Chapter 12
Vinson's POV
Bakit parang kanina pa sila hindu okay ni Jade? Kanina ko pa kasi napapansin sa loob palang ng room na hindi naguusap ang dalawa. May nangyari ba? Maski ako hindi rin kinausap ni Jade. Well, sanay naman ako kasi alam ko na hindi talaga niya kami kinakausap mga barkada ng kapatid niya pero ang ipinagtataka ko ay si Andrea. Ano bang nangyari?
Hanggang cafeteria ay hindi sila okay. Lumapit si Andrea kay Jade pero tumayo naman ito at akmang lilipat ng lugar hanggang sa hinawakan ni Andrea si Jade pero tinitigan lang siya nito. Tapos, nagpumiglas ito at siya namang pagbitaw ni Andrea sa braso nito.
Tapos kanina noong labasan na. Lumapit ako kay Andrea, kasama ko noon si Seth kasi naguusap kami tungkol sa birthday ni Paulo next week nang makita ni Seth si Jade na nasa likuran namin, tinawag niya ito pero di siya pinansin tapos napatingin si Seth sa amin. Tsaka niya ako tinapik sa braso at sabay sabing mauna na siya. Sasabay na raw siya sa kapatid niya na siyang ipinagtaka ko. Kasi hindi naman talaga siya sumasabay dito.
Pagkaalis nila ay biglang bumuntong hininga ng malalim si Andrea. Ngayon lang ako nakarinig ng ganoon kalalim na buntong hininga kaya nagreak kaagad ako. Sabi ko ang lalim naman ng buntong hininga niya. Inisip ko may nangyari talaga sa kanilang dalawa tapos tiniitigan niya lang ako ng masama sabay abot ng isang folder. Siyempre nagtaka ako tinignan ko ito at ang daming laman nito. Puro papel na may mga questionnaires. Anong gagawin ko dito. Kaso ang gago ng tugon niya sa akin sabi niya kailangan ko raw sagutin ito. E, hindi ko nga alam ang mga ito tapos sasagutin ko sila? Abnormal ba siya?
Kaya sabi ko seryoso ba siya, kaso muli niya akong sinagot nang pabalang sabi niya sunugin ko nalang raw. Napakagago hindi ba? Seryoso akong nagtatanong tapos babarahin ako ng ganoon. At isa pa, nakalimutan niya ba na ako ang magbabayad sa kaniya? So, in short boss niya ako pero ganito siya umasta sa akin. Tingin niya sa sarili niya mataas siya?
Kaso mukhang hindi siya nagpatalo sa akin bigla siyang sumagot na mas kailangan ko raw siya, kapal! Sino ba siya sa tingin niya? Siya pa itong malakas ang loob na sabihin na tapos na raw ang deal. Nakakainit ng ulo, akala mo kung sino, napakayabang.
Pagdating ko ng bahay nakasalubong ko si Mommy, humalik ako sa kaniyang pisngi tapos napansin niya ang dala kong folder. She asked me kung ano raw ito, sabi ko wala lang. Pero pinilit niya akong tignan raw niya wala na akong choice kundi inabot ko sa kaniya tapos nagulat ako nang namanghan siya sa nakita niya. She even said she's impress. She even asked na galing raw ba ang reviewer na ito kay Andrea? Siyempre tumango lang ako at nagtaka bakit ganoon nalang ang reaksyon niya?
Sabi pa niya she's doing good raw. Dagdag pa niya, maganda raw na magkaroon muna ng pretest kagaya ng ipinapagawa niya para raw malaman kung may naiintindihan raw ba ako sa mga questions, and maybe ipapaliwanag ni Andrea after.
Nakalimutan kong dati palang teacher si Mommy kaya ganoon nalang ang inis niya kapag nakikita niyang mababa ang grades ko.
So, ganoon pala ang gustong iparating ni Andrea? E kung sinabi kaagad niya edi hindi na sana kami humantong sa pagtatalo. Iba rin kasi ang ugali niya.
Problema ngayon paano ko siya paamuhin? Paano ko siya pababalikin? Malalagot ako kay Mommy kapag nalaman niya na nagback out si Andrea, tiyak na hahanapan niya ako ng bagong tutor at baka hindi pa ako makapunta sa birthday ni Paulo at magrounded na ako habang buhay.
Lintek naman kasing babae iyon.