Kabanata 2

834 21 0
                                    

Sa araw-araw na nagdaan unti-unting nagiging sweet sa'kin si drake, palagi niya akong binibilhan ng pagkain tuwing lunch at hinahatid niya ako palagi pauwi gamit ang bike niya.

Nagseselos na sakanya minsan si aira dahil naagaw na niya ang atensyon ko, pero kahit na ganun boto din si aira sakanya.

Nakilala na din siya nila mama at papa at sa katunayan ay botong boto sila dito, pero hindi pa man nanliligaw sa'kin si drake ay mukhang sang ayon na sila dito.

Ngayon ay sabado at inaya niya akong lumabas. Hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil surprise daw

"Mama anong magandang isuot dito?", pinapili ko siya sa dress na blue at dress na white

"Hmmm 'yong white nalang anak, naalala ko white din ang isinuot ko noong unang date namin ng papa mo", tuwang tuwa niyang sinabi

Nako naman talaga itong mama ko kung kiligin parang teenager,naalala ko noong late umuwi si papa dahil sa traffic galit na galit na si mama at ano ano na ang pinagsasabi, pero dahil sanay na si papa sakanya ay hinalikan lang siya sa pisnge ay ayos na sila. Ganun sila ka-clingy sa isa't isa

"Napakaganda naman talaga ng anak ko!", pagkababa ko ay pinuri nila akong dalawa ni papa

"Nako naman binola pa ako ng mama at papa ko", sabay yumakap ako sakanila

"Oh andiyan na ata si drake, anak magiingat kayo ah", pinapasok ni papa si drake sa bahay

"Oh drake wag mong pababayaan ang nagiisa naming anak,magiingat kayo ah", bilin ni papa sakanya

"Opo naman tito ako po bahala kay portia, hinding hindi ko po hahayaang may mangyare sakanyang masama", taas noong sinambit ni drake

"Oh siya tara na drake, Mama alis na po kami, Papa larga na kami ah babye po", nagtungo na kami sa labas ng pinto ni drake at agad niya akong binigyan ng helmet.

"Para saan 'to?" tanong ko

"Roadtrip?", sabay pakita ng kanyang motor

Oh my gosh, Drake Creaze bakit naman hindi mo sinabing magmomotor tayo ngayon edi sana hindi ako nag-dress!!

"Drake naka-dress ako siraulo ka", natatawa kong sinabi

"Ayos lang yan, eto jacket ko ilagay mo sa hita mo, tara ride?", aya niya sa akin

"Syempre!", at agad akong umangkas sa motor niya

Napakahaba ng napuntahan namin ni drake at ang masasabi ko lang ay sobrang saya.

Itinaas ko ang aking kamay na parang sobrang laya ko at walang pakealam sa mga makakakita sa akin

"Wooohhh, ang saya saya!!", nakapikit kong sinabi at agad tumawa si drake

"Portia!!!", sumigaw siya bigla kaya napadilat ako bigla

"Portia,mahal kita!!!", sigaw niya sa hangin

Napababa ako ng kamay at agad bumilis ang tibok ng aking puso. Buti na lamang at nakatalikod siya sa'kin kundi makikita niya ang pisnge kong pulang pula na

"Drake, mahal din kita", mahina kong sinabi

Tumigil siya bigla sa pagpapatakbo at binaba ang kaniyang helmet.

"Tama ba narinig ko portia?", nakangiti niyang tinanong

Tumango ako dahil nahihiya akong magsalita. Niyakap niya ako bigla at humarap sakin.

"Portia, pwede ba akong manligaw?", kalmado niyang tanong habang pumupungay ang mga mata

Tinignan ko lang siya at pinagmasdan ang kaniyang kagwapuhan, napakaswerte ko, ang isang tulad niya ay pinapangarap ko lang dati.

Wala pa akong nagiging boyfriend dahil hindi ko pa nararanasan ma-inlove sa isang lalaki.

Pero nang dumating sa buhay ko si drake,natuto akong magmahal at tumanggap ng tulad niya sa aking buhay.

"Yes drake", sagot ko sa kaniyang tanong.

Never Fall In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon