"Oh my gosh beshie!!!, so ako nalang pala single sating magtotropa",dismayadong sinabi ni aira
"Malamang,tayong tatlo lang naman ang magkakaibigan dito", turo ko kay drake at sakanya
"Ano ka ba aira kahit naman nililigawan ko na si portia hinding hindi ka namin iiwan", nakangiting sinabi ni drake
"Sabi niyo yan ah!", nakabusangot na sinabi ni aira
Nag-lunch na kaming lahat at pagkatapos ay dumiretso na kami sa hallway.
"Sandali lang pala kukuha ako ng libro sa library about ucsp, brb guys", paalam ko sakanilang dalawa
"Hintayin ka nalang namin dito portia", sambit ni drake
Agad akong nagtungo sa library at habang naghahalungkat ako ay nahulog ang isang libro, aabutin ko na sana pero may pumulot na agad nito.
"Thank y--", hindi ko pa natutuloy ang sinabi ko ay agad na siyang umalis
Umupo siya at akala ko ay nagbabasa ng libro pero nanunuod lang pala. Sinilip ko ang pinapanuod niya at nakita kong anime ito.
Iba din pala ang taste ng lalaking ito, kakaiba. Ngayon lang ako nakakita ng lalaking nanunuod ng anime na kumakantang mga babae.
"Oh andito ka na pala",sabi ni aira
"Eto kinuhanan ko na din kayong dalawa para makapagreview tayo para sa long test bukas", inabot ko sakanila ang libro
"Hi drake, oops kasama mo pala ang nililigawan mo, anong nakita mo sakanya? joke", sabay halakhak nilang apat
As usual, nasa harapan namin si cassandra at ang kanyang tatlong bebotskie para manira ng araw.
"Alam mo cassandra uminom ka ng tubig tutal uhaw na uhaw ka sa atensiyon", mataray na sinabi ni aira
"Oh really? Bakit? Sa tingin mo magtatagal ang dalawang 'yan?. For your information portia, magkababata kami ni drake sa canada", sambit niya
Napakunot ang noo ko sa nalaman ko, bakit hindi sinabi sa akin ni drake ito?
"Cass tama na, umalis ka na", pinipigilan siya ni drake magsalita
"Oops hindi niya alam? sorry", tumawa ulit sila atsaka umalis
"Portia let me explain",lumapit siya sa'kin pero lumayo ako
"Bakit hindi mo agad sinabi?", tanong ko sakanya
"Kasi wala naman akong nakitang dahilan para sabihin sayo, atsaka matagal na panahon naman na 'yon portia", paliwanag niya
"Pero sana sinabi mo drake para hindi ako magmukhang tanga", umalis ako at iniwan silang dalawa ni aira.
Sa ngayon kailangan ko munang magpalamig, magsosorry nalang ako sakanila bukas.
Nasa park ako ngayon at nagsi-swing mag-isa.
Napatigil ako bigla ng makita ko ang lalaki kanina sa library. Ang tinde naman nito, kahit naglalakad nanunuod pa din ng anime.
Nakita kong may paparating na kotse sa dinadaanan niya at dahil sa panunuod ay hindi niya napansin, pero nagulat nalang ako at agad siyang lumiko at umikot kaya hindi siya nabunggo ng kotse.
Pambihira, talented pala ang isang 'to, kahit nakafocus sa panunuod ay nagagawa pa ding umiwas sa disgrasya.
"Idol!!", sigaw ko
Halata namang hindi niya ako narinig dahil sa pinapanuod niya sa kanyang cellphone.
"Hay nako sana ay maging ligtas ka palagi delikado yang ginagawa mo", sabi ko ulit sakaniya at tumayo na para umalis ng park.
Nakakahiya pala ang ginawa ko kanina, magso-sorry talaga ako kay drake bukas na bukas.

BINABASA MO ANG
Never Fall In Love Again
Teen FictionNagkaroon ng first love ang isang babaeng "no boyfriend since birth" at akala niya ay pang habang buhay na niyang magiging kasintahan ito, ngunit sa paglipas ng panahon ay unti-unti niyang matutuklasan ang katotohanan, kaya't labis siyang nasaktan a...