kin 'yon dahil medyo dumarami din kasi ang gastusin ko. Tiningnan ko muna ang cellphone ko ala singko na pala. Kaya tuluyan ko ng pinikit ang mga mata ko at natulog.

As I Lay Dying (In The Middle Of Nowhere)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon