"Hala,inano niyo si Sam?"
"Oy,napano ka?
" Ba't umiiyak yan?"
Sunod-sunod na tanong ng mga kaklase kong babae,wala na nakita na nila ako,huhu.
Sa school lang kasi ako malayang makakaiyak.Baka ipalusot ko nanaman kina mama "masakit po ngipin ko" kapag nakita nila akong umiiyak.
Yo'n kasi ginawa ko last time na naiyak ako dahil din kay Trem.
Akala ko buong magdamag lang wala na.
Itutulog ko lang wala na.
Pero,hindi ang sakit parin.
Sariwang-sariwa pa.
Nakakainis,ganito ba talaga 'pag broken hearted?
Ayoko naaaaaa.
Sobrang sakit.
"Ok lang yan Sam" pagpapatahan sakin ng mga kaklase ko,habang hinahagod-hagod ang likuran ko.
Sina Queeny?Nakatingin lang sila,at kitang-kita ko sa mga mata nila ang awa.
"Teka Sammy,sige ano taga sa'n ba yang lalaking ya'n ha?Ano,sugurin na ba namin?" Biro naman ni Amy
Medyo natawa ako do'n.Natawa na umiiyak,basta imaginin nyo kung ano hitsura ko.
Sinisinok nako dahil sa kakaiyak,buti nalang wala kaming teacher ng third period.
Mukhang magiging lutang ako buong maghapon nito.
Pinagpupulungan parin nila ko,kaya para hindi na sila mag-alala,pinunasan ko na mga luha ko at tumigil na sa pag-iyak.
Kungwari ok nako,kungwari strong ako.
Kungwari.
"Ano,ok kana ba talaga?Sige iiyak mopa" sabi ni Queen ng makaalis na yung iba.
Tumango naman ako,iniyak ko nato kanina sa kanya eh.
Ewan,ba't bumuhos nanaman.
"Yang Trem na yan ah,uupakan ko yan pag nakita ko" si Iana
Natawa nalang ako,over protective talaga 'tong mga 'to.
"Nagmukha ka tuloy Chinese dahil sa kakaiyak mo" natatawang sabi naman ni Lisa.
"Ayaw nyo yo'n may kaibigan kayong Chinese?" Biro ko naman
"Pwede na" sagot naman nya
"Kala ko pa naman magkikita na kami,pambihirang lalaki yo'n,biglang nagkasakit" bulong ko
"Move-on na Sammy,tumawag si Yoongi sakin kagabi,he said papadala nya daw mga tao nya para ipabugbog si Trem" si Queeny
"Pambihira ka" natatawang sabi ko
"Wag mo ng isipin yon,baka hindi talaga kayo para sa isa't isa,grabe kayo ah,tinalo nyo pa yata yung story sa wattpad na " i love you but it's RPW" natatawang sabi nya
"Yun nga rin naisip ko kagabi" sagot ko naman
"Osya,tama na yan,mabuti pa nood nalang tayo ng MV,may bago akong nadownloaaad!" Yaya ni Iana
At nanood nga kami.
Naging maayos naman buong maghapon ko,medyo lutang nga lang.
Kakauwi ko lang galing school,buti hindi napapansin nina mama yung naniningkit kong mga mata.
Huhu,laki nang eye-maleta,este eyebags ko.
Kainis talaga,bakit ba kasi ganitoo?
*****After a Month*****
YOU ARE READING
Only by Grace
Espiritualgrace /ɡrās/ See definition: the free and unmerited favor of God, as manifested in the salvation of sinners and the bestowal of blessings.